Chapter 2 - Strangers To Friends

73 1 0
                                    

Strangers to Friends.

Pagkapasok ko ng gate, sumalubong sakin ang madaming estudyante. Halos lahat busy. Naghahanapan ng room siguro? Napatingin ako sa may bulletin board kung sana marami ding mga estudyante ang tumitingin.

"Siguro dun makikita kung san ang room." Bulong ko sa sarili ko. Lumapit ako para tingnan din kung san ang room ko.

Hindi ako makasingit sa dami ng tao sa board. Malabo pa mandin mata ko kaya di ko sya Makita sa malayuan. Haissst. Biglang may kumalabit sakin. Napatingin ako kung sino yon.

Isang babae nakangiti sya sakin. "Hi! Hinahanap mo din ba name mo sa board?"

Ginantihan ko din sya ng ngiti, "Hi, oo eh kaso di ako makasingit. Ang daming tao."

"Sige wait lang," sabi niya sakin at luminga linga na parang may hinahanap sya. "Ayun! Ano nga pangalan mo?"

"Ah, Liliana Jane Cruz." I smiled at her.

"Okay" Sabay lingon muli sa mga tao sa may board, "Hoy! Louie Boy!" Sigaw niya.

Nakita ko na may lumingon ng tinawag niya ang pangalan na yun. "Trisha, Bakit?" sagot nito sa babaeng kausap ko kanina. So Trisha pala name niya.

"Pasuyo pahanap ng name ni Liliana Jane Cruz!"

"Ano? Sino yun?" tanong ni Louie.

Itinuro ako ni Trisha kaya napakaway ako sa lalaki. "Sya! Dali na daming tanong eh!"

"Oo na ito na. Bat nagagalit?"

Sinamaan sya ng tingin ni Trisha kaya napailing na lang sya at muling tumingin sa board. Maya maya ay umalis na sya sa may board at naglakad palapit samin.

"Same ng klase natin sya, so magkakaklase tayong tatlo." Sabi ni Louie.

"Yun!" Sigaw ni Trisha sabay kapit niya sa braso ko.

"So pano ba yan, magkakasama tayo sa iisang klase hehehe, Ako nga pala si Trisha Mae Alarcon. Tapos ito si Louise Gaustin kaibigan ko at kaklase ko din nung high school pede mo syang tawagin Louie."

"Hello, salamat naman at may nakilala agad ako dito." Sabi ko sa kanila sabay ngiti.

"Sya tara na baka magsimula ang orientation, dun na daw ibibigay buong schedule natin." Sabi ni Louie.

"Sige" pag sangayon naming ni Trisha.

Sinundan namin sya papasok ng building. Maliit lang ang compound ng school na toh kaya di ako maliligaw kung sakali hehehe. Di ko rin ineexpect na madami din pala ang nagenroll dito. Akala ko kasi wala masyado dahil sa bago at yun nga iilan lang ang course na offer nila. Yung mga pang 2 years vocational course lang.

Nakarating kami sa 2nd floor ng building, Room 203.

"Eto na wari ko yun." Imik ni Louie samin. Nilingon niya kami, "Tara pasok na tayo,"

"Tara." Hinila ako ni Trisha sa braso papasok ng room.

Pagpasok namin may ngilan ngilan ng estudyante ang nandoon. May nakita akong pamilyar na mukha. Napangiti ako, kaklase ko sya nung elementary. Di pa niya ako nakikita at busy sya pakikipagusap sa isang lalaki. Nakatalikod ito sakin kaya di ko Makita mukha.

"Dun tayo sa dulo."Suhestyon ni Trisha.

"Sige, mas gusto ko nga din sa dulo." Naglakad kami papuntang dulo. Kung san malapit yung kaklase ko noon.

I Got The BoyWhere stories live. Discover now