PROLOGUE

1.6K 49 22
                                    

PROLOGUE

“You fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time."

"Rumi, tanghali na't gumising ka na jan!" Kaagad akong napabangon dahil sa malakas na sigaw ni Mama.

Pagmulat ko ay malaking hanger ang bumungad sa 'kin. Tila nagising ang kaluluwa ko dahil do'n. Tinignan ang nanay ko at nakataas ang isa nitong kilay habang nakapamewang, at ang isang kamay naman niya ay hawak ang hanger.

Halos hindi ako makagalaw sa pagkakaupo ko sa higaan ko dahil sobrang lapit ng hanger sa mukha ko at isang hampas lang ni Mama ito ay paniguradong sapul sa magandang mukha ko.

"Ano? Magtititigan na lang tayo dito? Tumayo ka na jan at kumain! Kailangan na nating pumunta sa palengke." Mahinahong ani niya, ngunit bahid sa mukha niya ang inis.

Pagkaalis ni Mama ay kaagad akong tumayo at hindi ko alam kung ano ang unang gagawin ko. Kinuha ko ang towel ko at pati ang itim na bistida, at pati narin ang underwear ko.


Tinignan ko ang cellphone ko at nanlaki ang mga mata ko. Ay putangina! Akala ko ba tanghali na? Alas siyete palang naman ng umaga.


Pagkatapos kong maligo ay nagbihis narin ako at pinagkatitigan ko ang sarili ko sa salamin. Ngumiti ako at nagpakita ang dimple ko sa kaliwang pisngi ko.


Pulbos at liptint lang ay okay na. No need sa kilay since medyo makapal na ito at black na black, namana ko ito sa tatay ko kaya naman super thankful ako dahil hindi na ako magpapakahirap na magkilay.


Nagpabango na ako at inamoy-amoy ko ang itim na dress ko. Kung iniisip niyo na baka Victoria Secret ang pabango ko ay nagkakamali kayo, sa bangketa ko lang binili itong juicy cologne na sweet delights. Adik na adik ako sa amoy e!


Pagkababa ko ay nakahain na ang mga pagkain sa lamesa. "Ma, sabi mo tanghali na? Antok na antok pa ako!" Reklamo ko. "Aray huhuhu!" Hinilot-hilot ko ang likod ko na binatukan ni Mama.


"Aba't tanghali naman na talaga? Dapat nga kanina pa tayo nasa palengke. Mamaya baka inagawan pa tayo ng puwesto doon!" So weird naman ni mudra.


---

"Hoy! Marza, buntis ba anak mo? Nako!" Malakas na sigaw na patanong ni Dandeng. Isa siya sa mga marites dito sa Baranggay Talak. Walang preno ang bunganga nito.


"Hoy ka rin, Dandeng! Kung sino man ang buntis dito ay ang anak mong si Klarisa, makabintang ka jan ni wala pa ngang kasintahan ang anak ko! Napakachismosa mong matanda ka, fake news naman!" Galit at mataray na sigaw naman ni Mama kay Aling Dandeng.


Gusto kong matawa sa pinagsasabi nila at talaga nga namang parehas pang nakapamewang ang mga most chismosa dito sa aming Baranggay.


Kaagad ko nang hinila si Mama, hanggang sa makarating kami sa palengke. Pagkarating namin doon ay malalakas ang sigawan nila at nag-aagawan pa ng customer. Napailing na lamang ako at binuksan ko na ang ilaw.

Isda at gulay ang mga tinda namin. Ang ama ko naman ay wala dahil maagang nagising ito upang manghuli ng mga isda sa karagatan na ibebenta namin.

"Ma, punta lang ako kanila Hopia!"

"Itong bata na ito, siguraduhin mo lang magbabayad ka at baka biglang sumugod ang tatay ni Hopia sa bahay dahil hindi ka nanaman nagbayad!" Rinig kong sigaw nito bago ako tumakbo papunta sa bakery nila Hopia.

"Hoy, Rumi! Saan ka pupunta? Ano hanap na ba tayo ng sugar daddy?" Napahinto ako sa pagtakbo at lumapit kanila Moy at Juday.

"Pinagsasabi niyo? Tara, punta tayo kanila Hopia!" Nakangiting saad ko. "Nako! Duda ako sa ngiting 'yan, Rumi." Nakakunot noong ani ni Juday at para bang kinikilatis ang buong mukha ko.

Palengke Series #5: Perfect Love With My WitchWhere stories live. Discover now