CHAPTER 1

748 34 23
                                    

CHAPTER 1

"Rumi, bumaba ka na jaan at kakain na tayo!" Rinig kong sigaw ni Mama galing sa baba. Gabi na at hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang nangyari noong isang araw.

Mabuti na lamang at hindi na nila ako hinanap pa kanina sa palengke. Hindi ko alam kung ano ang kailangan nila sa 'kin. For sure utos.'yun galing sa boss nila.

Pagkababa ko ay nakita ko na sila Mama at Papa sa sala. Actually konektado na ang kusina at sala, hindi naman kami mahirap at hindi rin kami mayaman, may kaunting kaya naman kami kahit pa mangingisda lamang si Papa at Tindera kami ni Mama sa Palengke. Tatlong beses parin naman kaming kumakain sa isang araw.


Minsan sapat at minsan ay sobra naman ang kinikita namin. Malapit na akong magtapos sa kolehiyo kaya naman mas pinagbubutihan ko ang pag-aaral ko. Gusto kong makapagtapod at makahanap ng mas maayos na trabaho para naman makabawi ako sa mga magulang ko.


"Ayan na pala si Rumi, hali na't kakain na." Mahinahong saad ni Mama at sabay-sabay na kaming pumunta sa lamesa.


"Anak, ito oh! Baon mo iyan para bukas." Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatitig sa limang daan na ibinibigay sa 'kin ni Papa. "Pa, ang laki naman po nito! Okay na po kahit isang daan lang po, sobra po itong baon ko."



Mahinang tumawa si Papa at kinuha ang kamay ko, at doon niya inilagay ang limang daan. "Kung sobra edi baon mo narin sa susunod na araw. Alam ko naman na mashadong mahal ang mga pagkain sa eskwelahan niyo at kung minsan ay may kailangan kayong bayaran o bilhin, kaya mas mabuting sobra para in case of emergency ay may gagamitin ka." Paliwanag nito. Napatango ako at saka ko binulsa ang pera.


"Thank you po, Pa." Nakangiting sabi ko sa kaniya, bago ko siya niyakap. "Itong anak ko talaga, dalagang-dalaga na. Noon karga pa lamang kita!" Natatawang sabi niya.


"Tama na muna iyan! Kumain na muna tayo, maaga kang matulog Rumi at baka late ka na magising bukas, may pasok ka pa!" Pagpapaalala ni Mama.


"Si Mama talaga oh! Baka mamaya gisingin mo nanaman ako ng alas tres at sabihing late na ako!" Pagrereklamo ko. "Aba't---"

"Joke lang po, Ma!" Kaagad na sabi ko. High blood na ulit e! Mahirap na at baka ano pang mangyari sa kaniya.

---

Nakatitig lamang ako sa kisame at inaalala ang guwapong mukha ng lalaking iyon. I'm so irritated with his handsome dark aura. Nahihirapan akong kalimutan iyon dahil sa bawat pagpikit o pagkatulala ko ay kaagad sumasagi sa isipan ko ang imahe niya.


"Argh! Nakakainis! Umalis ka nga sa isipan ko..." Naiiritang saad ko at mahina kong pinagpapalo ang ulo ko.

Kung may kasama lang ako dito sa loob ng kuwarto ko ay paniguradong pagtatawan ako nito dahil nagmumukha akong baliw sa sitwasyon ko ngayon.


Nakakatangina ang mukha niya, pakiramdam ko hypnotized parin ako sa mukha nita kahit pa hindi ko naman siya nakikita ngayon sa personal, pero ang imahe niyang nakakatakot ay hindi parin mawala-wala sa isipan ko.


Mariin kong pinikit ang mata ko at padabog akong bumangon dahil naalala ko nanaman ang mukha niya. Peste naman oh! "Lord, patulogin mo naman ako. Please? Huhuhu! Gustong-gusto ko na pong matulog!"



"Inang 'yon, pinapahirapan pa ako! Akala mo naman guwapo, pero kaunti lang naman. Kahit pa ang yabang no'n sinabi ko lang na sabihin niyang maganda ako, ang sinabi hindi ako maganda arghh!"


"Lord, please po pakitanggal na po sa isipan ko ang masamang espirito na iyon na gumagambala sa isipan ko! I want to sleep na, antok na po ako oh! See? Antok na po ako, kaso nadedemonyo ata ako dahil sa nakakatakot na mukhang iyun kahit guwapo."


Palengke Series #5: Perfect Love With My WitchWhere stories live. Discover now