Part 55

5.7K 181 24
                                    

Helleana

***

Nakarating ako sa prisento na patuloy paring umiiyak. Wala akong paki-alam kung nagmumukha na akong baliw sa harap ng mga tao dito. Patuloy akong naglalakad papasok hanggang sa agad akong nilapitan ng isang pulis at agad na pina-upo sa gilid ng mesa at binigyan ng bottle of water.

After I calmed down. I told them everything from the very beginning till sa part kung saan ako nagising. Agad naman naging alerto ang mga pulis at agad nagpadala ng mga tauhan sa lugar na sinabi ko para masuyod iyon. Ang sabi ng captain na naka duty doon ay magpapadala rin sila ng pulis upang mabantayan ako dahil baka umaaligid pa yung mga kumidnap sa akin. Pasado alas tres na ng madaling araw ng makarating ako sa ground ng condo ko. Naglalakad na ako papalait sa elevator nang bigla nalang may sumulpot na babae at naka mask ito ng itim at ang damit nama'y itim na hapit sa katawan

" Who are you?!"

Hindi ito nag salita at mahinhin lang na tumawa sa akin at dahan dahang naglakad papalapit sa akin. Agad akong nagpalinga linga sa paligid para sana humingi ng tulong pero wala akong makitang tao.

" Sssshhh.. "

Ang sabi nito sa akin at nilagay ang hintuturo sa lips niya para patahimikin ako. Akma na sana akong tatakbo nang magsalita ito at itinutok sa akin ang baril niya

" Move and you'll die bitch!"

Napatigil ako bigla at nanlaki ang mga mata ko ng bumunot siya ng isa pang baril at agad akong binaril sa hita kaya napahiyaw ako. Akala ko masusugatan na ako ngunit nakita kong dart gun pala yung ginamit niya at ngayon ay may dart nga'ng nakatusok sa hita ko. Dahan dahan naman akong napaatras at para akong na p'paralize kaya napaupo na ako sa ground. Tumawa itong babae sa harap ko habang ngumunguya ng chewing gum. Bago ako nawalan ng malay ay narinig ko pa ang huling salita niya

" Let's play a game, shall we?"......

********

Nagising ako na nakatali ang mga paa sa paahan ng upuan at ang kamay ko ay nasa likod at nakatali rin. May scotch tape sa aking bibig kaya hindi ako makasigaw. May isang ilaw na gumagalaw sa ibabaw ko at yun lang ang tanging nagsisilbing liwanag sa paligid. Napatingin ako sa taong nasa harap ko nang bigla itong tumikhim. Hindi ko siya napansin kanina nang magising ako.

" Feeling better now bitch?"

Sabi nito at tumawa ngayon ay wala na ang maskara niya kaya klarong klaro ko na yung boses niya at kilalang kilala ko kung sino siya. Dahan dahan siyang tumayo at bahagyang tumapat sa ilaw na gumagalaw sa ibabaw.

" How are you ate Helleana..."

Saad nito sa akin ng may nakakalokong ngiti sa akin. Hindi ko siya makilala dahil ang laki ng pinagbago niya. Pumayat siya at lumalim ang kanyang mata na mayroong eye bags sa sobrang itim na. Parang hindi na siya natutulog.

" Hhmmm hmmmhppp!"

Hindi ako makapagsalita dahil sa busal sa bibig ko.

" Oh I'm sorry, where are my manners!"

Lumapit siya sa akin at marahas na tinanggal ang scotch tape sa bibig ko kaya napadaing ako sa sakit.

The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Where stories live. Discover now