Chapter 3

30.1K 794 162
                                    

Chapter Three

"Just Forget"

Kinagat ko ang aking labi nang tumingin ako sa relo at bandang alas nuebe na ng gabi. Tapos na ang shift ko at nakatayo na ako ngayon sa labas ng ospital.

"Uuwi na ako Cindy. Ikaw?" Ngiti ni Joy sa akin. Kalalabas lang rin niya ng ospital, hindi na siya naka nurse uniform kagaya ko.

"Dito lang muna ako. May hinihintay pa kasi ako." Ngiti ko kay Joy.

"Oh sige Cindy. Ingat ka! See you tomorrow!" Kumaway kaway si Joy sa akin bago tumalikod narin at umalis. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pumasok na siya sa isang motor cab at tuluyang umalis.

Nagbuntong hininga ako at tumingin ako sa aking relo. Malapit na ang 9:30. Nasaan na kaya yun si Sir Mishael? Este.. Mishael nga.

"Hey."

Anak ng kabayo! Halos napatalon na ako sa kaba nang biglang may matangkad na lalakeng nakatayo na sa tabi ko.

Pagtingin ko ay tumambad sa akin ang nakataas-kilay at seryosong mukha ni Mishael.

Napalunok ako. He's really, really handsome. And the way he raises his perfect eyebrow... tapos yung perpektong panga niya..

It's not the first time I've seen someone this handsome. Of course, nung highschool at college may mga naging classmate na akong mga gwapo rin. At marami ring gwapo sa tv at billboards. Pero ito ang unang pagkakataon na may ganito talaga ka-gwapong lalake na kusang lumapit at kumakausap sa akin, set aside na binayaran niya pa ang renta ko at nag-offer narin siya na matutulog ako sa kanyang bahay ngayong gabi. Bawat segundo ay pakiramdam ko lalo akong lumiliit sa kanyang harapan.

"You could've waited inside. It's cold out here. Tss. Tara na." supladong tumalikod si Mishael sa akin at naglakad palayo.

Nagmadali nalamang akong nagjog patungo sa kanya upang masundan siya.

"Pero malamig rin naman po sa loob ng ospital. Aircon po kasi dun."

Napakamot ako sa aking ulo habang naglalakad na sa kanyang likuran. I think we're walking to the parking lot.

"Gumagamit ka na naman ng 'po' Cindy." Aniya.

Napatingin ako sa baba at napanguso ako. Hindi ko naman sinasadya.

"Hindi na po mauulit." Sabi ako.

Huminto si Mishael sa paglalakad at nilingon niya ako. Napahinto rin ako kaagad. Napalunok ako nang nakita kong nag-abot ang kanyang mga perpektong kilay sa akin. He looked even more frustrated. Napatikom na lamang ako ng aking bibig. I said 'po' again didn't I?

"Pero Sir kasi-- I mean, Mishael.. Gumagamit lang naman po ako ng 'po' dahil may respeto po ako sa inyo. Tapos alam ko rin po na mas angat po kayo kaysa sa akin. Mahirap lang po kasi ako tapos kayo po.." Napatigin ako sa baba. Kinagat ko ang aking labi.

Nang tumingin ako sa kanya ay nakatitig lang siya sa akin. Parang binabasa niya ang kung anong nasa isip ko.

Napalunok ako. "H-Hindi rin po kasi bagay sa akin na hindi gumamit ng 'po' sa inyo. Hindi naman po kasi tayo magkaibigan, o close.. at alam ko rin pong hindi ako bagay maging kaibigan niyo kasi po ganito lang ako. Tapos boyfriend ka rin po ni Doc Athalia. Assistant ako ni doc noon sa Manila kaya nagdesisyon rin akong Sir Mishael ang itawag sa inyo--"

"Stop."

Napahinto ako nang nagsalita siya. Tumingin ako sa kanya, pero nakatingin na siya sa ibang direksyon.

Before I Go (TDL Series #4) (COMPLETED)Where stories live. Discover now