CHAPTER 2

617 25 2
                                    

CHAPTER 2

"Guwapo at mayaman, jackpot!" I bite my lower lip while staring at his handsome face.

Bumaba ang tingin ko sa ibaba at napangisi ako nang makita ko na nakabukas ang dalawang butones sa white long sleeve na suot niya.


"Ang guwapo mo talaga. . ." I whispered. Maingat kong hinaplos ang mukha niya. So soft like a baby's skin. I can still smell his manly scent.

Pinagkatitigan ko lang ang mukha niya, habang hindi parin mawala sa labi ko ang sayang nararamdaman ko ngayon.

I heard the door opened, but I didn't waste my time to look at the person who opened the door. Mas gusto ko pangtitigan lang ang mukha ni Zagreus.



"Miezi, anong gusto mong gawin sa lalaking iyan?" Tanong sa 'kin ni Cindy. Tumingin ako sa kaniya at tinaasan ko lang siya ng isang kilay ko.


"Jericho, I want you to bring him in my room. Gusto kong komportable siyang matulog at hindi nakaupo lang jaan sa upuan." Utos ko sa kaniya.


Pinagkatitigan niya ako, bago sundin ang ini-utos ko sa kaniya. Pinanood ko lang siya na tinatanggal nito ang mga tali na nakapalibot sa katawan ni Mr. Giordano.


"Careful!"


"Teka!" Napahinto naman siya at nagtatakang tumingin sa 'kin. Inaantay nito ang sasabihin ko.


"Ibalik mo siya sa upuan at itali ulit." Kumunot ang noo nito at hindi makapaniwalang nakatingin sa 'kin.

"Sabing ingatan e!" Galit na ani ko sa kaniya, dahil pabagsak niya na pinaupo si Mr. Giordano sa upuan.


"Tangina naman, ikaw kasi pabago-bago iyang isip mo. Ano? Baka i-utos mo ulit na kalagan ko siya? Sabihin mo na dali!" Galit na sabi naman niya at halos magpantay ang kilay niya.

Inirapan ko lang siya at pinanood ko ulit siyang tinatali si Mr. Giordano. Tumingin ako kay Cindy at nakatingin lang rin ito kay Jericho sa ginawa niya.


"Kung ba't ba naman kasi naisipan mo pang kidnapin ang lalaking ito?!" Inis na tanong niya sa 'kin. "Because I need too." I answered. Umiling lang siya at napahawak sa pisngi nito.


"Rumi, sigurado ka ba talaga dito? What if pinaghahanap na siya ng pamilya niya? Paano kung mahuli tayo? Anong gagawin natin? Bigating tao iyang kinidnap mo, paniguradong malalagot tayo dito. Ano ba naman iyan!" Hindi mapakaling sunod-sunod na tanong sa 'kin ni Cindy.


I smiked at her. "Wala kang dapat ikatakot. We're safe here. No one knows this place, except us."


"Pero kasi ano---"


"Umuwi ka na lamang kung hindi ka komportable. Sige na, kami na ang bahala dito." Umiling lang siya sa 'kin na ipinapahiwatig na hindi siya sangayon na umalis mag-isa sa liblib na lugar na ito.



"Jericho, ihatid mo na siya sa bahay nila." Utos ko sa kaniya. Napataas ang dalawang kilay nito at nandidiring tumingin kay Cindy.


"Ihahatid ko iyan? Tsk! No thanks! Ayokong makasama ang babaeng iyan."


Napamewang si Cindy at taas kilay rin niyang tinitigan si Jericho. "Mas lalo naman ako na ayaw kitang makasama. Akala mo kung sino!"


"Ako sino? Ako lang naman si Jericho the macho at poging nilalang dito sa mundo!" He proudly said at bigla na lamang naghubad sa harapan namin. I rolled my eyes and looked at my Zagreus who's peacefully sleeping.


Palengke Series #5: Perfect Love With My WitchWhere stories live. Discover now