CHAPTER 6

282 14 1
                                    

CHAPTER 6

RUMI'S POINT OF VIEW:

"Saan ka ba pupuntang babae ka? Pumasok ka na nga sa kotse!" Asar na sigaw nito sa 'kin.


"Wala kang paki alam kung saan ako pupunta!"

Mabilis siyang lumapit sa 'kin at hinawakan ang pulsuhan ko. "Bitawan mo nga ako!"


"Saan ka ba kasi pupunta?" Inis na inis niyang tanong sa 'kin at hind parin binibitawan ang kamay ko.

"Wala ka ngang paki alam! Ang kulit naman e!"

"Sige, magmatigasan tayo dito. Saan ka pupunta huh?" Napairap ako dahil sa sinabi niya.


"Uuwi ako sa 'min. I need to go home at papasok na ako bukas, did you get it?" Pagtataray na sagot ko sa kaniya at ako na ang nagtanggal ng kamay niyang nakahawak sa pulsuhan ko.


"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi mo na kailangan umuwi? Pinasama na nga ng Mama mo ang lahat ng gamit tapos babalik ka pa?"


"Aba malamang! I need to visit them. Siraulo ka ba?"


Napabuntong hininga siya. "I know, Witch! Ang gusto ko lang sabihin ay mashadong gabi na para pumunta ka pa doon. Tignan mo nga kung anong oras na at sa tingin mo gising pa sila sa ganitong oras?"

Napamewang ako at taas kilay na tinignan siya. "Kung hindi mo sana ako hinarang-harangan kanina ay paniguradong kanina pa ako nakabisita sa kanila!"


"Kasalanan ko pa ngayon?" He raised his eyebrows.


"Sa tingin mo hindi? Well, baka nga siguro hindi but the fact is totoo naman talaga ang sinasabi ko. Indenial ka pa jan akala mo naman hindi totoo ang mga sinabi ko. Bwesit!" Hindi ko na mabilang pa kung  ilang beses ko siyang inirapan.


"Ano? Pupunta ka pa ba o uuwi na tayo?"

"Pupunta ako! Bahala ka sa buhay mo, che!"


"Why don't you just come in at ihahatid na kita sa bahay niyo? It that okay?" Masungit na tanong niya sa 'kin.

"Sinusungitan mo ako?" I asked.


"Sa tingin mo mukha ba kitang sinusungitan?" Pabalik na tanong niya sa 'kin.


"Pilosopo. Ihatid mo na nga lang ako!" Labas sa kalooban ko na pumasok sa loob ng kotse niya at hindi ko na siya kinausap pa.


"Ano nanaman ba?" I looked at him. "Doon ako matutulog sa 'min. After mo ako ihatid, umuwi ka na kaagad."

"And sa tingin mo uuwi pa ako ng ganitong oras? Can't you see that I'm freaking tired at hahayaan mo lang ako na umuwi ng ganitong oras at lagay ko?"


"Edi sa labas ka ng bahay namin matulog o kaya naman dito sa kotse mo."


Halos isang oras ang naging byahe namin dahil sa sobrang bagal niyang magpatakbo ng sasakyan. Iniisip ko nga baka sinasadya nga niya talagang pabagalan para mas bwesitin ako.


Hindi ko na siya hinintay pa at nauna na akong bumaba. Nakakapanibago lang dahil sobrang tahimik ng labas ngayon, kung minsan ay mga ganitong oras palang ay marami pang tao dito sa labas.


Pagkapasok namin ay madilim na sa loob, pero may kaunting ilaw na galing sa itaas. Kaagad akong tumingin sa kaniya.


"Seryoso ka ba talaga na hindi ka uuwi?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. Ngumiti lang siya at umupo sa upuan na kahoy, pero may manipis na foam naman ito para hindi masakit sa pwet.


Palengke Series #5: Perfect Love With My WitchWhere stories live. Discover now