Chapter 11

15K 534 48
                                    

Chapter Eleven

"Fine"

Pag-uwi ko Sabado ng gabi ay napahiga ako kaagad sa aking kama nang nakatulala.

Hindi 'to pwede.

Hindi 'to pwede!

Bukas na ng gabi kami magkikita ni Mishael, hindi talaga 'to pwede!

"Cindy..." pagkatapos magbihis ni Joy ng tuwalya para makapaghugas na siya sa banyo ay umupo muna siya sa gilid ng aking kama. "Wag mo na ngang masyadong isestress ang sarili mo sa nangyari. Ikaw lang yata ang  babaeng lungkot na lungkot dahil nakatanggap ka na pala ng grand prize imbes ng second dahil nagback-out yung isa sa mga grand winners. Ano ka ba!"

Napasimangot ako sa kanya. "Alam mo namang intensyon ko talaga ay ang second prize dahil mas nakakatulong iyon perang matatanggap ko mula doon, diba? Saka, ano namang gagawin ko doon sa Korea? Paano ko mababayaran ang utang ko gamit ang grand prize?"

Nagbuntong hininga si Joy at tinali na lamang niya ang kanyang buhok sa isang bun.

"Alam mo kung ako ang nakapanalo ng grand prize na iyan, hahanapin ko kaagad doon sa Korea ang EXO. Kidnappin ko na lang din sila at isasama ko sila sakin pagbalik ko ng Pinas." ani Joy.

"Oo nga po. Napakaswerte niyo nga kasi yung iba pinapangarap na lamang ang makapunta doon. Marami akong classmates na adik na asik sa mga K-pop at K-drama." ani Emily.

"Oh narinig mo sinabi niya."

Nakatingin sa akin ang dalawang magpinsan. Wala na naman si Garvi as usual, at napaisip tuloy ako kumg ao ang reaksyon niya 'pag nalaman niyang may napanalunan ako na ganito. Iniisip ko pa din hanggang ngayon kumg ano ba talaga ang past nila ni Colton.

Hay...

Kanina kasi nung kukunin ko na sana ang cash prize sa building kung saan dapat ko itong makuha ay bigla lamang nilang inanunsyo sa akin na lumipat na raw ang pangalan ko sa mga pangalan ng grandwinners. Ang dahilan nila ay mayroong isang grand winner na hindi na sumisipot o nagrerespond sa mga messages nila. At ngayon ay namomoblema ako dahil hindi ko na alam kung anong sasabihin ko kay Mishael bukas!

Tumayo narin si Joy at pumasok na ng banyo.

Pinakiusapan ko naman sila na sana manatili lamang ang pangalan ko sa nakapanalo ng second prize, pero nalipat na ang pangalan ko, at hindi na makakabalik ito sa second prize dahil magiging kumplikado na ang lahat, may mga nailipat na din din na mga pangalan. Ang magagawa ko na lamang ay magdesisyon kung tatanggapin ko ba ang grand prize o itatanggal na talaga nila ang pangalan ko whatsoever. Napaka unfair para sa akin dahil hindi nila ito sinabi sa akin kaagad, pero natural lang naman na nag eexpect silang mas gugustuhin ko ang grand prize. Sino naman kasi ang hindi? Pero talagang mas kailangan ko talaga ang second prize.

Tumingin ako sa aking cellphone at nakita kong mayroong nagtext. Si Colton na naman.

Nagkukumusta lang siya, hindi pa raw siya makakauwi ng Dumaguete dahil hindi pa siya tapos sa mga kailangan niyang asikasuhin doon para sa kanyang magiging trabaho sa Dubai bilang architect. Habang nakatingin sa text ni Colton ay naisipan kong magtext na rin ako kay Mishael. Kaya pagkatapos kong magreply ni Colton ay nagtext narin ako kaagad kay Mishael.

To: Mishael

Hi Mishael. Gising ka pa ba?

Before I Go (TDL Series #4) (COMPLETED)Where stories live. Discover now