Part 7

9.5K 348 86
                                    

Imaginary visual of Don Filipe ☝🏻



Erinrose POV


Lumapit ako kay Pinky nasa harap kasi siya ng family Portrait nila at doon nakit ko ang parents niya, mana pala siya sa mama niya maganda rin.

" These are my parents..." saad niya habang nakatingala.

"My pàpà is a half Filipino Spanish and my mama is pure Spanish" saad niya, grabe kaya pala ang ganda niya, ang power ng dugo eh.

"And that right there, is my tito Filipe and his wife Esmeralda and their only daughter, ate Helleana." turo niya sa second portrait nina Gov. kasama ang asawa't anak Niya at napatitig naman ako dun sa babaeng anak ni Gov. hindi ko alam pero parang tumibok yata yung puso ko nung tumitig ako sa babae ng matagal.

Marahil ay nadala lang ako sa awra nito, sa painting kasi sobrang amo ng kanyang mukha pero ramdam mo yung awra grabe alam kong sinabi kong maganda si Pinky pero mukhang mas maganda yata tong pinsan niya hahaha

"Ate Ana has never been here, kaya pinilit siya ni mimita na mag vacation dito." sabi ni Pinky sabay inom sa baso niya habang nagku kwento.

"Ang workaholic kasi niyan masyado haha kaya kahit love life napabayaan." sabi niya sabay chuckle at tumingin sakin.

"Luh parang ang impossible naman ng sinabi mo Pinky eh, sa gandang yan Wala paring naging jowa?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"No sily haha I mean nagka boyfriend naman siya pero mas priority niya ang business. "  sabi niya sabay hila sakin pa upo sa couch na sobrang lambot, gusto ko tuloy pumikit at matulog.

" Ilang taon na ba siya?" I asked ng makaupo naka harap siya sakin habang ako nakaharap sa portrait habang nakatingin sa magandang babae.

" Would you believe me if I tell you how old she is now?"  saad niya habang parang nag-aakit na pinaglalaruan yung bunganga ng baso niya, teka nga lasing naba siya?

" Hmm.. 26 maybe?" hula ko habang nakatitig parin dun sa picture, ano ba yan para naman siyang magnet eh hinahatak niya ako.

"Hahaha No, she's already 36!" halakhak ni Pinky sabay lapit sakin ng konti, pansin ko parang dumidikit na siya sakin eh tangeyna lasing na yata to pri.

" HA?! In short gurang na pala siya?!" hindi makapaniwalang saad ko kay Pinky, bakit naman kasi eh nakaka gulat para kasing hindi ganun yung edad niya sa painting eh, sabagay baka bata pa siya dito nung ginawa tong family portrait nila.

"Hahaha why? is it a big deal to you? Kaya nga ate ang tawag ko sa kanya diba?" sabi niya, bigla akong kinilabutan ng mapang akit niyang pinalandas ang hintuturo niya pataas baba sa braso ko.

"You're so cute today Erinrose, you know that?" sabi niya at dahan dahang inilapit yung mukha niya sa akin. Jusko Po! anong pagsubok ito? sinong malandi ang sumapi sa best friend ko!

"H-hey P-Pinky a-aano b ba?!L-lasing ka n-na y-yata eh!" kinakabahan na ako ng malala dito habang siya naman nang aakit lang akong tinititigan. waenya ka naman Pinky oo, hindi niya ba alam na straight ako?!

"Oh come on Erin hahaha just o,-..." Peep peep!!malakas na bosena ng sasakyan ang nagpatigil sa kanya at dalidali naman akong tumaya at lumayo sa kanya.

Habang pa simple kong pinupunasan yung noo ko, shet naman pinagpapawisan ako ng malagkit sa ginawa niya eh! 

" That must be them... " sabi niya sabay hatak sa akin palabas ng room at lumabas kami upang salubungin sila sa may entrance ng bahay.

" Welcome back Tito!" masayang bati ni Pinky kay Gov. na siyang ganti naman nito sa pamangkin.

" Hey! How are you hija? Hahaha tumangkad ka lalo." sabay gulo ng buhok nito.

" Iiiih, tito don't ruin my hair!"

" Hahaha same old Pinky Diana. " sabay tawa nito sa malaking boses, nakatayo lang ako dito sa gilid habang nag babatian ang mag tiyohin.

Nang biglang may lumabas na heels galing sa loob ng sasakyan at sumunod dun ay ang pinakamagandang diwata na nakita ko sa buong buhay ko. Mas maganda pa ata siya sa diwata ng buwan, grabeh pri ang swerte naman ng magiging jowa nito.

" Hey ate Ana, I'm so glad you made it here na talaga, akala ko hindi mo pagbibigyan si mimita " sabay lapit ni Pinky at ginawaran ng halik sa pisngi ang babae

bigla naman akong natigilan ng... ay hala shet! siya ba yung babae sa painting?! Ay gagi parr akala ko gorang eh bakit ang gandang dyosa naman ng nasa harap ko ngayon.

Hindi ko alam pero parang tumigil yata lahat ng nasa paligid ko at ang tanging nakikita ko nalang ay siya, kung papano niya hawiin ang buhok niya, yung magaganda niyang mata na kung tititigan mo'y animoy malulunod ka sa kawalan.

Ang kanyang matangos na ilong at ang kanyang mapupulang labi na parang isang matamis na candy na tila nang aakit kang tikman at papakin, mas lalo akong nalunod sa kawalan ng ma amoy ko ang kanyang pabango, amoy expensive parrr sarap singhotin habang buhay .😩

" Take all my baggage inside my room and make sure to prepare my night wear in the bed..."

Wala akong naintindihan sa mga sinasabi niya, para akong nasa ilalim ng hepnotismo habang nakatitig sa kanya, ang tanging alam ko lang ay kung paano niya bigkasin ang mga salita at sa bawat pag bukas ng kanyang labi ay mas lalong nagpatigil sakin.

Tulala parin ako hanggang sa napansin kong naka lampas na siya sa akin at nabalik lang ako sa realidad ng ni yugyug ni Pinky ang mga balikat ko.

" Hey! Are you alright? You look like you've seen a ghost, hey" sabay tinapik nya ang akong pisngi.

Napatitig ako sa kanya at napa kurap ng makailang beses bago ako sumagot na parang galing ako sa isang napakalayong takbo, feeling ko hapong hapo ako vebs anong nagyayari.

" I think I need a drink, shot puno Pinky!" tumawa naman ito saka hinawakan ako sa kamay at hinila papasok, kami nalang palang dalawa ang naiwan dito, shet bigla akong nawala kanina ah.

" If you really want to drink, we can do that later honey, for now mag bihis ka muna napagkamalan ka tuloy na katulong ni ate Ana..." sabi niya na may kasamang tawa.

Wait, Anong sabi niya? napagkamalan akong katulong? Aba'y sa ganda kong to?katulong?? Shuta pri kung hindi lang ako na shooookt kanina dahil sobrang ganda ng sasakyan ni mayor eh mukhang bago pa.

Oo, natulala ako dahil sa sasakyan hindi sa gorang na yun nuh, sus maganda nga ang gaspang naman ugali!hmp! palibahasa kasi lola na kaya masungit.

Nagpatuloy lang ako sa pag sunod kay Pinky papasok sa isang kwarto at magpapalit lang daw ako ng damit tapos ay pupunta kami sa labas para mag diner na, makikita ko na naman yung masungit na lola na pinsan niya haysss.












A/N

Hello guys kamusta kayo? Anong say niyo sa chapter na ito hahaha lutang ba ? Sana naman na enjoy ka 😩 kita tayo sa comsec mga tropapips ! Ingat ka palagi mahal ko ikaw💋💕

The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Where stories live. Discover now