Chapter 9 - Acquaintance Party

28 1 0
                                    

Acquaintance Party.

"Wow ganda ng kapatid ko ah," puri sakin ng Ate Mae ko. "Danda tata diba?" tanong din niya sa pamangkin ko.

"Nagmukhang tao din!" komento naman ng Mama ko.

"Wow Mama para namang sinabi mong hindi ako mukhang tao palagi ah." Reklamo ko sakanya.

"Hindi naman hahaha eh kasi naman college ka na't lahat eh hindi ka pa rin masyado nag aayos. Pero okay na din para di ka muna magkadyowa." Mahabang litanya ni Mama habang inaayusan si Trisha.

"Naku Tita kung alam mo lang." biglang komento naman ni Trisha na pinanlakihan ko ng mata. Kasi wala naman nangliligaw sakin eh bigla bigla ganon ang sasabihin sa nanay ko.

Bigla naman tumigil si Mama sa pag aayos sakanya.

"Ano ibig mo sabihin Jandi?" sabay harap sakin.

"May nanliligaw na sayo at hindi ko alam huh Liliana?" kunwaring pagalit na tanong niya sakin.

"Ma naman, wala noh syempre sasabihin ko sayo kung meron, adik yan si Trisha. Awan dyan kung ano ano sinasabi. Batuhin kita dyan bhe ai!" akmang babatuhin ko sya ng unan.

"Tita oh!" nagtago naman agad sya sa likod ni Mama.

"Magtigil kayo, Jandi balik dito sa upuan ng matapos na kita." Mama

"Tita tatapusin mo na ko? Wag naman Tita, gusto ko pa po magkadyowa!" Trisha

"Siraulo kang bata ka! Matapos ko pag aayos sayo, langya ka. Upo na dali." Mama

"Ah, lilinawin mo kasi Tita, hehehe dapat kasing ganda din ako ni Ly Tita huh." Trisha

"Sus, parehas kayo maganda huh." Mama

"Yan gusto ko sayo Tita eh."Trisha

"Ay di ka ba nililigawan ni Junpyo huh Jandi?" biglang tanong ni Mama kay Trisha nang ipinagpatuloy ang pagmemake up sakanya.

Muntik na ko mabulunan ng tubig sa tanong ni Mama. Napatingin kay Trisha at inirapan ako. Natawa ako.

"Naku Tita hindi ako type nun ni Junpyo. Iba type nun." Trisha

"Luh, sino? Akala ko pa naman eh kayo na." singit naman ni Ate Mae.

"Basted yan!" biro ko naman.

"Tita pakiulit ng make up sa anak niyo po. Gawin niyong kamukha ni Shrek please!" Trisha.

"Tigilan niyo nga muna pagkausap dine kay Jandi, di ako matatapos. Baka malate pa kayo." Mama

"Peace Tita." Trisha

"Di ba kayo susunduin ni Junpyo?" tanong naman ni Ate.

"Hindi teh, punta muna kami sa boarding house nina Dani, dun kami mga girls magsasabay sabay, si Lance sasabay sa mga boys." Paliwanag ko naman.

"Yung damit mo huh, baka malukot." Paalala ni Mama.

"Yes mother. Inayos ko na po sya ng lagay sa plastic.

"Oh ayan tapos na Jandi. Oh diba kagagandang dilag niyo talaga." Sabi samin ni Mama.

"Naman Tita, very small things Hahaha. Thank you po." At niyakap si mama.

"Oh sya sya, kayo ay umalis na. Baka mahuli pa kayo. Ang bilin ko huh, wag masyado mag iinum susko. Imemessage ko si Junpyo. Sabihin ko ihatid kayo." Mama

I Got The BoyWhere stories live. Discover now