Chapter 7 - Tambayan

32 0 0
                                    

Tambayan.

"Ibon sa paligid umaawit-awit
Natutulala sa nakakaakit-akit mong tinatangi
Napapangiti mo ang aking puso
Giliw 'di mapigil ang bugso ng damdamin ko
Mukhang mapapa-amin mo amin mo
Giliw nagpapahiwatig na sa'yo
Ang damdamin kong napagtanto na gusto kita" 


Sinasabayan ko yung kantang Mahika habang nakaupo dito sa tambayan namin malapit sa cafeteria. Mag isa lang ako dito sa sulok, wala lang feel ko lang mag isa hehehe.

May kanya kanya silang ginagawa, yung iba nagrereview sa quiz sa class namin after ng break namin na toh. Yung iba ayun tulog kagaya ni Ate Kaye at Kuya Allan, sina Jaime nagbabasketball malapit lang sa school namin, kasama sina Louie, Carl, Chad, Anthony, Lance at Si Darz yung taga ibang course. Sina Dani ayun nagrereview kasama sina Mack, Anna, Kuya Gary at Ricky. Si Trisha? Hmmmm 1 week na syang hindi pumapasok after ng confrontation na nangyare.

Haisttt. Di ko sinunod sina Jaime, ako pa rin ang una nagreached out sakanya pero walang nangyari. Natatawa at nasasaktan pa rin ako at the same time pag naaalala ko yung message namin sa isa't isa.

To: Bhe Trisha

Please kausapin mo na ako. Sorry kng may nagwa man akong mali sayo. L

From: Bhe Trisha

Pde ba Ly! Wg mo nmn palbasin na msma aq!

To: Bhe Trisha

Huh? Ano sinsbi mo?

From: Bhe Trisha

Tang ina! Maang maangan ka pa eh! Mgsama kau ni Lance! Bwct!

To: Bhe Trisha

Wla akong alm sa cnsbi, ano ba kc prblema? Alam ko at feel ko kaht ndi mo sabihin sakin na gusto mo c Lance. Umiwas ako at alm kong alm mo un, lgi ko kau tinutulak sa isat isa pra mas mgklpit kau!

From: Bhe Trisha

Tangina! Un n nga eh, mas lalo lumayo loob nia skn dahl s gngwa mong yun!

To: Bhe Trisha

Ano b yan! Hindi nmn ntin kailangan pag awayan yan eh! Npkasimpleng lng nyan Trisha. Hahayaan mo bang mcra ng bsta bsta samhan ntin dhil lang jan? dhil lang sa lalaki?

From: Bhe Trisha

Haha wow! Prang ang tgal n ng pinagsmhan natin ah? Sori pero pra sakin wla ako pakialm dun.

That's it. I didn't reply on that message. Ang sakit isipin na wala syang pakialam sa maiksing pinagsamahan namin.

Haistttt. Naalala ko na naman yun. Hmmm after non hindi na ko nagmessage sakanya. Actually she blocked me on facebook. She even left to our group in messenger.

Tama nga siguro best friend ko, (si Mark) ang dali ko kasi makipagkaibigan. Ang bilis ko maging attached sa isang tao, kaya in the end ako yung nasasaktan.

Nasa malalim akong pag iisip ng biglang may humablot ng isa ko earphone, pagtingin ko si Lance. Nasa tabi ko na sya at ayun nakapikit ang mata. Nakasandal pa sa balikat ko ang loko. Infairness talaga sa lalaking toh kahit napawisan eh ang bago pa din.

Maya maya may naramdaman naman ako tumabi sa kabilang side ko, Haissst Si Jaime naman. Nakapikit din, ang isang binti namn ai nakapatong sa binti. Tsktsk tong mga toh ginawa pa kong pahingahan eh. Sa may ilalim ng punong Malaki sa sulok kasi ako nakaupo.

"Mukhang pagod na pagod kayo! Ginawa niyo pa kong dantayan niyo eh!" reklamo ko sakanila.

"Ingay mo Ly!" reklamo nmn sakin ni Jaime. Kaya naman tinapik ko pisngi niya.

I Got The BoyWhere stories live. Discover now