Chapter 8

14.3K 451 21
                                    

Hi friends. Just wanted to say na nasa mga 20-30 chapters lang ang BIG, kaya maiikli lang ang mga UD ko here. Thanks to all the comments and votes and support, mas nagaganahan talaga ako mag UD every time may makukulit at nakakainspire na comments. Hopefully madalas na ang UDs dahil maiikli lamang chaps. See you in the next chaps!

Chapter Eight

"Complicated"

Sa huli ay napunta kami sa isang restaurant na nagngangalang Big Boes, at nag order kaagad si Mishael ng pagkain para sa akin. Napaawang na lamang ang aking bibig nang nakita ko ang mga jnorder niya sa akin na mga pagkain, samantalang ang nasa kanyang side ng table ay isang baso lamang ng tubig.

"Mishael naman... Ang dami nito. Hindi ko ito mauubos lahat. Tsaka share na lamang tayo. Bakit ba wala kang inorder?" tanong ko sa kanya, pero suplado lamang siya na nagbasa ng newspaper na kanyang kinuha sa gilid ng counter kanina.

Napabuntong hininga na lamang ako.

"I'm not hungry." malalim ang boses ni Mishael at nagbabasa parin ng dyaryo. "Just eat it slow to kill the time."

Kumunot ang aking noo.

Kunsabagay, masama naman ang tumanggi sa pagkain, kaya sa huli ay kumain na lamang ako. Na overwhelm ako. Hindi ako sanay na maraming pagkain ang nasa harapan ko, at lalo na na kumakain lamang ako upang mapadaan ang oras. Nasanay akong kumakain lamang ako kapag kinakailangan.

Tumingin ako kay Mishael at nadatnan ko siyang nakatingin sa akin. Nagtama ang aming mga mata, pero una siyang nag alis ng tingin at nagbasa muli ng dyaryo.

Tumikhim ako. "Hindi talaga ako makapaniwala na may nakaraan pala si Colton at si Garvi." panimula ko.

Tila walang narinig si Mishael, pero gayumpaman ay nagpatuloy ako. "Sabagay, hindi ko naman gaanong kilala pa ang mga pinsan ni Joy, lalo na si Garvi."

"Just eat, Cindy." ani Mishael at natigilan ako.

Nanatili ang kanyang mga mata sa dyaryo, at uminit ang aking mga pisngi dahil sa kasupladuhan niya. Hindi ko sinunod ang kanyang gusto at nagpatuloy ako sa pagsasalita, "Bakit ba ayaw mo ng kausap?"

Nang sinabi ko iyon ay napahinto sa pagbabasa si Mishael at tumingin siya sa akin. Malamig at nakakapagpaestatyuwa ang kanyang titig. Lumunok ako.

Ilang segundo kaming nagtitigan at sa huli ay bumuntong hininga si Mishael at bumaling muli sa kanyang binabasa. Lalong kumunot ang aking noo.

Sa isang sandali ay napaisip ako't umawang ang aking bibig at tinapkan ko ito.

Baka naman ayaw niya akong kausapin dahil hindi pa rin ako nakapagbayad sa kanya ng 10K?

Kinabahan ako. Sabi ko sa kanya magbabayad ako eh, kaya lang hindi pa ako nakapag ipon ng sapat dahil ang pera ko ay pinapadala ko halos lahat para sa aking ina. Alam kong sinabi niya sa akin na hindi na daw ako kailangan pang magbayad, pero..

"Kung... natatagalan ka na makapagbayad ako ng utang ko sayo kaya ayaw mo pa muna akong makausap--" magpapatuloy pa sana ako pero pinutol ni Mishael ang aking pangungusap.

"How many times do I have to tell you that you don't need to pay me back?"

This time, may konting ekspresyon na sa mukha ni Mishael at natigilan talaga ako. Kahit konti lamang na ekspresyon ay nakakahanga siyang tingnan dahil sa sobrang perpekto ng kanyang mukha. Yung jawline niya, yung mga mata niya, at ang tangos niyang ilong...parang nakatingin ako ng isang model sa isang magazine.

Before I Go (TDL Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon