Part 33

7.5K 237 20
                                    

Erinrose POV

Ngayon ang araw ng fiesta dito sa amin, maraming mga tao ang naglalakad sa daan habang nanonood ng mga patimpalak. Nangunguna doon yung street dancing na ginagawa talaga dito sa amin tuwing kasag-sagan ng fiesta, maraming mga events na ginagawa at meron di'ng pa disco si mayor na siyang patok, lalong lalo na sa mga kabataan.

" Inday balatan mo na yung mga carrots at patatas tapos hiwain mo na rin "

Si nanay na ngayon ay naghihimay na ng canton para sa putahi niyang pancit, si tatay naman andon sa labas at inaasikaso yung letchon manok kasama niya d'un si Eboy

" Alam mo ba kung anong oras sila dadating dito inday?"

Tukoy nito kina Ana at Pinky dahil hanggang ngayon ay hindi parin dumadating

" Hindi ko ho alam nay eh, baka maya maya lang andito na yun "

Nagpatuloy lang kami ni nanay sa pagluluto dito sa kusina, napansin kong mejo kulay golden bown na yung pritong isda kaya hinain ko ito. Naglilipat ako nito sa lagayan ng may bumusinang sasakyan sa labas hudyat na dumating na yung bisita namin.

" Silipin mo nga inday kung sila senyorita Ana at Pinky na ba iyon "

kaya naman agad akong pumunta sa labas at yun nga ay dumating nga sila magkasunod pang lumabas ng kotse nilang dala.

" Hi babe, happy fiesta!"

Naunang lumapit sa akin si Pinky sabay akmang hahalik sana sa pisngi ko ng agad ko siyang niyakap para hindi niya ako mahalikan. Pagkayapos ko dito ay agad kong nakita si Ana sa likod nito, nung una akala ko ay magagalit siya pero ngumiti lamang ito sa akin at lumapit na din

" Hi, salamat sigi pasok ka "

" Happy fiesta "

si Ana,na huling bumati sabay kiss sa cheeks ko. May mga dala sila na nakasilid ng paper bags, hindi ko makita kung ano ang laman nu'n kaya sumunod nalang ako

" Nay happy fiesta po!"

si Pinky sabay mano kay nanay

" Happy fiesta tita "

sabay kumamay si Ana kay nanay, ito namang ina ko ay sobrang na galak at niyakap pa silang dalawa

" I got something here nanay at gusto ko ako ang magluluto, uhm ok lang po ba?"

sabi ni Pinky sabay lagay ng paper bag sa mesa at isa isang hinugot ang mga laman doon.

" I have something as well tita I also want to cook here po "

saad ni Ana sabay lapag din ng mga dala nito sa mesa, nagpapaligsahan sila ni Pinky ng tingin kong sino ang unang iiwas, pero parang parehas ata silang palaban kaya naman pasimple ko silang inawat.

" Ah ganun ba? Hahaha ang saya naman neto ang dami na naming handa "

Sabi ko sabay lapit sa lamesa para suriin kung ano-ano ang mga dala nila. Si Ana ay may dalang manok na puro drumsticks saka iba't ibang ingredients. Si Pinky naman ay may dalang gulay at marami pang iba

" Aba'y kung ganoon eh, dito ka nalang sa gasol magluto senyorita Ana at ikaw naman doon sa may dirty kitchen sa gilid senyorita Pinky"

Saad nito sa dalawa ng nakangiti, mayroon na kaming gasol at stove dahil kasali 'yun sa mga binigay ni Ana dati, kaya dalawa na yung lutuan namin dito sa bahay. Nagsimula namang mag prepare ang dalawa para silang nasa isang cooking show contest, animo'y nagpapaliksahan ng galing sa pagluluto.

Nakita kong ok lang naman si Pinky sa ginagawa niya kaya lumapit ako kay Ana na nagyon ay nagbubukas ng mga ingredients niya

" Tulungan na kita "

The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Where stories live. Discover now