Part 56

5.7K 180 1
                                    

Erinrose

***

Nagising ako dahil gusto kong sumuka kaya agad akong bumangon at nagtungo sa banyo. Sumuka ako doon hanggang sa mawalan ako ng lakas at napaupo ako sa sahig at sinapo ang ulo ko sa sobrang dakit nito. Paglabas ko ng banyo ay agad bumungad sa akin ang bakas ng pighati ko kagabi. Agad rumagasa ang sakit sa dibdib ko nang ma-alala ko yung nagyari.

Pumunta muna ako ng sala at kinuha ko yung telepono at nag tawag ng housekeeper para ipalinis itong loob ng condo ko.

" Hi good morning, housekeeper please. Magpadala ka ng tatlo dito sa room E3435 padala narin ako ng breakfast, salamat. "

Naghintay ako ng ilang minuto bago may kumatok sa door, agad ko itong binuksan at tatlong housekeeper ang naroon. Agad naman silang naglinis. Kaya ako ay dumiritso sa banyo para maligo at mabawasan itong sakit ng ulo ko. Nag tagal ako sa banyo dahil sobrang sarap sa pakiramdam ng malamig na tubig na dumadaloy sa katawan ko. Tumagal ako doon ng dalawang oras, matapos kong magsawa ay agad akong nag bihis at lumabas.

 Tumagal ako doon ng dalawang oras, matapos kong magsawa ay agad akong nag bihis at lumabas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Balak kong pumasok sa trabaho muna ngayon at uuwi ako ng probinsya mamaya. Paglabas ko ay nagliligpit na ng mga unan sa couch yung mga housekeeper at nagulat pa sila pag labas ko. Deretso lang akong pumasok sa kusina at kumain sa breakfast na nakahain doon. Pumuesto ako sa counter at doon kumain,napansin kong nakatingin sa akin yung isang batang housekeeper at alam kong nakatingin siya sa diddib ko kaya agad ko siyang kinindatan na siyang kinapula niya.

Matapos kong kumain ay kinuha ko na yung susi ng kotse ko at umalis, iniwan ko nalang sila sa loob habang naglilinis. Huminto muna ako sa mall dahil bibili ako ng bagong cellphone, pagdating ko sa loob ng Apple store ay agad akong nilapitan ng mga sales lady. Maraming mga nakakita sa akin ngunit hindi ko sila pinapansin at ngumingiti lang pag kinakausap ako. May mga magnanakaw rin nang pictures sa akin pero hindi ko pinansin ulit. Matapos kong makabili ng bagong phone ay nag drive na ako diritso sa restaurant ko.

Deretso akong pumasok sa opisina ko at sinubsob ang sarili sa trabaho. Hindi ko namalayan ang takbo ng oras at ngayon ay lunch time na. Biglang may kumatok sa pinto ko at sumilip yung isang cook

" Hi chef, uhm... May naghahanap po sa inyong nagngagalang Ana. "

" What did you tell her?"

" Sabi ko po titingnan ko kung nandito ka na, kasi hindi kita nakitang pumasok kanina eh. "

" Then tell her I'm not here. "

" P-pero chef.... Ok po chef. "

Aangal pa sana siya pero nang sinamaan ko siya ng tingin ay tumango nalang ito. Tumawag ako sa kitchen para dalhan ako ng lunch, at sinabi kong ihatid lang ito kapag nasiguro na nilang umalis na si Ana. Naghintay lang muna akong ng ilang minuto at tiniis lang muna ang gutom ko. Ayaw ko muna siyang makita sa ngayon at paulit-ulit na remerehestro sa utak ko yung mga larawang pinadala niya. Agad kong hinilot ang sentido ko at bumunga ng isang malalalim na hininga. Ala una na ng kumatok yung cook kanina at dala niya na ang lunch ko.

The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon