Chapter 6

19.9K 511 35
                                    

Chapter Six

"Sama"

Pakiramdam ko ay nakakita ako ng multo. Kahit matagal na panahon ang lumipas magmula nung huli kaming nagkita ay pakiramdam ko kahapon lamang nangyari ang lahat. Ang pagsagip niya sa akin, ang pagtulong niya sa akin sa buong araw na iyon. Hinding hindi ko iyon makakalimutan.

Humakbang ako. Umawang ang aking bibig at magsasalita na sana ako nang nabaling ang atensyon ko kay Colton na biglang tumayo. Narinig ko ang kanyang crutches at napalapit tuloy ako sa kanya dahil baka ay mapatumba pa siya.

"Mr. Aves--"

Nakalapit na ako sa kanya pero napahinto ako nang tiningnan niya ako at binigyan niya ako ng ngiti. Yung tipong ngiti na pakiramdam mo ay matutunaw ka at mabulag sa kaputi ng kanyang mga ngipin.

"Oops." lalo akong nagulat nang tinaas ni Colton ang kanyang hintuturo at nilagay niya ito sa aking mga labi upang ako'y mapatikom-bibig. "I'm Colton, not Mr. Aves."

Kumunot ang aking noo sa kaweirduhan niya. Inalis ko ang kanyang kamay sa aking mga labi. "Pareho lang naman iyon!"

Tumawa lamang si Colton dahilan sa pamumula ng aking mga pisngi. Hindi dahil pinagtawanan niya ako ng walang dahilan, kundi dahil nahihiya ako kay Mishael at nakikita niyang ginaganito ako ni Colton. At magpinsan pa sila!

"Wait there. I have something for you." ani Colton. Tumingin siya kay Mishael na nasa aking likuran na. Ngumiti siya sa aking likod at tumalikod din siya't may kukunin siguro sa kung saan.

Habang nakatalikod si Colton ay hindi ko napigilan ang sarili ko na lumingon. Tumambad sa akin ang maamo na mukha ni Mishael. Sir Mishael. Kaya lang ay hindi pwede ang sir.

Nagtama ang aming mga mata habang akong nakalingon sa kanya. Ang gwapo niya pa din. Sobra. Para siyang hindi tao. Kaya lang ay napansin kong namumula-mula ang kanyang mukha. Parang mayroon siyang allegric reaction pero kaunti lang, o siguro ay sunburnt lang o sensitibo lang talaga ang kanyang balat. Gayumpaman ay malapit man o malayo, mapula man o maputla, hindi maitatangging halos perpekto siya.

Gusto kong malaman kung anong nasa isipan niya ngayon. Ang expressionless lamang ng kanyang mukha. Maamo pero malamig. Hindi rin ba siya nagulat na nagkatagpo muli ang aming mga landas? Tamang tama dahil mayroon na akong naipon para mapagbayaran siya ng at least 70% ng utang ko sa kanya. At gusto ko siyang mapagsalamatan, kung sana ay mayroon akong pwedeng gawin para sa kanya ay gagawin ko.

"Cindy?"

Nang narinig ko ang boses ni Colton ay bumalik ako sa aking huwisyo. Bumaling ako sa harapan ko. Pero nang humarap ako kay Colton ay napasinghap ako nang mayroon na siyang dala na mga bulaklak sa kanyang mga kamay. Isang bouquet!

"These are for you." ngiti ni Colton at nilahad niya ang mga bulaklak sa akin. "For being a great nurse to me."

Sa sobrang pagkabigla ko ay hindi ko na namalayang hinayaan ko siyang ibigay sa akin ang bouquet. Tiningnan ko ang mga bulaklak na hawak ko na. Tinikom ko ang aking bibig at lumunok. Bumaling ako kay Colton.

"Naku..." nawawalan ako ng salita. "Mr. Aves..."

"Colton." pagkorekta niya sa akin.

"Colton na nga." sabi ko na lamang at napatingin ako sa gilid nang nakakagat na ang labi. Hindi ko alam kung anong sasabihin! Nabigyan na ako ilang mga bulaklak tuwing Valentines noong highschool pa ako, minsan noong college. Pero puro lamang iyon nanggaling sa mga kaibigan ko, o ng mga lalakeng nagsasabing may gusto raw sila sa akin, pero wala namang nanligaw pa talaga sa akin.

Before I Go (TDL Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon