Part 58

5.9K 181 6
                                    

Erinrose

***

Walang sawa akong niyayakap ng aking ama nang makita niya ako sa bahay namin kagabi. Naiyak pa siya at nag iyakan kaming lahat bago kami nag hapunan. Sobrang na miss ko ang lahat dito sa probinsya pati narin ang putahi ni nanay. Pangalawang araw ko na ito simula nang dumating ako. Nasa veranda ako nang bagong bahay namin dito at nagkakape. Alas singko palang nang umaga at may nakikita na akong mga tao na nag lalakad at siguro ay pupunta ng kanilang bukirin.

" Magandang umaga ho sa inyo aling Mel!"

" Aba'y napakaganda rin naman talaga ng umaga oo!kaylan ka pa nakabalik Inday?"

Napangiti ako dito sabay bumaba at naupo sa unahang baitang ng hagdanan bago sumagot.

" Kahapon lang ho, sinurpresa ko lang sila nanay sa pag-uwi."

" Aba'y nakakatuwa naman, hala sigi kami ay lalakad na at malayo layo pa ang aming bukirin. "

" Sigi ho aling Mel, magiingat ho kayo sa daan!"

Nakangiti akong kumaway sa kanila bago sila nagpatuloy sa paglalakad. Nasa labas parin ako nang maabutan ako ni Eboy na ngayon ay nabigla pa nang makita ako sa hamba nang hagdan namin.

" H-Hala! Ate ikaw ba iyan?!. Gagi ikaw nga ate! Hahaha kaylan ka pa dumating?"

Natawa ako sa inasta nito. Malaki na rin ang pinagbago ng kapatid ko at makikita mo ito sa pangangatawan.

" Kahapon lang ako dumating. Teka nga. Bakit ngayon ka lang ha? Saan ka ba galing at inabot ka ng umaga?"

Tanong ko dito ng maupo siya sa tabi ko. Nilagay niya yung steadtler tube case niya sa gilid at kinuha yung kape ko at uminom siya doon. Engineering ang kinuha niyang kurso at ako ang nagpapa-aral sa kanya. Gusto ko sanang sa malaking university siya mag-aral sa Manila ngunit hindi siya pumayag kasi daw wala nang maiiwan kina nanay.

" Eh kasi ate tinapos ko muna yung huling project namin, doon ako natulog kina Bogart."

" Mabuti naman at nagsisipag kang mag-aral, at hindi nasasayang lang yung pera ko saiyo."

" Aba syempre ate gusto ko ring magkaroon ng sports car na katulad nung sa'yo."

Inakbayan ko lang ito bago ginulo ang buhok kaya nainis sya at tinabig yung kamay ko. Napatawa naman ako sa hitsura niya. Hindi niya kasi tinanggap yung bigay kong kotse sa kanya dahil ang gusto niya, s'ya mismo at pera niya ang gagamitin pambili ng sarili n'yang sasakyan. Napaka pride talaga ng batang ito.

" Hoy,ikaw ah baka hindi ka nagsasabi sa akin. May grilfriend ka na ba ha?"

Tanong ko dito at tinutudyo ko ng balikat ko ang balikta niya.

" Sus! H-hindi muna ako nagiisip n'yan mas gusto kong magkaroon ng sariling condo at sasakyan kayspa sa mga jowa-jowa na yan!. "

" Aba, priority goal ang ferson ah!"

Nagtawanan kaming dalawa at nagpatuloy sa pagkukuwentuhan hanggang sa tuluyan na ngang sumikat ang araw.

" Teka kamusta na kaya si Eva, may balita ka ba sa kanya?"

Tanong ko kay Eboy at nakita kong bigla itong namula at yumuko bago pinaglaruan yung ibabang bahagi ng uniform niya.

The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Where stories live. Discover now