Part 66

6K 181 0
                                    

Erinrose

***

Kung saan saan na ako umabot kakahanap ng mga klase ng bulaklak na gusto ni Ana ngunit sa kasamaang palad ay wala akong makita!

" Nak'ngPucha naman oh!"

Inis kong sinipa yung gulong ng kotse ko at agaran ring napa aray kasi ang sakit ng impact sa paa ko. I am getting frustrated every passing second at wala parin akong nahahanap na ligaw na bulaklak. Napaupo ako sa kilid ng kalsada at tila nawawalan na ako ng pag-asa. Napatingin ako sa overpass sa unahan at naisipan kong umakyat doon, alam kong wala akong makikitang wild flowers doon at hindi ako tanga. Walang gana akong umakyat sa hagdan at sobrang init pa ng panahon kaya lalo lang akong na f'frustrate. Iniwan ko na sa loob ng kotse ko yung coat ko dahil sobrang naiinitan na talaga ako. Nakarating na ako sa itaas at agad kong sinuyod ang tanawin sa harap ko. Handa na akong sumuko dahil wala talaga akong makitang ligaw na bulaklak, nang may napansin akong mga kahoy sa unahan at may mga mapupulang bagay ito sa itaas, siningkit ko ang aking mga mata upang maklaro ko ito. Nang makita ko ito ng malinaw ay halos tumalon na ako dito sa taas dahil sa tuwa ng makita kong bulaklak pala yung mga mapupula sa itaas ng puno.

" HAH! YES! NAKAHANAP RIN AKO!"

Naglulundag pa ako sa tuwa at wala akong paki-alam kung pinagtitinginan na ako ng mga taong naglalakad sa gilid ko. Nakangisi akong nagmamadaling bumaba at tumungo sa kotse ko para tunguhin kong nasaan yung kahoy. Pagkarating ko sa lugar ay agad akong bumaba sa kotse at tumungo sa puno. Isa pala itong puno ng fire tree at napakaraming bulaklak sa itaas nito

 Isa pala itong puno ng fire tree at napakaraming bulaklak sa itaas nito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Agad kong niyakap yung puno nang hindi ko napigilan ang tuwa ko. Ang problema ko nalang ay kung paano ako makakakuha ng bulaklak nito. Nakahawak sa bewang akong naghahanap ng paraan. I tried using a stick pero nagkanda gutay-gutay lang yung bulaklak sa tuwing natatamaan ko ito. I started to get frustrated again, nakita ko ang kotse ko at agad na pinaandar at itinapat ito kung saan maraming bulaklak sa itaas. Agad akong pumatong dito ngunit sa sobrang low nitong Corvette ko ay hindi ko maabot yung bulaklak!

" Aaaaarghh!"

Naiinis kong sigaw nang makababa ako. Wala na akong choice kundi mag tawag ng tulong. Tumawag ako ng mga taong makakatulong sa problema ko. Wala na akong ibang maisip na paraan kaya tumawag ako ng feller. Of course binayaran ko pati yung punong ipapaputol ko. Dumating naman yung nga pinadalang tao ng tinawagan ko at dawa sila. Agad nilang pinutol yung puno, isa lang naman ang pinaputol ko kaya alam kong mapapatawad pa ako ni inang kalikasan. Ilang minuto pa ay natumba na nga yung puno at agad akong kumuha ng mga bulaklak dito. Kinuha ko yung part na hindi na galosan at presentable pang tingnan. Agad akong nagpasalamat at nagpaalam sa mga taong tumulong sa akin,maiiwan muna sila at aayusin pa nila yung naputol na puno at para mapakinabangan pa ang katawan nito. Ang laki ng ngisi ko habang nagmamaneho ako pabalik sa flower shop para ipaayos yung mga nakuha kong bulaklak ng fire tree. Paglabas ko ay nakaayos na ito, it is wrapped in white and gold cellophane type wrapper. Inayos ko talaga ang pagkalagay ko nito sa shut gun seat at ayaw kong magulo ito. Pasado alas kuwatro na nang makarating ako sa company ni Ana. Wala nang patumpik-tumpik pa at agad na akong bumaba at kinuha yung bulaklak at agad naglakad sa elevator at sumakay, diri-diretso akong naglakad nang bumukas ito without even checking myself kung ayos pa ba akong tingnan. Pinagtitinginan na ako ng mga empleyado niya .

The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Where stories live. Discover now