CHAPTER 4

390 20 1
                                    

CHAPTER 4

RUMI'S POINT OF VIEW:

"Bwesit kang demonyito ka!" Inis na bulong ko habang matalim na nakatitig sa kaniya. Mahimbing itong natutulog, habang ako ay pagod na pagod dahil sa kabwesitang pinaguutos niya sa 'kin.

Ginawa ba naman akong katulong dito. Kung alam ko lang sana na papahirapan niya ako dito ay sana hindi na ako sumama pa sa demonyitong 'yan. Nakakainis, sarap talaga hilain paa niya tapos ihulog jaan sa may balkonahe niya. Tignan nalang natin kung hindi pa maputol mga buto niya sa katawan.

Mariin akong napapikit at umiling dahil sa mga masamang naiisip ko at baka bigla na lamang may magtulak sa 'kin para gawin ko iyun sa kaniya.


Gawin ba naman akong katulong at pinaglinis ng hardin niya. Ang mas malala ay pinagbunot niya ako ng mga damo jan sa pabas sa ganitong oras. Ang sarap ngang sabunutan at sipain e!


"Kung ipakain ko kaya sa'yo iyong mga damong na bunot ko kanina?" Mataray na tanong ko sa kaniya kahit pa tulog ito.


---

"Ano nanamam bang hinahanap mong babae ka?" Inis na tanong niya sa 'kin habang nakapamewang sa gilid ko at sinusundan ang bawat galaw ko.

"Asan na kasi?"

"Huh? Ang alin?"

"Iyong bag ko? Bakit hindi mo kinuha?"

Nagsalubong ang mga kilay niyang makakapal. "Aba't kasalanan ko pa ngayon? Kung hindi ka ba naman tanga at itapon iyon sa gilid ko kagabi, sure na hindi mo makakalimutan!"

"Kasalanan mo parin, kung hindi ka kasi nagplanong kidnapin ako, edi sana hindi tayo hahantong sa ganitong sitwasyon!" Inis na sabi ko sa kaniya at tinaasan lang niya ako ng isang kilay niya.

"Bakit ako? Sino bang chismosa sa ating dalawa at nagawa mo pang pakinggan ang pinag-uusapan namin? Kung hindi mo sana pinakinggan, hindi ka sana naghahanap ng bag ngayon dito. Tapos pagbibintangan mo ako? Mag-isip ka nga, Witch!"

Lumapit ako sa kaniya at tinaasan ko rin siya ng kilay. Itong demonyitong 'to! Pinagkatitigan namin ang isa't isa. "Witch!" Galit na bulong niya sa 'kin at muntikan ko na itong sipain sa pagkalalaki niya e!

"Tigil-tigilan mo nga ako sa pagtawag sa 'kin na Witch!" Inis na inis na ako at baka sa sobrang inis ko ay baka ako nalang tumalon sa may balkonahe.


"And why would I do that? I'm just saying the truth, Witch!" Nakangising sabi niya sa 'kin. Pinipigilan ko ang palad ko at baka bigla na lamang itong dumapo sa mukha niyang nakakabwesit.


"Uuwi na ako, may pasok ako ngayon." Seryosong sabi ko sa kaniya, pero siya naman ay mas lalong ngumisi sa 'kin.


"You'll stay here, Witch!"

"Ano? Ayoko nga, uuwi na ako. Paniguradong hinahanap na ako nila Mama!"


"What's the number of your parents? I'll just call or text them." Umiling ako sa kaniya at inirapan siya.
"Ano nanaman ba?" Iritang tanong niya sa 'kin.


"Sabi mo maraming pagkain dito, 'di ba? Pakainin mo ako!" Mas lalong tumaray ang titig niya sa 'kin.


"Ang kapal ng mukha mo, pagkatapos mo akong dukutin kagabi ay lakas loob mong manghingi ng pagkain!" Paulit-ulit itong umirap. Confirmed, bakla talaga ang isang Mr. Giodano.

"Aba! Pasalamat ka nga sinabi ko parin kanila Cindy na bigyan ka nila ng pagkain at baka nakakalimutan mo na ikaw ang unang may pakana nito, ang kaso palpak ang pagplano mo kaya naunahan kita!" Nagkibit balikat lang siya.

Palengke Series #5: Perfect Love With My WitchWhere stories live. Discover now