Chapter 4 - Biruan

62 0 0
                                    

Biruan

First time ko makakapunta dito kina Jaime. Hmmmm hindi kasi ako sumasama pag nagkakayayaan after school eh. Nagkikita din kasi kami ng mga kaibigan ko nung high school. Mahirap din yung marami kaibigan hehehe minsan di mo alam kung saan ka sasama. Pero good thing nahahandle ko hehehe, even my friend froms high school may kaniya kaniya na din silang mga kaibigan from their university.

Kausap ni Lance sa phone si Jaime para itanong kung saan ang papunta sakanila. Naglalakad kami ngayon malapit sa Mall. Dito daw kasi banda yung bahay nila eh.

"San ba pre?" tanong ni Lance sa kausap. Nakikinig lang kami ni Trisha habang naglalakad. Bigla ako kinulbit ni Trisha at bumulong.

"Bhe, bakit parang pagwapo ng pagwapo si Lance noh?" nginitian ko sya. Ramdam ko naman kasi talaga na may crush sya kay Lance nung first day palang.

Tiningnan ko si Lance, "Hmmmmm medyo nga." Sabay ngiti.

"Crush mo ba sya?" tanong ni Trisha sa akin na ikinabigla ko.

"Baliw! Paano mo nasabi?" napapraning na ata kaibigan ko hahaha. Sya itong ramdam ko na may gusto sa kaibigan naming eh.

"Wala lang, mukha din pati may gusto sya sayo. Lagi sya nakatabi sayo saka ikaw din lagi kausap nia. Heheheh ako lagi lang niyang inaasar." Sabi niya na may halong parang nagtatampo.

Tinapik ko ang balik niya saka ikinawit ang braso ko sa braso niya. "Bhe, wala ako gusto sakanya okay? Siguro kasi nagkakasundo lang kami sa ibang bagay pero pang kaibigan lang yung kung ano yung nararamdaman ko sakanya. Napakaaga pa sabihin na may something. Saka for sure friend lang din tingin niyan sakin kaya wag kang praning."

"Hehehe malay mo noh, bagay naman kayo." Napangiti ako sakanya.

"Haissst, bhe alam ko na may gusto ka sakanya. Nararamdaman ko yun." Napatitig sya sakin, nabigla sa sinabi ko.

"Wala noh! Adik mo!" pagtanggi niya sakin.

"Hahaha wag ako bhe! Ramdam kita." Sabay akbay sakanya.

"Ano pinaguusapan niyo? Bilis niyo maglakad." Biglang singit ni Lance samin, pumwesto sya sa gitna naming. Ganyan lagi hehehe laging pupwesto sa gitna naming ni Trisha para kasali sya sa usapan naming.

"Lakad kayo ng lakad eh hindi niyo naman alam kung saan bahay nina Jaime. Maligaw pa kayo" reklamo niya samin.

Humawak ako sa braso niya, even si Trisha. Ganito na kaming tatlo simula ng maging close kami hehehe, Sa aming grupo kami talagang tatlo ang unang nagkasundo. Palagi magkakatabi sa bawat subject.

"Alam naman naming na maabutan mo kami hehehe sa haba ng mga binti mo." Biro ko sakanya. Sobrang tangkad kasi ng lalaking toh kaya minsan nakatingala na kami ni Trisha pag kausap naming sya.

"Syanga, hmmmm malapit na ba tayo?" pag sang ayon ni Trisha sakin.

"Hmmm oo, sa may kanto pa, papasok daw yung kina J.E ai," Sagot ni Lance.

Naglakad lakad kami hanggang sa matanawan naming si Jaime na nakatayo sa may kanto malapit sa isang tindahan. Nang mapansin niya kami na malapit na kumaway sya samin.

Napangiti ako, si Jaime hindi sya kagwapuhan pero malakas ang dating niya. Malakas din ang topak. Malakas mang asar. Pero isa sa mga mababait at gentleman yan sa grupo namin.

Nang makalapit kami nagbatian sila ni Lance.

"Akala ko malayo pa, buti na lang nakita ko yang gwapo mong mukha." Biro ni Lance.

I Got The BoyWhere stories live. Discover now