Chapter 17

14.4K 529 54
                                    

Chapter Seventeen
"Stop"

Hindi ko mapaliwanag ang kakaibang saya na naramdaman ko nang makita ko na muli sa wakas si Mama na sumalubong sa akin sa airport noong araw na nakabalik na ako ng Manila. Sobra ko siyang namiss.

Sobrang saya ko rin nang makita ko muli ang aming mga kapitbahay.

Tatlong araw akong nanatili sa bahay upang mabigyan ko ang sarili ko ng panahon upang makasama si mama, at upang din makapaghintay na muling kokontak sa akin si Mishael, pero wala pa rin akong narinig mula sa kanya.

Tinulungan ako ni Colton upang malaman ko kung nasaan si Mishael. Pero pati rin siya ay hindi niya alam kung bakit hindi nagkontak muli si Mishael. Tinawagan niya si Kalyx ngunit walang malinaw na sagot siyang nakuha mula sa kanya. Hindi ko din alam kung paano makontak si Rio at Racky, ni hindi ako sigurado kung nasa Pilipinas pa ba sila o nakaalis na.

Huminto ako sa tapat ng St. Luke's at tiningala ko ang malaking ospital.

Hawak ko ang aking cellphone kung saan nakalagay sa screen nito ang text na nakuha ko mula kay Colton na naglalaman ng numero ng kwarto ni Mishael.

Bawat yapak ng mga paa ko sa loob ng ospital ay hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung ano ang madadatnan ko, kung naroon pa ba talaga si Mishael o kung ano ang nangyari.

Isang gabi at isang kalahating araw... iyon lamang ang tanging panahon na nakasama namin ang isa't isa nang sigurado akong mayroon kaming malakas na nararamdaman para sa isa't isa. Nag-aalala ako kung sapat lamang ba ang maikling panahon na iyon upang masisigurado ko pa rin na hanggang ngayon ay pareho pa rin ang nararamdaman niya para sa akin.

Kailanman ay hindi ko nakalimutan ang nangyari noong gabing iyon.

How Mishael told me I was so beautiful, how he kissed my clavicles, my shoulders and my breasts. How his lips brushed against mine and how his tongue felt inside my mouth. The way his gentle hands touched my private parts, the way his hair felt when I grabbed a hold of his soft locks. Every move we made felt so intense, so strong and magnetic. We did it two times in one night.

"Cindy?"

Napaawang ang aking bibig nang marinig ko ang boses ni Rio.

Nakatayo ako sa tapat ng elevator at nang bumukas ito at papasok na sana ako ay tiempong dumating si Rio at akma ring pumasok na nito.

"Rio."

Pinauna niya akong makapasok sa elevator at sumunod rin siya. Nahuli ko siyang nakatingin sa hawak kong bouquet at lunch box. Nagtama ang aming mga mata.

"Does Mish know you'll be here?"

Umiling ako.

Ilang segundo siyang hindi nakasagot.

Bumukas ang elevator sa floor kung saan naroon ang kwarto ni Mishael at sabay kaming lumabas.

"Can you... stay outside his room for a while? Maybe on the balcony to the right? Sandali lang. I'll go talk to Mishael first... Um. That okay with you, Cindy?"

Naintindihan ko. Nagtext naman ako kay Mishael na pupunta ako, ngunit hindi na naman siya nagreply kaya hindi ko alam kung alam ba talaga niya na pupunta ako para sa kanya sa araw na ito. Sumikip ang aking dibdib at pilit kong gumuhit ang isang ngiti sa aking mukha.

"Sige."

Nagmadaling makaalis si Rio at naiwan ako sa kinatatayuan ko. Hindi nagtagal ay nakahanap na rin ako ng balcon kung saan makita ko ang view sa labas ng ospital. Nakatingin ako sa malayo nang bumalik si Rio.

"Cindy, you're here."

Nilingon ko siya.

Lumunok ako.

Before I Go (TDL Series #4) (COMPLETED)Where stories live. Discover now