Part 71 🔞

10.1K 204 5
                                    

Erinrose

***

Nasa reception na kami habang nakaupo sa harap ng mesa at katabi ko ang aking napakagandang asawa. She's smiling all ears habang hinahaplos pataas baba yung kamay ko, sometimes she would clench it para lang lumingon ako sa kanya at pasimpleng magnanakaw ng halik. Ilang oras pa ay nagsidatingan na ang mga bisita pati na rin yung mga magulang namin.

" My my, you two looked really good together my lovely daughters. "

Ani ng mama ni Ana habang nakakapit sa braso ng asawa niyang si gov.

" Maraming salamat mama. "

Sambit ko at natawa, Ana kissed my cheeks at bumulong

" You're so cute baby.."

Tumawa lang ako sa kanya at tinitigan siya nang puno ng pagmamahal.

" Ano na balae, tara na sa mesa natin at nang maipagpatuloy natin yung ating usapan kanina. Ay talaga bang magaganda at malalaki ang katawan?"

Ani ni nanay na ngayon ay hinahatak na si mamà papuntang mesa na nakalaan para sa kanila. Nagkatinginan naman si tatay at si daddy nang iniwan sila ng mga asawa nila. Natawa kaming dalawa ni Ana sa mga hitsura ng mga ama namin. Para silang na lugi eh. Agad naman nilang sinundan yung dalawa kaya iginiya ko na rin si Ana doon sa mesa namin sa gitna. Nang maupo kami at nagsimulang kumain nang biglang tumunog yung wine glass at tumayo si Eva.

" Eherm! Uhm. Hi everything, pwede po bang ibahagi ko lang itong munting mensahe ko sa kaibigan kong si Erin?"

Tawag niyang pansin sa lahat kaya naman natahimik ang lahat at tumingin sa kanya. May dinukot siyang papel sa bag niya na inabot ni Eboy sa tabi niya.

" Dear Erin. Nais ko lang sabihin na masayang masaya ako para sa inyong dalawa ni mommy Ana."

Pasimula niya at ang gaga kumindat pa sa sa akin. I heard my wife's sexy laugh kaya napatingin ako sa kanya. She's busy looking at my best friend habang nakangisi ng malawak, oh how I love this view. Sa utak ko.

" Sana ay maging masaya kayo sa inyong unang pagsasama bilang mag-asawa. Naalala ko pa dati noong umiyak ka at sumumpa na hinding hindi ka na iibig at kakalimutan mo na siya. "

Agad kong naramdaman yung pagkurot na sobrang diin sa hita ko. My wife just clawed me on my thigh,partida sobrang haba nung kuku niya. Napangiwi ako at pasimpleng lumapit sa tenga niya.

" A-aray baby m-masakit na.."

Nasasaktang saad ko kaya lumingon din siya sa akin. She was smiling sweetly at me pero yung kuku niya sa hita ko ay dumidiin parin.

" Did you really wished to forget me huh, baby?"

" Oh come on baby that was before, ow!"

Napahiyaw ako ng mahina nang bigla niya akong siniko sa tagiliran. Partida unang araw palang kaming mag-asawa bugbug berna na ako. Pahamak kasi itong si Eva eh! Ngumiti lang ako ng pilit para hindi kami mahalata.

" Saksi ako sa lahat ng pighati mo noong nagkahiwalay kayo. Pero look at you both now. Wala akong ibang hiling para sa inyo kundi ang mamuhay ng matiwasay at nagmamahalan. Yun lang! Hoy Erin, pag nagkaroon na ako ng anak ikaw bibili ng diaper ah?"

The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Where stories live. Discover now