CHAPTER 7

258 16 4
                                    

CHAPTER 7

RUMI'S POINT OF VIEW:



"Ma! Saan na iyung itim na bra ko?" Malakas na sigaw ko at hinanap si Mama.

Pagkarating ko sa kusina ay nakita ko si Mama na nagluluto ng pritong itlog. Tumingin siya sa 'kin at tinaasan niya ako ng isang kilay niya.


"Asan rin iyung panty ko na itim? Partner iyun e!" Kunot noong tanong ko sa kaniya. Mahal pa naman iyung panty at bra ko.



"Aba! Malay ko ba kung nasaan iyang mga panty at bra mo."


"Ma, wala po kasi doon sa mga gamit ko na nasa maleta e!"


"Anong panty ba? Iyung may butas or wala?!" Galit na tanong niya sa 'kin. Umatras ang dila ko dahil sa huling tanong niya. Tangina naman wala namang butas mga panty ko.


"Ano ba naman itong si Mama, wala akong panty na butas 'no! Ma, binili mo iyun at wala akong ibang panty at bra na masusuot ngayon." Nakangusong umupo ako sa upuan.


"Rumi, lahat ng gamit mo ay nasa maleta na dala nila. Kaya paniguradong nandoon iyun sa mga gamit mo at hindi mo lang nakita."

"Bakit kasi kailangan pa doon ako tumira, bwesit talaga ang demonyitong 'yun!" Inis at gigil na bulong ko.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Mama. Lumapit siya sa 'kin at inilapag sa lamesa ang Itlog na prinito niya kanina. Natakam naman ako dahil luto ito mashado at crunchy, ito talaga ang gusto ko kapag prito na itlog.

"Ma, bakit ba kasi pumayag pa kayo na doon ako tumira? Alam mo bang demonyo iyun at kamaganak lang niya si Satanas? Nakakainis kasi e!"

"Ang sabi kasi niya noong tinawagan siya ng Bodyguard niya ay tinanggap mo daw iyung trabaho na alok niya sa'yo." Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Ano?! Ma, kaylan man ay hinding-hindi ako tatanggap ng kahit anong trabaho lalo na kapag alok niya. Duh! Asa siya"

"Hindi mo ba siya gusto? Guwapo at mayaman, jackpot siya!" Napailing ako dahil sa sinabi niya.

"Ma, magmumukha akong golddigger nito e! Ayoko ko at wala akong paki alam sa mayabang na 'yun. Akala mo kung sino napakayabang naman." Tinawanan lang ako ni Mama at ini-abot niya sa 'kin ang isang maliit na supot.

"Ano po ito?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Bukas mo at tignan mo." Sinunod ko ang sinabi niya at nanlaki ang mga mata ko dahil ang laman nito ang bra at panty ko na nawawala kanina.

"Anak!" Tumingin ako kay Papa na kakarating lang at may hawak itong plato na may lamang spaghetti.

"Ito oh! Pinabibigay ni Kapitan. Mamaya daw ay pumunta daw tayo sa bahay nila at hanggang court ang party dahil marami tayo." Uupo sana siya, pero kunot noo niyang kinuha ang bra ko at ipinakita ito.

"Sa'yo ba ito? Itago mo nga, Rumi! Mabuti na lamang at umalis na iyung si Zagreus, nakakahiya kung makita niyang nakakalat dito iyang bra mo!" Sermon nito sa 'kin. Itago ko na kaagad ang bra at panty ko sa may supot.

Sabay-sabay na kaming kumain hanggang binasag ni Papa ang nakakabinging katahimikan. "Ano bang namamagitan sainyong dalawa ng lalaking 'yun?" Paulit-ulit akong umiling.

"Pa, wala po. He's not even my boss duh! Kung alam mo lang na binalak niya akong dukutin."

"Ano?! Binalak ka niyang dukutin?" Gulat na tanong nito sa 'kin. Tumango ako at sinubo ang pagkain.

Palengke Series #5: Perfect Love With My WitchNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ