Part 34

6.3K 251 20
                                    

Erinrose POV

Nasa bahay na kami at kasalukuyang nasa hapag dahil gabi na at oras na ng diner, andito pa sila Ana at Pinky at inimbita ni nanay na dito nalang kumain kaya heto kami ngayon magkasama sa iisang lamesa. Nakahain na roon lahat ng mga niluto namin kanina

" Nanay, taste my lumpia na dali "

Excited pa na saad ni Pinky, kaya naman kumuha si nanay dito pati narin si tatay at Eboy. Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko yung ginawa ni Ana kanina, naku patay! Kumagat na si nanay sa lumpia at dahan dahang ngumuya, ang kaninay nakangising mukha niya ay unti-unting nalulukot pero hindi niya pinahalata. Ganun din yung reaksyon ni tatay at Eboy na napaubo pa sabay inom ng tubig.

Napatapik nalang ako sa aking noo sa isip ko, habang tinitingnan ko si Ana sa gilid ko na may munting ngiti sa labi. Napailing nalang ako

" How was it nanay, masara po ba?"

Masayang tanong nito kay nanay na ngayon ay ininum na yung isang baso ng tubig ng straight

" Ah, eh hehehe a-ano m-masarap naman sya k-kaso lang sobrang a-alat hehehe "

" Huh?Maalat? But I put just a right of salt kanina eh "

Kumuha din ito ng lumpia sabay kain dito, kita ko pa kung paano siya nagpipigil masuka kaya tumayo siya sabay sabing

" Excue me , I'll be right back "

Natahimik naman dito lahat sa mesa nang biglang tumikhim 'tong katabi ko

" How about you try my chicken nanay "

Nagulat pa ako nang sinabi niya yun napaubo din si Eboy. Hindi naman ako mag rereak ng ganito kung si Pinky lang ang nag sabi nu'n, iba kasi ng dating pag si Ana. Kumuha naman si nanay ng isang pirasong manok at agad tinikman. Napapikit pa ito sabay sabing

" Aba'y sobrang sarap naman ne'to senyorita, parang luto lang ng restaurant"

Aabay kagat pa dito hanggang sa mangalahati yung manok, kumain na rin naman yung mga kasama namin kaya ayon nga at napuno ng tawanan at kuwentohan ang hapag. Nakabalik na si Pinky at nag sorry siya sa nasayang sa ulam, agad naman inalo ni nanay dahil parang maiiyak na siya kanina eh. Habang kumakain ako ay pasimpleng humawak si Ana sa hita at hinaplos pataas baba, kaya napatingin ako dito sabay hawak ko sa kamay niyang nakapatong sa hita ko napa smirk lamang siya habang nakikipag kwentuhan kina nanay, tatay at Eboy

Busy silang lahat sa kuwentohan kaya pasimple kong binulungan si Ana ng

" Paunahin mo ng uwi si Pinky mamaya, umakto kalang aalis tapos itigil mo dun sa may ilalim ng mangga at hintayin mo'ko d'un "

Napatitig ito sa akin sabay pasimple niyang kinalmot yung hita ko, mejo masakit yun kaya napakislot ako pero hindi ko naman pinahalata.

" You naughty little midget. "

Sinabi niya yun sa likod ng ngisi sabay baling ulit sa mga kasam namin, kaya napatawa nalang ako nag napatuloy na kuamin at minsan minsan sumasali sa usapan. Matapos ang mahabang kulitan at kuwentohan ay nagpaalam na nga ang dalawa kaya naman pasimple lang akong naghihintay dito sa may gate, nakita kong sumakay na si Pinky sa kotse niya bago umandar  at umalis ay nag flying kiss pa ito sa akin na ginantihan ko lang ng simpleng ngiti. Sumunod naman dito si Ana, sumenyas pa ako rito sa may mangga kaya napailing itong ngumisi sabay pasok at pinaandar yung kotse patungo doon.

Pumasok muna ako sa bahay at kinuha yung kwentas ma binili ko, sumilip pa ako sa salamin kung ayos pa ba ang itsura ko. Tao pa naman ako tingnan kaya okay na yun. Nagpaalam muna ako bago lumabas at dumiretso na labas at pumunta na kung saan naka park si Ana, nakita ko naman agad ito kahit mejo madilim sa parteng iyon. Kumatok ako at nakita ko pang mag kausap siya sa phone niya bago niya ito ibaba at binuksan na ako ng pintuan.

The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon