CHAPTER 8

457 19 4
                                    

CHAPTER 8

RUMI'S POINT OF VIEW:

"Bitawan mo nga ako!" Iritang sabi ko at pilit inaalis ang kamay niyang mahigpit na naka-hawak sa pulsuhan ko.

"Naneto kung nawalan nang tibok iyang pulsuhan ko patay na ako!" He didn't say anything at nagpatuloy lang ito sa paglalakad.

Pagkarating namin sa kotse niya ay basta na lamang niya akong binalibag paupo sa may kotse niya. Bwesit talaga itong demonyitong 'to, mukhang pinagplanuhan na niya kung paano niya ako brutal na papatayin.

"Hayop ka talagang demonyo ka, ang sakit no'n ah!" Inis na sigaw ko sa kaniya at masama ko siyang tinitigan.

He raised his eyebrows and stare at me na para bang wala siyang paki alam kahit pa galit na ako sa kaniya.

"Anong tinitingin-tingin mo jan?" Mataray na tanong ko sa kaniya. Inirapan lang niya ako at malakas na sinarado ang pintuan.


Sinundan ko siya nang tingin at saka dinilatan. "Bastos kang bakulaw ka!" Gigil na ani ko.

Hinintay ko siyang makapasok sa loob ng sasakyan niya bago ko siya bungangaan.

"Napakahayop---Hmmmmm!" He covered my mouth using his one hand. Kita niyo na? Napakabwesit talaga ng lalaking ito, ambastos.

"Will you please shut up for now? Nakakarindi iyang boses mo, gusto mo bang tahiin ko yang bunganga mo?" Iritang tanong niya sa 'kin.

Buong lakas kong tinanggal ang kamay niyang naka-takip sa bunganga ko. "Sige nga tahiin mo!" Hamon ko sa kaniya.

"Now? Sige ba!"

Napangisi ako sa kaniya at mariin na tinitigan. "Talaga? Weh! As if namang alam mong magtahi. Mag-laba nga hindi mo alam, tahiin pa kaya ang bunganga ko? Sus!" Maangas at pagbibiro ko sa kaniya.

Inirapan nanaman niya ako at walang pasabing mabilis na pinatakbo ang sasakyan niya.

"Putangina ka! Mama, help me!"

"Gago ka ba? Kung gusto mong maagang mamatay, huwag na huwag mo akong dinadamay!"

"Stop the car!" And he stopped his car.

"Baba!" Seryoso at madiing sabi niya.

"Huh?"

"Ang sabi ko bumaba ka." Tumingin ako sa labas at nanlaki ang mga mata ko nang makitang nasa gitna kami ng sementeryo.

Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya. He just looked at me seriously.

"What? Baba ba ka o kakaladkarin rin kita palabas ng sasakyan ko?"

"Baliw ka na ba talaga? Demonyo ka! Napakasama talaga ng ugali mong Hudas ka." Galit na sabi ko sa kaniya.


"Anong gagawin natin dito sa sementeryo?"

"Ano bang ginagawa sa sementeryo? Sex? Make love?" He smirked. Nagulat ako nang bigla na lamang niya akong hinahawakan sa bewang at hinila palapit sa kaniya.

"Se-sex? Make love?" Nauutal at kinakabahang tanong ko.

Mas lalo siyang napangisi at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Baba!" Madiing utos niya.

"Paano kong ayoko? May magagawa ka?"

"Meron!"

"Ano naman iyun?" Mataray na tanong ko sa kaniya.


Napakunot ang noo ko nang bigla siyang lumabas sa sasakyan niya at umikot. He opened the door at malakas akong hinila palabas nang sasakyan niya.


"Saan nanaman ba tayo pupunta?"

"Mag-uusap lang tayo!" Nagpahila na lamang ako sa kaniya at hindi ko na mabilang pa kung ilang beses ko siyang iniirapan habang naka-talikod siya sa 'kin.


"Hayop ka talagang Hudas ka! Mama, Papa!" Umarte akong umiiyak at natatakot. Lumapit ako sa kaniya at kaagad siyang niyakap.

"Daddy Zagreus, may mumu huhuhu!" Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kaniya. Ang sarap niya talaga sobra... I mean ang sarap niyang yakapin.


I rubbed my one hand to his abs. Unti-unti kong ini-angat ang polo niya at dahil may ilaw naman dito ay parang kumikinang ang mga napakasarap niyang pandesal.

"Ulam pre!" Maloko akong tumingin sa kaniya. Napahinto kami sa paglalakad at siya naman ay kunot noo lang naka-tingin sa 'kin.

"Anong ulam?" Inosenteng tanong niya.

Tinuro ko ang abs niya. "Iyang pandesal mo tol, ansarap yummy hmm!" Ngising sabi ko at ipinagpatuloy ko ang paghaplos sa abs niya.

"Sa akin lang kayo ah? Kay Mommy Rumi lang kayo mga anak kong pandesal ni Berto!" Nagulat na lamang ako nang bigla akong inilayo ni Zagreus sa abs niya.

"Ano nanaman ba?" Masungit na tanong ko sa kaniya. Lalapit na sana ako sa kaniya, pero mahinang itinulak niya ako.


"Who's that fucking Berto? Siya ba bago mo? Akala ko ba ako lang? Bakit Berto pangalan niya? Ano? Jowa mo ba 'yun o alagang aso mo?" Galit na sunod-sunod na tanong niya sa 'kin.


"Ano naman ngayon kong jowa ko si Berto? Ba't selos ka?" Ngumisi ako sa kaniya.

"Me, jealous? To your pet? Fucking no way!" He denied.

"Sus! Selos ka lang e aminin mo na!" Pamimilit ko sa kaniya.

Tumawa siya, pero alam kong galit na ito. "Ako magseselos sa kaniya? Bakit gusto ba kita?"

"Bakit hindi mo ba ako gusto? Ang naalala ko kasi sabi mo sa 'kin mahal mo ako?" Inirapan lang niya ako at inayos niya ang damit niya.

"Asa ka!"

"Aminin mo na lang kasi na hanggang ngayon mahal mo parin ako!"


"Wala akong aaminin, alam mo ba 'yung past is past?" Naiinis na tanong niya. Tumango lang ako sa kaniya.

"Oh, alam mo naman pala e!"

"Sige, i-uwi mo na ako. Miss na ako ni Bebe Berto ko! Alam mo bang mahal na mahal ako no'n? Patay na patay nga sa 'kin 'yun e!" Ngising sabi ko sa kaniya.

Nakita ko naman ang pagbago ng mood niya. Mukhang mas nagalit pa ito base sa mukha niya. Hindi siya nagsalita at tinitigan lang niya ako.

"Uwi na ako!"

"Hindi ka uuwi. You'll come home with me and not with your ugly pet!" He possessively said.

"Hindi siya pangit 'no! Ang gwapo kaya no'n, mas gwapo pa sa'yo HAHAHAHA!" Nakita ko ang pag-igting nang panga niya.

Maglalakad na sana ako pabalik sa sasakyan niya, pero nabigla ako nang hatakin niya ako pabalik sa harapan niya at walang pasabing hinalikan.

"Sa akin ka lang at alam kong never ka pang naka-move on sa 'kin. Sabay tayong uuwi, naiintindihan mo ba? You will come with me sa ayaw at sa gusto mo. You're ny only Witch, sa tingin mo saan pa ako makakahanap ng katulad mo? Wala ka ng kapareho kaya sa 'kin ka lang. I'm claiming you as officially mine, My Beautiful Witch."





---
Author's Note:
One more Chapter and Epilogue na po. This is my last story.❤️

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Palengke Series #5: Perfect Love With My WitchWhere stories live. Discover now