Chapter 9

13.8K 448 29
                                    

Chapter Nine

"Mishael is Hot"

Nasa tabi lamang ako ni Mishael habang tumitingin siya sa hotsprings ng Pulangbato. Napatakip ako sa aking ilong dahil naaamoy ko ang sulfur na nanggaling doon, pero gayumpaman ay napapamangha ako dahil sa sobrang kakaiba ng guhit ng kalikasan sa lugar na ito.

Tumingin ako kay Mishael at nakita ko na naman siya na malayo ang kanyang tingin.

"If you want to swim in the falls, go ahead." ani Mishael, hindi nakatingin sa akin.

"Wala naman akong dalang extra na damit." Malay ko ba pupunta pala kami dito.

Napakaganda tingnan ng falls. Kanina ay dumaan kami doon at maraming mga tao ang masasayang naliligo doon. First time ko makapunta ng ganitong lugar dito sa Dumaguete, at bihira lamang talaga ako makapunta ng mga lugar na ito ngayong malaki na ako dahil hindi ako nagkakaroon ng oras, at isa pa, magastos din ang mag outing.

Naalala ko tuloy ang mama ko. Mahilig ang aking ina sa mga dagat at naaalala ko nung bata pa ako palagi niya akong dinadala sa beach kapag birthday ko. Kaya lang matapos pumanaw ang aking ama ay hindi na siya madalas lumalabas ng bahay.

Biglang naglakad muli si Mishael patungo sa falls at sumunod muli ako sa kanya.

"Gusto mo ring maligo ano?" ngisi ko at nilapitan ko siya.

Kumunot ang kanyang noo sa akin.

"No." Aniya at tumingin na siya muli sa falls.

Napangiti ako ng walang dahilan. Kahit suplado siya ay nakakatawa din pala siya.

"Halata ka eh. Gusto mong maligo!" lalo akong ngumisi sa kanya at lalo naman siyang nag iwas ng tingin. Bumuntong hininga ako.  "Ikaw pa nga ang nagyayang pumunta tayo dito. Pumupunta ang mga tao dito upang maligo at mag enjoy. Hindi lang para makapagsight seeing at mag-emote."

"If you want to swim, then just go swim Cinderelle. Ano bang ginagawa mo sa akin?" tumingin si Mishael sa akin at natigilan ako dahil sa deretsuhang pagtama ng aming mga tingin. He said my name. And... His eyes were very mesmerizing. Parang isang anghel ang nakatingin sa akin... Isang supladong anghel.

Tumikhim ako at inayos ko ang aking sarili. "Sinabi ko na sa iyo diba. Wala akong extra na damit."

"You're wearing a dress. You can just take it off."

Pumula ang aking mga pisngi.

"A-Ayokong magpanty at bra lamang 'no!"

Nanatiling nakatitig sa akin si Mishael, at pakoramdam ko ay nasusunog na sa init ang aking mga pisngi sahil tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. At sobrang seryoso ng kanyang mukha.

Agad akong nag ekis ng mga kamay sa aking dibdib.

"Anong ginagawa mo?" nauutal ko tanong.

Bumuntong hininga lamang siya at kumunot lalo ang aking noo.

Biglang siyang naghubad ng kanyang suot na long sleeve button down polo, at sumunod siyang naghubad ng kanyang suot na puting v-neck.

Nanlaki ang aking mga mata at umawang ang aking bibig nang nakita ko ang kanyang pangangatawan. He had a lean and chiseled body. Hindi pang body-builder, pero nadedepina talaga ang kanyang mga muscles. Na para bang buong buhay niya hindi siya tumaba.

Before I Go (TDL Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon