Part 8

10.2K 389 103
                                    

Imaginary visual of Helleana ☝🏻💕


Erinrose POV



Tapos na akong mag palit at ngayon ay pababa na ng hagdan, naka soot ako ngayon ng dress na pinahiram ni Pinky sakin, hindi ako sanay mag suot ng gantong mga damit tamang palda lang yung kaya ko par.

Pero sabi niya bagay naman daw sakin at dapat mag sanay na akong mag wear ng gantong mga damit, eh sobrang hapit naman kasi sa katawan ko eh saka mejo ma ikli siya mga par kaya naman todo hila ako nito pababa para hindi tayo makitaan nuh, kahit kami at mga katulong lang ang nandito nahihiya pa rin ako.

" See? I told you bagay na bagay sayo." sabi ni Pinky sakin at sabay kaming nag tungo sa may labasan at doon napansin kong may fountain pala dito.

" Sobrang ikli naman kasi Pinky eh hindi ako komportable." sabi ko na parang kitikit kaka hila ko pababa ng dress nag mukha akong pota pri nako naman.

" Oh shush! You look hot in that dress kaya , just relax and be confident lang and besides, I'm here okay?" sabi niya sabay pisil sa kamay kong hawak niya.

Ayan na naman siya nagiging weird na naman, naalala ko tuloy yung kanina na kung hindi pa naistorbo ay hindi ko na alam ang mangyayari.

Nakarating kami dito sa labas and damn sinasabi ko sa inyo sobrang ganda ng ambiance dito, may mga ilaw na nagliliwanag sa paligid ng fountain at mga puno napaka aliwalas ng paligid na naimoy hindi totoo ang mga nagyayari.

Iisipin mo talagang nasa pilikula ka, sa harap ko ay may maliit na lamesa na sakto lang sa pang apat na tao, may mga candle at mga table napkin na naka fold in an elegant way, meron ding wine na sure akong mamahalin na naka display sa isang bucket na may ice.

" Come let's take a seat, dito ka sa tabi ko." sabay hila sa akin pa upo, para tuloy akong ligaw na tupa sa mundo nga mga maharlika.

" They'll come here soon, nagbibihis pa siguro, are you hungry na ba?" sabay tanong sakin at nabigla na naman ako ng pasimple niyang isinabit ang nakawala Kong baby hair sa tenga ko.

" Uhm.. kaya pa ko naman mag hintay hehe, nag aalala lang ako baka kasi hinahanap na ako nila nanay." sabi ko nalang at binalewala ang mga titig niyang parang mang lalamon 😭

" Oh don't ya worry about that, nakita naman tayo ni Eboy kanina so I'm sure alam na nila your with me." sabi niya sabay patong ng kamay niya sa balikat ko at ngumiti.

Kibit balikat naman ako bago ngumiti sa kanya ng tipid, naninibago kasi ako sa mga kilos niya eh hindi ako sanay sa bagong clingyness niya.

Ilang minuto pa ay dumating na si Gov. nakangiti ito habang papalit sa lamesa.

" Sorry to keep you waiting tumawag kasi Bong may emergency sa Manila, but it's all settled na. " Sabi nito sabay upo.

" Si ate po Tito where is she?"

" She'll be here soon baka nag halfbath lang."

Ilang minuto pay esenerve na ang pagkain at masasabi kong masasarap ang lahat ng ito, bigla tuloy akong nagutom bakit kasi ang tagal ng gurang na yun.

" By the way tito this is Erin nga po pala."

" Good evening po Governor Harrison." bati ko dito sabay tayo at lahad ng kamay sabay yoko ng tanggapin niya ang kamay ko.

" Just call me Tito hija masyadong pormal ang Gov. mas lalo akong tumatanda hahaha." tumawa ito ng malakas mejo nahiya naman ako eh kasi naman hello si Gov. Kaya yan nakakahiya naman na isang slapsoil ang tumawag sa kanyang Tito diba.

The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin