Chapter 20

21.2K 494 141
                                    

Chapter Twenty

"Go"

Seven years later,

Hawak ko ang kamay ni Mishael at maingat niya akong hinihila habang kami'y nagtutungo na sa labas ng airport.

"Mishael, hintayin muna natin ang pinsan mo." Tawa ko habang pinagmamasdan siyang nakatingin sa mga taong nakaabang sa ibang mga pasaherong darating.

Nahagip ng mga mata ko si Racky. Tatlong taon na magmula nung nagdesisyon siyang tumira muna ng Manila at mag-aral muli. Hindi kasi niya natapos ang kurso niya sa Amerika dahil ayaw niya at gusto muna niyang mag-enjoy. Ngayon ay nagbago na siya at nagdesisyon siyang magtrabaho sa Pilipinas at mag-aral muli ng kolehiyo. Ngayon ay ikatlong taon na niya sa law school.

"Mishael! Cindy!"

Sobrang saya ko nang makita ko siya.

Limang taon na akong nagtatrabaho sa abroad.

Sa tabi ni Racky ay nakikita ko si Mama. Pakiramdam ko ay lumilipad ang puso ko sa sobrang saya nang makita ko siya muli. Sila lamang dalawa ang naroon. If I know, nagdala bg sasakyan si Racky.

"Hey! Get off my mom!" Biglang narinig ko ang sigaw ng pinsan ni Mishael.

"Then you get off mine!" Inis na sabi ni Mishael sa anak kong si Rose.

Si Rose ay nakahawak sa kamay ni Eleanor, mommy ni Mishael, at asawa ni Rio.

"Sinamahan niya lang ako sa CR. Sasamahan sana ako ni Mommy pero bigla mo lang siyang kinuha!" Sigaw ni Rose.

"Baby," Humarap ako kay Rose. She might be only 7 years old, but she knows how to argue. "Tama na 'yan. Kayong dalawa talagang magpinsan. Para kayong aso't pusa."

"Eh siya kasi eh!" Sabay pa silang dalawa na tinuturo ang isa't isa.

Niyakap ako kaagad ng anak kong si Rose. Hinalikan ko siya sa pisngi.

Si Mishael naman ay pumunta sa kanyang monmy ba si Eleanor. Nagkatinginan kami ni Eleanor at natawa kami dahil sa aming mga anak.

Bumalik na si Rio at dala dala niya ang aming mga luggage bags sa dalawa niyang kamay. Eleanor and Rio got married six years ago. Si Mishael ngayon ay 5 years old pa, pero tulad ni Rose, matalas na ang dila.

"Look, Rose. Si Lola, oh." Kinarga ko si Rose at naglakad na kami patungo kina Rackt at Mama.

"Ma! Miss na miss na kita!" I managed to kiss her and hug her bago nilipat ko sa kanya si Rose, ngunit mabilis lamang dahil mahina na ang mga braso ni Mama.

Noong araw na iyon, tama nga ang hinala ko. May dalang sasakyan si Racky at doon kami sumakay. Nanghiram siya ng van sa isang kaibigan at kumasya kaming lahat.

Hindi na nagreklamo si Rio kahit alam naman namin na mas gusto niyang siya ang magdadrive imbes na ang kapatid niya, pero pagod siya sa byahe at alam din niyang hindi papayag si Racky na palitan siya sa kanyang pwesto.

Tuwang tuwa si Mama dahil kay Rose at halos sa buong biyahe ay nagdaldal lamang si Rose kay Mama, at syempre nagdaldal din si Mishael at hindi na naman nagkakaintindihan ang dalawa dahil pareho silang gustong magsalita.

Nang napagod na ang dalawa ay natulog na si Mishael at sumandal siya sa kanyang mommy na si Eleanor. Si Rose naman ay hinawakan ang kamay ko at binakat ang mga guhit ng palad ko.

"Mommy?"

"Ano yun, Rose?"

"Bibisitahin natin si Daddy?"

"Oo."

"Yey!" Ngiti niya.

Ikalawang beses pa ni Rose na nakauwi ng Pilipinas magmula noong sumama na siya sa akin sa Amerika noong 4 years old pa siya.

"Bibili tayo ng magandang mga bulaklak, Mommy? Pwede ba akong mamili?"

"Yes, baby. Ikaw ang mamimili ngayon. Next year si mommy naman ah?"

Tumango si Rose at humilig siya sa akin nang nakangiti. Gustong-gusto ni Rose tuwing nababasa niya ang pangalan ng kanyang Daddy sa lugar na iyon.

Nilingon ni Rio si Rose at ngumiti siya nito. Nagkatinginan kami ni Mama at hinawakan niya ang kamay kong nakaakbay kay Rose na nasa gitna namin.

When Mishael died, Rose was only two months old. And he lived long enough to see his wishes come true.

"Here we are." Nakangiting sinabi ni Racky. "Home."

Pagtingin ko kay Rose ay nakatulog na pala siya. Napangiti ako.

Habang natutulog ang anak ko ay nanatili akong nakatingin sa kanya.

Red lips, rosy cheeks... Nilapat ko ang hintuturo ko sa kanyang ilong at gumalaw ito. Crinkled nose.

"And your heart will always stay for me." Bulong ko. Pinikit ko ang aking mga mata habang inaalala ang mga nangyari sa amin ni Mishael. The short time we spent together felt like an eternity.

Naririnig ko na ang mga boses ng mga kaibigan namin sa loob ng bahay. Umuwi kami hindi lang upang makapagbakasyon kundi dahil ikakasal na si Kalyx, tapos na ang engagement party nila pero naisipan nila na pupunta sila sa welcoming party namin ngayon si bahay kaya maraming bisita at maraming nag-aabang hindi lang sa aming pag-uwi kundi pati na din sa pagdating ng ikakasal.

"Cindy, let's go?" Nakababa na si Eleanor at Mishael na kinukusot kusot ang mga mata.

Tumango ako.

Nilingon ko si Rose.

"Baby," sabi ko. "Nakauwi na tayo."

Minulat niya ang kanyang mga mata at tumingin muna siya sa labas. Ngumiti siya.

Bumaling ako kay Eleanor.

"Let's go."

Before I Go (TDL Series #4) (COMPLETED)Where stories live. Discover now