Chapter 12

36 1 0
                                    

Abalang abala ang lahat para sa nalalapit na Sports Fest pero syempre aral pa din kami hehehe.

Hindi na ko masyado naiilang kay Jaime ngayon. Ewan siguro sanay na din ako sa steps namin. Medyo msaydo kasing alam mo na yung steps namin medyo sweet na ewan hahaha. Sa una naiilang ako pero syempre need namin gawin para hindi rin kami madisgrasya. Safe naman ako dun at hindi naman yun mapagsamantala. Sabi nga ni Lance, panatag syang si Jaime ang partner ko.

Oh diba apakacaring ng kaibigan ko. Hehehe hindi nga lang sya masyado nagsasama sa practice namin. Busy nga siguro sya sa nililigawan niya.

Hindi pa rin niya samin nababanggit yon, pag tinatanong ko naman si Jaime, napaka sira ng mga sinasagot sakin.

Awan don, pasalamat sya gusto ko sya kung hindi nasapak ko na sya ng isa Hmmmp.

Naghihintay kami ngayon dito sa park, 5 days to go na lang at Sports Fest na namin. Kaya todo practice kami ngayon.

Tumabi sakin si Trisha,

"Bhe, kilala ko na kung sino nililigawan ni Lance." Pabulong niyang sabi sakin.

"Sino?" pabulong na tanong ko naman.

Oh diba galing sumagap ng chismis nito hahaha basta pagdating sa crush niya.

"Yung ka boardmate niya. Hmm narinig ko lang nabanggit ni Kuya Allan."

"Mga isang araw babanatan ko na talaga yung lalaking yun. Sina Kuya Allan alam samantalang tayo hindi natin alam hmmp."

"Sinabi mo pa. As if naman masasaktan ako eh, may nanliligaw na sakin. Hmmp"

Oo nga pala may nanliligaw na sa bruha at syempre mukhang may balak naman na sagutin hehehe.

"Hmmmm manunuod ata un ngaun, cocornerin ko yun."sabi ko.

"Ai gusto ko yan, pag ikaw ang nagcorner dun walang takas yun eh hahaha. Anyway balitaan mo na lang ako. May isa pa pala akong chika."

"Ano yun?"

"Mukhang basted si Jaime dun sa nililigawan niya hahaha, may pag asa ka na gurl.!"

"Gagi! Ano ko rebound girl?"

"Hahaha pede rin. Hmmm pero wag ka pumayag. Aba saying beauty mo. Magagalit pati si Lance.Hmmm"

"As if naman na papaya ako noh,"

"Weh?? Hahaha Wag ako, marupok ka hahaha"

"Sira ka!"

Bigla naman may umakbay sakin, pabango palang alam ko na kung sino.

"Ano pinaguusapan niyo huh?" tanong ni Jaime samin.

"Ikaw!" sagot naman ni Trisha.

"Oh? Talaga?"

"Oo, pinaguusapan namin kung paano namin papaikliin yang baba mo hahaha"

Tumawa naman ako ng malakas. Hahahaha

"Hahahah tawa Ly. Tawa. Halikan kita jan eh!"

Bigla naman may nagtanggal ng akbay ni Jaime sakin at hinigit ako. Paglingon ko ay si Lance.

"Ito halikan mo brad. Tsansing ka eh." Biro naman ni Lance kay Jaime habang nakatutok ang kamao sa mukha ni Jaime.

"Selos ka naman agad Brad eh. Hahahah baka magalit si Trisha." Pabirong sabi ni Jaime habang kakamot kamot sa ulo.

I Got The BoyWhere stories live. Discover now