Chapter 18

14.6K 481 36
                                    

Two chaps left.

Chapter Eighteen

"All I Needed"

Tuwing kasama ko siya, pakiramdam ko bumabagal ang takbo ng oras, na para bang mayroon kaming sariling parte sa mundo at mayroon kaming sariling oras na tumatakbo para lamang sa aming dalawa, pero sa huli pala ay pakiramdam ko nakukulang pa din ako. Ang bilis lang pala ng mga dumaang segundo, oras, at mga araw, nang hindi ko namalayan. 

Dumaan ang Pasko nang magkasama kaming dalawa. Kasama namin ang aming mga pamilya.

Sa mismong araw ng Pasko unang nagkakilala ang mga magulang namin ni Mishael. Kabadong-kabado si mama dahil unang una ay sobra talaga siyang nasurpresa nang sinabi ko na sa kanya na mayroon na akong nobyo. 

Ipinadiriwang namin ang Pasko sa bahay nina Mishael. Unang beses ko pa ding makapasok sa kanilang bahay noong gabing iyon. Pinayagan si Mishael ng doctor na makaalis muna ng ospital ng isang gabi. Mishael was so stubborn, at isa pa, alam naman ng doctor kung ano ang ibig sabihin ni Mishael noong sinabi niyang konting panahon lang.

Ngayon ay limang araw na ang nakalipas magmula noong araw ng Pasko. Konting araw na lang ay babalik na ako ng Dumaguete. Nanggaling ako sa bahay at dala-dala ko ang mga niluto kong pagkain para kay Mishael.

Inayos ko ang buhok ko habang nakatayo sa loob ng elevator ng ospital. 

Bumukas ang elevator at palakad na ako patungo sa kwarto ni Mishael nang napahinto ako. 

Nadatnan ko si Rio na abalang kinakalma ang mommy ni Mishael na ngayon ay kausap ang isang pamilyar na lalake. Matangkad ito at napakamaamo ng mukha. 

"Tita, matagal na po ang mga nangyari. Could you please calm down." Mariing sinabi ni Rio. Tumingin siya sa lalakeng tahimik na nakatayo sa kanilang harapan. "Eleven."

"The nerve of the two of you to come visit my son." Matigas na sinabi ng mommy ni Mishael kay Eleven. Kinuyom niya ang kanyang mga kamay at huminga ng malalim bago bumuntong hininga upang kumalma muli. She looked away. Umiiling, "If not for Mishael to say he's okay with talking to her..."

"Tita,"

Her.

Napaawang ang aking bibig.

Si Athalia?

Nagtama ang aming mga mata ni Rio at napalunok siya. Nang napansin ni Tita ang tinginan namin ni Rio ay napatingin na rin siya sa direksyon ko. Nagtama ang aming mga mata ng lalakeng nagngangalang Eleven.

Napalunok ako.

It's him.

Kinwento na ni Mishael sa akin ang lahat.

Huminga ako ng malalim. Ibig sabihin ay naroon sa loob si Athalia ngayon at kausap si Mishael.

"Cindy!" Nagulat si Tita. at agad niya akong nilapitan. "Nandito ka na pala, hija."

"Magandang tanghali po, Tita." Ngumiti ako kahit na sa gilid ng aking mga mata ay alam kong seryoso ang titig sa akin ni Rio, at alam ko ring nag-aalala si Tita dahil dumating ako sa tila. maling oras.

Biglang bumukas ang pinto at lumabas mula sa kwarto ni Mishael si Athalia na ngayon ay mapupula ang mga mata at ilong at napagtanto kong kagagaling niya lamang umiyak sa loob ng kwarto ni Mishael.

Nagtama ang aming mga mata at kumabog ang aking puso. Napakaganda talaga ni Doktora Athalia umiiyak man o natatawa. Naalala ko tuloy ang mga panahon na nagtatrabaho ako sa kanyang clinic. Naalala ko ang mga panahon na sila pa ni Mishael. Iyong mga panahong nakahintay si Mishael sa kanya tuwing hapon sa labas ng clinic para lamang sunduin siya mula sa trabaho. Sino ba naman ang mag-aakalang mamahalin ko pala ang lalakeng minsan ay ilang pagkakataon nang naging nasa harapan ko ngunit ibang babae lamang ang nasa kanyang mga mata.

Before I Go (TDL Series #4) (COMPLETED)Where stories live. Discover now