Part 36

5.9K 212 7
                                    

Erinrose

🥀

Dahan dahan kong pinulot yung bisikleta at yung flushie. Iniwan ko nalang yung bulaklak, para saan pa't wala na rin naman yung pagbibigyan ko nu'n. Ang tahimik na nang lugar at kahit mag-isa lang akong bumabaybay dito sa daan na puno ng mga matataas na talahib ay wala akong nararamdamang kahot kaunting takot. Diritso lang akong naglalakad at hindi na ako nagabalang sumakay sa bisikleta. Balak kong iiyak lahat ng sakit, para pag dating ko sa bahay ay tatahan na ako. Pero 'yun ang akala ko.

Mas lalo lang akong naiyak sa sakit nang makita ko ang mga gamit na bigay niya. 'Yung lugar kung saan siya nauupo tuwing dadalaw siya dito sa bahay. Humigpit ang hawak ko sa flushie at ginamit ko itong pan tabon sa bibig ko para hindi lumabas ang malakas ko'ng  hikbi. Malalim na ang gabi ngunit heto parin ako at humagulhul sa iyak. Kaya lumabas nalang muna ako nag bahay at baka madatnan ako nila nanay na ganun ang itsura. Hindi ko na halos makita ang daan dahil sa mga luha ko, pakiramdam ko'y mugtong mugto na ang aking mga mata. Humiga ako sa may upuan namin dito sa bakuran at hinawakan ko ang dibdib ko sabay tingin sa kalawakan. Wala ang buwan ngayon at natatabunan ito ng makulimlim na ulap. Animo'y naglaho rin itong parang bula katulad ni Ana. Napapikit ako nang maramdaman ko na naman ang sakit, hindi ko alam kung makikita ko pa ba siya ulit. Ayokong humiling at baka mas lalo lang akong masasaktan.

Mag-a ala-una na nang magpasya akong pumasok sa loob ng bahay. Uminom muna ako ng tubig nang kahit papaano ay ma himasmasan ako ng kaunti. Dahan dahan akong pumanik sa itaas patungo sa aking silid, namanhid lahat ang parte ng aking katawan pagdating ko sa kwarto. Isinara ko ang pinto at unti-unting dumadaosdos paupo sa sahig, habang mahinang humihikbi at patuloy na umaagos ang aking mga luha. Gumapang nalang ako pa punta sa aking kama dahil hindi ko na kayang maglakad pa at baka bigla nalang akong babagsak. Dahan dahan  akong nahiga sa kama at umiyak na naman ng maalala ko na naman itong unan ko. Ang sakit na nang ulo at gusto ko nang tumahan ngunit hindi ko mapigilan ang mga luha ko,hindi narin ako makahinga ng maayos dahil ayaw kong lumakas ang hikbi ko. Lumipas pa ang ilang oras bago ako makatulog.....

Nagising ako na sobrang mugto ng mga mata. Ang sakit pang imulat ito ng pilit kaya dahan dahan ko itong minulat hanggang sa masanay ang mga mata ko. Pakiramdam ko'y sobrang pagod ng katawan ko ramdam ko ang pagod at sakit na kahit kaluluwa ko ay gusto nang tumakas sa akin. Gumilid ako pahiga at nakita ko yung flushie na nakapatong sa itaas ng tokador. Agad na namang lumandas ang mga luha ko. Manhid na mahid na ako kaya tahimik lang akong umiiyak habang yakap yakap yung unan ko, tila ba'y nawalan na ako ng pakialam sa paligid ko na kahit pumasok na si nanay sa kwarto ko ay hindi parin ako tumigil kakaiyak ng tahimik.

" Inday, bakit hindi ka pa bumabangon dyan?tanghali na anak bak-"

Agad itong napatigil at agad dumalo sa akin nang makita niya akong umiiyak sa kama.

" Ay anong nangyayari saiyo inday?! Bakit kaba umiiyak?"

Saad nito sabay hawak sa noo ko at hinimas ang mga braso at likod ko. Saglit pa akong natulala habang may luha pa sa mukha, at nang mapagtanto kong si nanay pala ang lumapit sa akin ay agad akong mapahagulhul ng iyak

" Naaaaay a-ng sakit sakit p-po "

Hagulhul ko dito napalakas na ang aking iyak na kagabi ko pa gustong gawin kaya nama'y ibinuhos ko na lahat ngayon sa harap mismo ng nanay ko

" Ay jusko! Ano bang nangyayari sa iyong bata ka ha?!"

Agad ako nitong pina upo upang makausap ng maayos ngunit patuloy lang ako sa paghagulhul

The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon