CHAPTER 3

377 17 3
                                    

CHAPTER 3

"Rumi my labs, buti na lang nandito ka!" Ngiting sabi ni Burnok. Tinignan ko lang siya na papalapit na sa 'kin.

"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong niya.

"Magbayad ako ng tinapay na binili ko."

"Ito iyong bayad ko sa tinapay na binili ko kaninang umaga." Ngiting sabi ko kay Hopia. Nagtataka lang niya ako tinitigan, bago niya kunin sa 'kin ang pera.

"Himala at late ka na nakauwi? Baka pagalitan ka ng magulang mo ah?" Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. "Nagpaalam ako kanina na late ako makakauwi."

"Uwi na ako." Pagpapaalam ko kay Hopia at huling tinignan ko naman ay si Burnok na nakangiti habang nakatingin sa 'kin. Tumango na lamang ako sa kaniya bago ako maglakad papunta sa bahay namin.

Pagkarating ko ay nakita kong nakabukas na ang ilaw sa kuwarto nila Mama. Paniguradong tulog na sila, dahil mashadong late narin. Pumasok na ako sa loob at nakita ko ang tirang pagkain na nasa lamesa. Napangiti naman ako at kaagad na umupo.

Habang kumakain ako ay bigla ko na lamang naalala si Zagreus. Hindi pa siya kumakain, pero nasabi ko naman kanila Jericho na pakainin nila si Zagreus.

Binilisan kong kumain para makabihis narin, dahil babalik pa ako kung saan ko iniwan sila Zagreus.

Nangako ako sa kaniya na babalik ako. Hindi ko na hahayaan pang mapako nalang ang ipinangako ko sa kaniya.


Pagkatapos ko kumain ay nagmadali akong nagbihis. Pagkababa ko ay nag-iwan ako ng note sa lamesa namin. Babalik naman ako bukas, kailangan ko lang makasigurado na okay si Zagreus doon. Papakawalan ko rin naman siya.

---

"Sabing ayoko nga e! Sakalin kita gusto mo?" Galit na sigaw ni Cindy kay Jericho.

Pagkarating ko pa lamang dito ay pag-aaway nila ang bumungad sa 'kin. Hindi ko na sila pinansin pa at pumunta na ako sa kuwarto na may kama.

After I opened the door, I saw him sleeping. Mukhang mahimbing ang tulog nito. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa gilid niya.

Maingat kong hinaplos ang mukha niya. I smiled bitterly while staring at his face. Kaagad kong pinunasan ang luha ko.

Yumuko ako at niyakap siya. Mabilis akong napalayo sa kaniya dahil gumalaw ito. Tinitigan ko lang siya habang nakapikit parin ang mga mata niya.


"Zag!" Nabigla ako sa biglaang paghawak niya sa pulsuhan ko. His eyes opened and our eyes meet. Pareho kaming nakatitig lang sa isa't isa at wala ni isa sa amin ang gustong umiwas.


"Bumalik ka. . . " He whispered. Ngumiti ako sa kaniya at hinaplos ko ang mukha niya, napapikit siya dahil sa ginawa ko na para bang dinadama ang haplos ko sa kaniya.


"Kumain ka ba ng marami kanina?" Malambing na tanong ko sa kaniya, habang patuloy parin ako sa paghaplos sa mukha niya.

Tumango lang siya at biglang sumeryoso ang tingin niya sa 'kin. Bigla akong kinabahan dahil sa paraan na pagtitig niya sa 'kin.


"Ba-bakit?" Nauutal na tanong ko sa kaniya.


"I need my phone right now, Ezilyn. I need to call my driver para sunduin niya tayo dito." Nagtataka man ay kinuha ko ang cellphone niya sa loob ng sling bag ko.


"Lalabas na muna ako!" Ngumiti ako sa kaniya at nagmadali akong lumabas sa kuwarto. At this moment ay bigla na lamang nanikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko na hindi ko maipaliwanag.


Palengke Series #5: Perfect Love With My WitchWhere stories live. Discover now