Chapter 5 - Spin the Bottle

41 2 0
                                    

Nang makabalik kami mula sa pagbili ng ihaw-ihaw. Nagaasaran na naman sila o may tinutukso na naman sila.

"Oh, nahuli na kayo sa bagong tsismis! Hahahaha" sabi ni Carl pagdating namin. Ibinigay k okay Jaime yung binili namin at inilagay naman niya yon sa may lamesa.

"Ano yon?" tanong ko pagkaupo ko sa tabi ni Lance. At umupo na rin muli si Jaime sa tabi ko.

"Si Mack nililigawan na si Dani." Sagot naman ni Jaime sabay inom.

"Wow!" sabay naming imik ni Lance.

"Umalis lang kami may nagkaligawan na ah!" imik naman ni Lance.

"Kayo eh paalis alis, hahaha kayo ba?" biglang sabi naman ni Anthony.

"Huh?" sabay na naman naming imik ni Lance at nagkatinginan.

"Asus! Kunwari pa!" biro naman ni Anna.

"Siguro kaya biglang napaisip na bumili ng ihaw para masolo. Hahahaha" sabi naman ni Kuya Gary.

"Agree! Hahaha Ihaw kineme!" dagdag pa ni Ricky.

"Issue kayo!" biglang sabi ko at uminum din. Lintis na mga ito napapainom ako ng wala sa oras eh.

"Hahaha walang ganun brad. Tropa tropa lang." biglang sabi naman ni Lance sabay inum din at tumingin sakin para ngitian ako.

Tumingin naman ako kay Trisha na tahimik lang kaya kinulbit ko sya. Nasa tabi pa din sya ni Lance. Tumingin sya sakin at ngumiti sabay inilapit ang ulo sa may likod ni Lance at ganun din ang ginawa ko,

"Lasing na mga yan hihihi" pabulong na sabi ni Trisha.

"Hihihi mukha nga, kung ano ano sinasabi eh." Pabulong ko din na tugon sakanya. Nagtawanan kami ng mahina. Pero bigla kami tinapik ni Lance. Kaya pareho namin syang tiningnan ng masama. Umayos na lang ulit kami ng upo.

"Tayo ay mag spin the bottle na lang ng medy may thrill hehehe." biglang suhestyon ni Louie.

"Agree ako dyan." Sang ayon naman ni Chad.

"Naku po, teenager na teenager ang dating eh." Komento ni Ate Kaye.

"Hahahah hayae na natin Mahal ang mga bata." Sabi naman ni kuya Allan.

"Ay sya kami eh taga tanong na lang huh. Hahahha pang sainyo lang yan eh." Suhestyon ni Ate kaye. Na sumang ayon naman ang lahat.

"Okay! Ako una magiikot ng bote, sinu matapatan e syang sasagot o gagawa ng Truth or Dare." Instruction ni Carl.

"Pag hindi parehas nagawa o nagpass, 2 tagay ng alak agad ang iinumin." Suhestyon naman ni Anthony.

"Hala, lasingan ba toh?" biglang tanong ni Trisha. "Di ready tyan ko ah hahaha"

"Wag ako Trisha, lambanog nga ay naiinum mo ito pa kaya! Hahaha" sabi naman ni Louie.

"Awan sayo Louie, ihahatid mo kop ag nalasing ako. Para ikaw mapagalitan nina Mama hahaha"-Trisha

"Hahaha uo ba. Malakas ako kina tita hindi ako pagagalitan non."-Louie

"Tayo ay magsimula na dali!"- Jaime.

"Excited ka pre? Hahahaha" panguuyo ni Chad.

"Excited yan si Insan hahaha" dagdag na biro pa ni Mack.

I Got The BoyWhere stories live. Discover now