Part 53

5.5K 157 2
                                    

Erinrose

***

Nasa condo na ako at kadarating ko lang galing sa restaurant doon ako dumiretso pagkatapos kong bisitahin si Ana. Umupo ako sa counter habang hinihintay kong maluto yung cup noodles sa oven, nag crave kasi ako ng ramin kaya heto nga at hinihantay kong maluto. Kinuha ko sa bulsa ko yung box na may sing sing na nabili ko noong nakaraan sa Cartier.

 Kinuha ko sa bulsa ko yung box na may sing sing na nabili ko noong nakaraan sa Cartier

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Erin's engagement ring for Ana🥺

Agad kong kinuha yun sa box at itinaas tapos tinitigan habang nakangiti ako, iniisip ko lang kung anong magiging reaksyon ni Ana kapag tinanong ko siya.

" Will you be my woman?no that's too common. Will you spend your whole life with me mommy?. Geez that's too cheesey"

Kausap ko sa sarili habang nag p'praktis diro sa harap ng stove. Para akong tanga na nakaluhod mag-isa kaya napatawa ako dahil sa mga ginagawa ko. Agad akong tumayo at ibinalik sa box yung sing-sing at isinilid ko ulit sa bulsa ng jeans ko. Hinahain ko na yung noodles sa oven nang mag beep yung phone ko nang sunod sunod. Hindi ko na sana iyon papansinin ng mahagip ng mata ang pangalan ni Ana sa screen. Sunod sunod ang pag send noon ng sa tingin ko ay pictures ata. Bitbit ang cup noodles na umuusok pa sa init ay nilapitan ko yung phone ko. Nakatayo pa ako habang dahan dahan kong binubuksan ang laman ng flood messages ni Ana sa akin,nainis pa ako kasi mejo humina yung net.

Matapos itong mag loading at naview ko na kong anong meron sa mga larawan na iyon ay agad kong nabitawan yung cup noodles diritso sa paahan ko. Agad iyong nagkalat sa sahig at yung sabaw ay tumalsik sa paa ko pero wala akong nararamdamang sakit dahil para akong namanhid dahil sa mga nakikita ko. Maraming hubad na larawan ni Ana ang isinend niya sa akin at hindi siya nag iisa. Yung lalaking nag proposed sa kanya noong nasa restaurant ko ay kasama niyang nakahubad din sa mga larawang pinadala niya. Agad akong nanghina at napaupo ako sa sahig tumama pa yung ulo ko sa mini stall chair ko dito sa may counter. Akala ko yung lang yun ngunit mag kahulihang picture pang pinadala niya at doon ay siya mismo ang nakapatong sa lalaki at kuha iyon sa gilid nila. Alam kong kay Ana galing iyon dahil numero niya ito at siya mismo ang nag save ng number niya dito sa phone ko.  Biglang nandilim ang paningin ko at agad kong itinapon yung cellphone ko sa wall kaya nawasak ito at nagkalasoglasog hindi pa ako nakuntinto ay sinipa at tinapon ko lahat ng mga madaanan ko sa loob ng condo ko

" FVCK! AARRGHH!! HANGGANG KAILAN MO BA AKO PA-AASAHIN!"

Galit na sigaw ko at binalibag ang lampshade sa gilid. Agad akong pumunta sa kusina at kumuha ako doon ng inumin at agad kong inubos yun! Straight lahat! Hindi ko ininda yung pait dahil mas mapait pa itong nararamdaman ko kaysa sa lasa ng alak. Nasa pang anim na akong bote ng scotch ay lasing na ako. Hindi ko na masyadong nakikita yung dinadaanan ko

" Putangina! Wag na wag kang haharangharang sa daraanan ko!"

Lasing na sigaw ko sa couch na humaharang sa akin. Nilagok ko ang huling laman ng scotch at galit na itinapon yung bote sa flat screen kung TV

" Mashaya ka na ha! Mashaya kana!"

Hindi pa ako nakuntinto at pati yung mga trophies ay tinapon ko na rin. Tumutulo na yung luha ko at wala akong paki-alam kahit sumama pa yung uhog ko sa pag tulo. Lahat ng gamit na makita ko ay tinatapon o sinisipa ko. Ang dating malinis na looban ng sala ko ay nagmistulang dinaanan ng bagyo. Bumalik ako sa kusina para kumuha pa ng inumin nagwala na naman ako ng maubos ko yun alak ko wala ng boteng naka display doon kaya dumiretso ako sa double door kong fridge at may nakita akong 12 bottles ng sujo kaya agad akong kumuha at nilagok ko kaagad! Mabilis kong naubos yung isa kaya sunod sunod akong kumuha hanggang maduwal na ako kakainom! Napaupo ako sahig at napasandal sa ibaba ng counter iniwan ko lang nakabukas ang fridge humagulhul ako ng iyak ng pumasok na sa sistema ko yung sakit! Lahat ng sugat ko sa paa dahil sa mga bubug na naapakan ko kaina ay hindi ko ininda dahil ang mas masakit sa parte ng katawan ko ngayon ay ang puso ko.

" Wala kang puso Ana ..."

Humahagulhul kong saad,

" Wala akong kwenta! Hindi ako ka mahal mahal!"

Agad kong sinampal ang sarili ko at sinabunutan ko yung sarili kong buhok. Wala akong nararamdamang sakit physically pero para na akong mamatay sa sakit sa mentally. Inaatake ako ng anxiety ko sinisisi ko na yung sarili ko. Dumugo na yong labi ko pero wala parin akong tigil sa pag sampal sa sarili ko. Natigil lang iyon nang biglang lumitaw ang mukha ni nanay sa isipan ko. Agad akong humagulhul at umiyak ng malakas bago ako humiga patagilid at niyakap ang mga tuhod ko. I kept weeping for hours hanggang sa feel ko naubos na yung luha ko. Bumalik yung dating sugat sa puso ko. Kumalma na ako at ngayon ay tulala habang nakatitig ako sa kawalan. Makalat at magulo na sa loob ng condo ko,pati itsura ko ay sobrang gulo narin. Sabog ang buhok, nagusot yung damit ko sa pag w'wild ko kanina. Ginawa na naman niyang saktan ako ng todo, para niya akong dinala sa na pinakamataas na parte ng langit at agad binitiwan at hinayaang bumagsak sa lupa. Kung masakit man yung ginawa niya noon, pwes mas triple ngayon. Nakatulala lang ako dito na parang walang buhay.

" Pagod na pagod na ako..... "

Wala sa sariling sinasambit ko ang mga katagang iyan ng paulit ulit. Habang nakatitig sa kawalan. Nagmistula akong baliw habang umiiyak at paulit ulit lamang ang mga salita. Gusto kong tawagan si nanay kaya nanghihina ako tumayo at muntik pang matumba dahil sa kalasingan at agad kong hinanap yung cellphone ko

" Nashaan kaba ha! Bushit ka magpakita ka shakin gago ka!"

Hanap ko sa ilalalim ng sink, pati yung oven binuksan ko na rin pero lalo akong nagwala ng walang cellphone ang nagpakita sa akin kaya ayon warshak na naman loob mg condo ko natigil ako sa pagwawala ng mahilo ako at natumba, agad tumama yung ulo ko pangatlong bahagi ng hagdan dito sa sala kaya agad akong nakatulog at nawalan ng malay.....

The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Where stories live. Discover now