Chapter Thirty-seven

22.5K 245 36
                                    

The issue about my parents didn't die in an instant. Kahit pa ipinaliwanag naman nila iyon kasama nina Tito Cain at Tita Meryll na ginawa nila iyon para lang pauuwin ako galing ibang bansa, may mga hindi pa rin naniwala.

Villaverde family is influential. They are known, not just here in the Philippines, but also outside the country. Kaya hindi ko talaga sila maintindihan kung bakit nila nagawa ang bagay na iyon.

Naiintindihan ko naman na kaya nila ako gustong pauwiin ay dahil kailangan kong malaman ang totoo, pero napakaraming ibang paraan para gawin iyon, iyong hindi pa magandang paraan at ikapapahamak nila ang naisip nilang gawin.

Now, our bodyguards doubled because of their indecisive move. We don't know something might happen. May mga taong iba ang takbo ng utak kaya natatakot ako para sa kanila kaya naman nag-suggest ako na doblehin na nila ang bilang ng mga kasama nilang bodyguard tuwing lalabas.

Since they already know that I am pregnant, halos ayaw na nila akong palabasin ng bahay. They only let me go outside the garden every morning para naman daw maarawan ako at makakuha ako ng vitamins. They also made sure that I am eating healthy foods. Sila rin ang namomroblema sa biglaan kong cravings, lalo na si Daddy na natataranta pa tuwing may gusto akong kainin dahil tiyak na kapag wala ay mag-iiba ang mood ko.

I know that they're excited about this. Ang tagal na rin kasi nilang hinihiling noon sa amin na bigyan na namin sila ng apo. Kung kailan wala na kami ni Cai, doon pa ako biglang nabuntis. Para bang pinaglalaruan kami ng tadhana.

Kahit narinig ko na ang paliwanag ni Cai at nasabi niya na kung ano ang totoo, nahihirapan pa rin akong maniwala kasi paano kung nagsisinungaling lang siya?

Ang hirap kasi maniwala lalo na kung nawala o nabawasan na ang tiwala mo sa isang tao. Kahit nagsasabi naman siya ng totoo, ang hirap nang paniwalaan kasi natatakot kang maloko ulit o maniwala sa hindi naman pala totoo.

Sa ngayon, hinahayaan at binibigyan ko na muna ng oras ang sarili ko. May parte pa rin sa aking hindi okay, kailangan ko lang ng panahon.

Hahayaan ko si Cai na gawin ang gusto niya o ang sinabi niya sa aking manliligaw siya ulit. Patunayan niya ang sarili niya sa akin at kailangan niya iyong paghirapan.

Isa pa, iniisip ko ang tungkol sa mga litratong ipinakita sa akin ni Lheen. Hindi ipinaliwanag sa akin ni Cai ang tungkol sa bagay na iyon. Kailangan ko pa ring malaman kung bakit may mga ganoon silang litrato.

Kung totoo na wala nga silang relasyon, ano pala ang mga picture na 'yon?

Kasalukuyan akong nasa kuwarto ngayon at nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Sikat na sikat ang araw at mabuti na lamang ay hindi sa gawing kuwarto ko ang tama ng sikat nito.

Hinimas ko ang tiyan ko na may kaunti nang umbok. Hindi ko alam kung kailan ko sasabihin kay Cairus ang tungkol sa bagay na ito. Basta ang alam ko lang, kailangan niya ring malaman dahil siya pa rin ang ama ng bata.

Alam ko ring mapapatawad ko siya, lalo na kung mapatunayan kong totoo nga ang sinasabi niya. Hindi naman ako bato. Masyado akong nagpadalos-dalos at hindi ko na naisip pang lapitan siya simula nang araw na sabihin sa akin ni Lheen na siya ang ama nang ipinagbubuntis niya.

Mahal na mahal ko si Cai. Kapag nalaman kong inosente talaga siya, hindi naman ako magdadalawang-isip pang bumalik sa kaniya. Gusto kong buo ang magiging pamilya ng anak ko.

My parents and friends are right. I shouldn't let this child have a broken family just because I believed in something that isn't true.

Once he proves that he's telling the truth, I'll come back to him with wide open arms.

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon