Chapter 1 - Year 2010

139 2 0
                                    

2010

First day of School. First day ko din bilang isang college student. I sighed. Namimiss ko na agad mga kaibigan at kaklase ko nung High School. Lalo na mga best friend ko. Sa iba't ibang school kasi ko kami pumasok.

Sila nakapasok sa iba't ibang unibersidad. Ako? Hehehe ito sa isang institute lang. Di kasi kaya ng Mama ko paaralin ako sa University eh. Sakto lang kasi pamumuhay naming, hindi mahirap hindi rin mayaman. Saka mag isa lang ang Mama ko bumubuhay samin.

Sa isang public sana ako makakapasok dahil doon papasok ang isa sa mga best friend ko mula elementary, pero dahil akala ko di ako makakapasa sa entrance exam. Nag enrol na agad ako sa isang institute sa malapit sa bahay naming. Di ba tipid ako? Isang sakay lang ng jeep at ilang minute lang byahe.

Laking paghihinayang ko kasi sabi ng kaibigan ko nakapasa daw ako sa entrance exam. Sayang, kung hindi agad ako nag enrol ta nakapagbayad sa school na papasukan ko ngayon eh di sana kasama ko kaibigan ko. Kaso nga nga haistttt.

Napabunton hininga ako sa isipin na yun. Kasi naman, wala ako kaibigan, wala ako kakilala sa papasukan ko. Kakainis haisstt. Bahala na nga.

Inayos ko ang mga gamit ko. At tiningnan muli ang itsura sa salamin. Buti na lang bagay sakin uniform ko hehehe. Napangiti ako.

"Liliana! Bumaba ka na malelate ka na niyan!" sigaw ng Mama ko mula sa baba.

"Opo Ma, pababa na." Dali dali ako bumaba. Pagbaba ko nakita ko si Mama, naghahanda na din paalis.

"San punta mo Ma?" Tanong ko pagka upo ko sa hapag kainan.

"Raraket, tinawagan ako ng kaibigan ko. Magpapaayus sakin at may pupuntahan na kasalan." Habang inaayus ang mga gamit niyang pang make up.

"Ah, sige po." Sabi ko habang kumakain.

"Mauuna na ko sayo huh, anong oras tapos ng klase mo nga? Di ba parang orientation niyo lang ngayon? Umuwi ka ng maaga huh."

"Opo ma, para naming gagabihin agad ako eh, wala naman ako mga kaibigan dun."

"Sus, eh kung andun pala mga kaibigan mo. Eh di gagabihin ka?"

Tumayo ako para maghugas ng kamay at tapos na din kasi ako kumain.

Tumawa ako, "hehehe pede rin Ma, syempre magpapaalam ako sayo. Gagabihin pero uuwi." Proud ko pang sabi sa Mama ko.

"Naku na bata ka, bahala ka. Basta pag igihan mo lang yang pag aaral mo. Pasensya ka na at dyan lang kita kayang pag aralin. Alam mo naman na hindi ko kayang ipasok ka sa mga University nay an. Ke mahal mahal. Sayang nga lang pede ka na sa Public College, kundi lang tayo agad nakapag bayad ng tuition mo dyan." Mahabang litanya ng Mama ko.

Inakbayan ko sya, "Mama, okay lang yun. Baka hindi para sakin yun hehehe, atleast 2 years lang ako magaaral tapos pede na ko maghanap ng work. Matutulungan na kita diba?"

"Naku san mo ko tutulungan? Ikaw na lang natitirang anak ko na pinag aaral ko. Kainaman ka, wag ka muna mag dyo dyowa huh. Naku baka mabroken ka lang gaya ng ate mo."

"Ano ma?!" Sabay labas ng ate ko sa kwarto niya bitbi-bitbit ang pamangkin ko.

"Naku wala sabi ko ang ganda mo." Sabi ni mama, sabay sukbit ng kanyang gamit at humalik sa pisngi ng pamangkin ko.

"Ako'y aalis na huh, bahala ka na dito sa bahay at tindahan. Liliana ika'y mag gayak na at baka mahuli ka pang bata ka, bilin ko sayo huh. Ingat ka." Bilin niya samin.

"Opo Ma, ingat din po. Love you!" sagot ko naman.

"Mukha mo!" rinig ko pang sabi ni Mama bago tuluyang umalis.

Tumawa na lang ako. Inaayus ko ang aking mga gamit ng magsalita si Ate. Umupo sya sa may hapagkainan habang kalong ang pamangkin ko.

"Orientation nio palang diba? Ba't parang ang dami mo ng dalang gamit?" Nagtatakang tanong ng ate ko.

"Hehehe alam mo naman ako teh, para ready, ayaw ko mag halo halo notes ko sa iba't ibang units. Baka mailto ako at makaligtaan ko." Nilingon ko silang mag ina at kinarga muna pamangkin ko.

"Baka malukot uniform mo." Paalala ng ate ko.

"Hindi yan, ano nga bebe ko. Pakabait ka huh bebe Sam huh, wag masyado makulit." Ngumiti siya na akala mo'y naman naiintindihan niya sinasabi ko. Hinalikan ko na sya at binalik sa ate ko.

"Teh Mae, alis na ko." Paalam ko sakanya.

"Ingat ka, wag ka masyado gabihin huh. Text ka na lang." paalala niya sakin.

"Okay, bye."

At lumabas na ko ng bahay. Haissst Goodluck Lily! Aja! Keri mo yan hehehe. Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad. Nangangamba kasi talaga ako baka mangapa talaga ako. Although palakaibigan naman talaga ako eh baka mamaya hindi ko makasundo mga kaklase ko. Hmmmp mukhang sa iba't ibang school din galing yun.

Hay naku Liliana Jane, kaya yan. Ikaw pa ba? Paalala ko sa sarili ko pagkasakay ng Jeep.

Habang nakasakay ako sa Jeep, ang lakas pa rin ng kaba sa dibdib ko. Haissst gaintong ganito din ako nung start din ng High School ko eh, tsktsk. Naisipan koi text ang best friend ko para mawala ang kaba at isipin ko sa first day na yan.

To: Mark

Bes, Happy 1st day of School. Miss na kaagad kita. Uwi ka na di na ko galit!

Segundo lang at nagreply agad sya.

From: Mark

Siraulo ka! Ikaw kasi eh excited ka magbayad hahaha yan tuloy. Napahiwalay ka sakin. Eh di sana magkasama tayo ngayon. Happy 1st day of school din. First day bilang college student. Taray, college na tayo hahaha uhugin ka pa din!

Napatawa ako sa sinabi niya. Haba ng message huh.

To: Mark

Siraulo ka dn! Hindi ako kailaman nagging uhugin noh! Sapakin kta jan eh! Anyway, pag maagap natapos orientation, kita tayo huh.

From: Mark

Sure! Masyado naman ako miss eh. Hahaha sige na papasok na ko. Ingat ka. Good luck! Labyah!

To: Mark

Hahaha oo miss na miss na kitang sabunutan. De joke langs. Okay ingat din. See yah later alligator. Labyah too. Good luck mwuah.

Pinasok ko na phone ko sa bag ko, pagkasilip ko sa bintana ng Jeep. Malapit na pala ako.

"Sa tabi na lang po Manong." Sigaw ko sa driver.

Pagkababa ko. Pinagmasdan ko ang buong building. Napabuntong hininga ako.

"Haissst, this is it Pansit! Aja!" bulong ko sa sarili ko. Bago pumasok sa gate ng Magiging School ko for 2 years.

I Got The BoyWhere stories live. Discover now