CHAPTER 5

295 18 0
                                    

CHAPTER 5

RUMI'S POINT OF VIEW:

Feel at home akong nakahiga sa malaking sofa dito sa loob ng opisina niya habang nanonood ng Incantation sa TV niya. May netflix e! 'Di ba nakatipid pa ako.


Medyo nakakatakot siya, pero keri ko pa naman lalo na't may kasama naman akong manood. Bumangon ako kaunti at tinignan si Mr. Giordano na seryosong may binabasa sa makapal na libro.

"Hoy!" Tawag ko sa kaniya. Inis niya akong tinignan. "Manood ka naman jan pre!" Hindi siya nagsalita at inirapan lang niya ako.

"Baklang 'to! Takot ka siguro 'no?" Tumaas at baba ang dalawang kilay ko habang may nakakalokong ngiti sa aking labi na nakatingin sa kaniya.

"Stop annoying me, Witch. Pasalamat ka nalang at pinayagan kitang manood jan sa TV!" Napairap na lamang ako sa kaniya at muling ibinaling ko ang tingin ko sa may TV at saktong may nakakatakot at nakakagulat na nagpakita sa pinapanood ko kaya naman bigla akong napasigaw.

Tumayo ako at nakahawak ako sa bandang dibdib ko. Saktong pagtingin ko kay Zagreus ay nakatingin siya sa 'kin, matatalim. Kung nakakamatay lang talaga ang paraan na pagtitig niya sa 'kin ay baka noon palang ay patay na ako at nakalibing na sementeryo.

"Kapag sumigaw ka pa baka hindi ako makapagpigil sa'yong ihagis ka dito hanggang doon!" Mapagbantang sabi niya at itinuro niya sa bandang likuran niya. Napalunok ako dahil doon at tinalikuran ko siya.


Umupo ulit ako sa sofa at ipinagpatuloy ang panood ko.


"Kung natatakot ka you must better change the movie, iba na lang ang panoorin mo. Hindi iyong matatakutin ka na nga pinipilit mo pa na panoorin."



"Hindi ako takot ah!" I denied.


"Sa tingin mo sinong niloloko mo?" He asked.


"Hindi nga kasi ako takot!"


"You look terrified, Witch."

"It's because I am!" I honestly said. Narinig ko naman ang pagtawa niya. Tangina nito nagiging anyong demonyo nanaman.

"Tama ako 'di ba? You can't fool me anymore, Ezilyn." Natatawang sabi niya at ako naman ay hindi nagsalita dahil sa huling sinabi niya. Pakiramdam ko kasi ibang dahilan ang tinutukoy niya.

Tumitig ako sa TV at ramdam na ramdam ko ang sakit sa puso ko. Alam ko naman na dapat hindi ako makaramdam ng ganito, pero hindi ko mapigilan.

"Lalabas na muna ako, nagugutom na ako. Balik ako mamaya o baka uuwi ako sa 'min. Kailangan ko makita si Mama at Papa dahil baka nag-aalala na ang mga iyon." Walang gana na sabi ko at hindi ko na siya hinintay pa na magsalita siya, at kaagad narin akong lumabas sa opisina niya.


Seryoso lamang ako na naglakad at hindi ko pinansin ang mga nasa paligid ko. Alam ko na nasa akin ang atensyon nila at ang iba naman ay nagbubulongan at ako ang topic.



Deretsyo lamang ako naglakad hanggang kung saan-saan na ako napadpad. Alam ko na nasa Bonifacio Global City kami ngayon. Hindi naman ako ganon sobrang bobo para hindi ko malaman kung nasaan kami ngayon.



Kinuha ko ang wallet ko sa bag ko at nakita ko na buo parin ang isang libo na bigay sa 'kin ni Papa. Hindi naman ako magastos, pero kailangan kung galawin ang pera na ito dahil kung hindi ay baka mamatay ako sa sobrang gutom.



Lumapit ako sa nagtitinda ng fishball. "Manong, sampung piso po sa fishball at sampu rin po sa chicken ball." Nakangiting sabi ko sa kaniya. Bigla ko tuloy naalala si Mang Dani, nagtitinda rin iyon ng fishball sa Baranggay Talak at madalas rin kaming tumambay doon lalo na kapag buo kaming pito.



Palengke Series #5: Perfect Love With My WitchWhere stories live. Discover now