Chapter 11 - Sports Fest Preparations.

36 0 0
                                    

Ang lahat ay nagreready na para sa nalalapit na sports fest. As usual ang boys, sasali sa basketball. Ang ibang girls naman may kanya kanyang sports din na sinalihan. Pero syempre ako wala hahaha kundi ang cheerdance lang. Pero lahat kami ay kasali sa cheerdance.

Hindi ko alam kung makakasayaw ako ng maayos, si Jaime kasi ang partner ko eh. Dapat kasi si Lance eh, kaso hindi naman sya sasali at magreready sya sa chess game niya at hindi rin talaga sya nagsasayaw.

After ng acquaintance party namin at simula ng pag amin ko sa nararamdaman ko na syempre si Lance lang ang may alam eh hindi ko na alam ang pakikitungong gagawin ko kay Jaime. Baka hindi ko mapigil ang sarili ko at bigla ako umamin sakanya. Which is ang panget tingnan nun hahaha. Well anyway focus na lang sa ibang bagay. Gusto lang naman eh hindi naman siguro ito lalalim.

First day ng practice namiin after ng class buti na lang at maagap na cut ang class namin. Andito kami ngayon sa park habang naghihintay sa magtuturo samin.

Katabi ko si Lance ngayon, habang nanunuod sya ng chess game sa phone niya. Si Trisha naman ay ayun at nakikipagkulitan kina Chad.

"Seryoso mo," biglang imik ni Lance sa kalagitnaan ng panunuod niya sa phone niya.

"Paano mo nasabi?," hehehe kasi naman nakatutok sya sa pinanunuod niya kanina pa tapos sasabihan ako ng seryoso ako.

Tiningnan niya ko bigla, "Ramdam ko, wag ka masyado mag-isip. Sayaw lang yan" sabay balik sa pinanunuod niya.

Binatukan ko sya, "siraulo ka talaga! Hindi ko yun Iniisip noh!" Sabay irap sakanya,

"Lokohin mo lelang mo, Ly. Kilala kita."

I sighed."Wag na lang kaya ako sumali?"

Tinapik niya noo ko, "Gagi, yan n nga lang hilig mo, bibitawan mo pa."

"Eh kasi naman eh, baka mas lalo ako magkagusto eh."

"Magkagusto? Kanino?" narinig naming tanong ni Trisha. Hindi ko namalayan na nasa tabi na pala namin sya.

"Ha?" maang maangan tanong ko. Shocks ano sasabihin ko.

"Narinig ko yun, " tumabi sya sakin, sabay tapik ng balikat ni Lance.

"Lance, ano sinasabi nitong kaibigan natin kanina? Rinig ko yun. Kayong dalwa huh, naglilihim na kayo sakin."

Tumawa naman si Lance at sabay tingin muna sakin bago kay Trisha. At biglang umakbay sakin. "Ito kasing kaibigan natin eh, may nagugustuhan na"

Kinurot ko tagiliran ni Lance. Sabay ngiti kay Trisha na medyo lukot ang mukhang nakatingin sakin.

"Ah so ganun, wala ka balak sabihin sakin huh?" nagtatampong imik ni Trisha.

Bigla ko namang tinanggal ang akbay ni Lance sakin at niyakap si Trisha.

"Naku, wag mo ko daanin sa paglalambing mong yan Ly." Mataray na imik ni Trisha.

"Hehehe, eh kasi hindi pa rin naman ako sure if gustong gusto ko na talaga kaya hindi ko pa sinasabi sayo." Paliwanag ko.

"Hmmmmm partner mo yan sa sayaw noh?"

"Huh? Paanong?

"Gagi, kaibigan mo ko. Alam ko yang love language mo noh."

"See. Even ako alam ko din kahit hindi mo pa sabihn" singit ni Lance sa usapan namin.

"Inaantay ko lang din naman na sabihin mo sakin eh." Imik ulit ni Trisha.

I Got The BoyOnde histórias criam vida. Descubra agora