part 4

10.3K 376 45
                                    

Erinrose POV


Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ko nag halfbath muna ako then nag bihis saka ako humarap sa maliit kong tukador na may salamin may space din na parang lamesa enough lang sa mga gamit ko saka mga collection ko may journal din ako na ginagawa ko lang kapag bored ako.

Ginagawa ko yun habang nakatanaw ako sa buwan and yes isa po akong dakilang selenophile...

••••

/A* sa mga hindi pa alam kung ano ang selenophile yun Po yung tawag sa mga taong love nila ang moon, hindi po fan club ni Selena Gomez kagaya ng unang akala ko😭/

••••


At ngayon balak kung lumabas at umakyat sa bubong upang kausapin ang dyosa ng buwan na lagi kong ginagawa simula nung bata pa ako.

"Oh ano kamusta usapan niyo ni sister in law?" Pang aasar ko kay Eboy.

"Grabe ate sobrang ganda na nya Lalo! Para akong nakakita ng anghel kanina te, tang i- " hindi niya natuloy ang sasabihin biglang tumikhim si tatay eh hahaha.

"Asuuus in love ka lang! Kaya lumayas ka sa harap ko at ayaw ko sa mga taong in love!" Malakas kong tinulak ang mukha nya pagilid at nagmadaling bumaba ng hagdan baka gumanti pa eh.

"Sus! Pag ikaw na in love ate kakainin mo rin lahat ng mga sinabi mo" asar niya, at ako? Hello? maiinlove haha ayaw ko nalang mag tell wala namang nagpapatibok ng puso ko dito sa lugar namin eh pano, puro mga tambay at gorang may mga ka age naman ako, hindi ko naman type kaya makikiusap ako ngayon sa dyosa ng buwan na bumaba na siya at siya nalang jo'jowain ko hahaha.

"Tay sa labas lang ho ako saglit" paalam ko sa tatay na ngayon ay nanonood ng TV, yes may TV kami bigay yan ni Pinky dati pa nung tumambay sya dito eh na bored kaya ayon bumili ng TV at ang sabi birthday gift nalang raw niya kay nanay shunga talaga palibahasa kasi mayaman sana all!

Maliit lang rin bahay namin hindi naman kami sobrang hirap nakakaraos rin naman kami malinis at organized lahat ng gamit namin dito sa bahay kaya kahit papano presentable pa rin si nanay pa naman ubod ng strikto pag dating sa bahay.

" Sigi wag kang masyadong magpapalalim ng gabi Inday ah sinasabi ko sayo" bilin niya.

"Oho Tay!" Sigaw ko at umakyat dito sa puno ng Caimeto upang maka abot ako dito sa bubong ng bahay hindi naman  madilim Kasi may ilaw sa labas ng bahay nila aling Bebang bingi ay hahaha.

"Magandang gabi katulad ng nagliliwanag mong kagandan binibining buwan... "
nakangiti kong hayag habang nakahiga sa bubong namin grabe sobrang ganda ng buwan ngayon yung tipong maiinganyo ka talaga at mawawala sa huwisyo sa kagandan niyang taglay ganun kasi epekto nito sakin sa tuwing tumitingala ako rito.

"Kelan ka ba'baba dito at pakasalan ako haha, alam mo hindi naman sa nag rereklamo ako sa buhay ko pero aaminin ko naiinggit ako sa buhay na meron ang kaibigan ko, kasi siya nakukuha niya lahat ng gustohin niya, maibibigay niya lahat ng kailangan ng pamilya niya hindi katulad ko" naluluha na ako habang iniisip ko lahat ng posibleng mangyari.

alam ko kasing may dinaramdam si tatay hindi niya pinapahalata at sinasabi pero kaninang umaga pag uwi ko galing sa paglalako na abutan ko siya kakalabas lang ng banyo. Akala niya siguro hindi ko naabutan yung napakalakas niyang pag ubo na para bang hirap na hirap na siyang huminga.

Umakto lamang siyang wala pag labas niya kanina pina sigla niya bigla ang awra niya binalewala ko lang naman yun pero pag pasok ko nakita ko kanina yung panyo na gamit niya galing bukid may dugo doon.

Hindi niya ata nabanlawan kaya ako ang gumawa, ayaw kong makita pa yun ni nanay eh masasaktan at mababahala 'yun.

"Alam mo minsan iniisip ko bakit ang unfair ng mundo?meron namang mga tatay d'yan na wala nang ginawa kundi uminom at nilalagay sa ulo ang alak at nagwawala. Minsan nambobugbug pa ng mga asawa't anak nila. Sila ang deserve bigyan ng mga malulubhang sakit eh, bakit yung tatay ko pa? Na wala ng ginawa kundi kumayod para lamang may makain huk- k-kami huk* sa huk* araw-araw"...

At wala na talaga akong nagawa Ng mag landas na ang aking mga luha sa aking pisngi, hinayaan ko na lamang ito hanggang sa maiyak ko lahat ng problema ko.

"Alam kong wala akong karapatan na humiling pero sana lang...... Sana lang humaba pa ang buhay ng tatay...."

Mag a alas dyes na ng mag desisyon akong bumaba at pumasok sa loob ng makakita  ako shooting star na sunod sunod kaya nag wish ako ng taimtim hindi ko sasabihin kung ano bahala kayo Jan.

Pumasok ako sa loob at sumilip muna ako sa kwarto nila nanay mahimbing naman itong natutulog habang magkayakap napangiti naman ako at isinaiisip nalang ang gustong sabihin...

Sana lang wag kami bigyan ng pamilya ko ng problema na hindi namin kakayanin, at sana lang walang mawala sa pamilya ko habang unti-unti akong lumalaban sa hamon ng buhay at unti-uniting tinutupad ang mga pangarap ko sa sarili pati sa pamilya ko, kaya sana lang......







A/N

Hi fersoon ayoon mejo sabaw ako ngayon kahit lage naman hahaha dami kasing ganap in real life eh nakaka drain masyado charr anyways comment ka naman  usap tayo hahah kahit anong hamon na binabato ng buhay go lang tayo Fighting! Ready na  na kayong e meet si Helleana? Si Erin kasi atat na eh humiling na sa buwan Hahahaha anyways hanggang dito nalang muna love you tropapips 💋💕

The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Where stories live. Discover now