Battle of hope
KAREN POV
"I love you.....Aira."
Pinulot ko isa-isa ang mga saplot ko habang pinipigilan kong umiyak ng malakas. Nang makapag-bihis na ako ay dali-dali kong nilisan ang silid namin.
Nang makasakay sa kotse ko ay pina-andar ko kaagad ito ng mabilis. Habang walang tigil sa pag agos ang mga luha ko.
Nang makarating ako sa lugar na lagi kong pinupuntahan noon ay dali-dali akong bumama at nag tungo sa dulo ng bundok.
Aira Villarin
"Si Aira na naman. Putangina si Aira parin. Lagi nalang siya Adrian bakit hindi nalang ako!." Malakas kong sigaw sa malawak na paligid habang nilalabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.
"Pagod na pagod nako eh. Putangina pagod nako umasa sayo, Na mamahalin mo rin ako. Kahit minsan lang Adrian ako muna, iparamdam mo naman sakin na asawa moko kahit saglit lang. Mahalin mo naman sana ako
kahit ngayon lang ako naman please pagod na pagod nakong ipagsiksikan yung sarili ko sayo kahit alam kong sya parin. " Malakas kong sigaw sa mahangin na kalawakan.
Nasa mataas akong Bundok ngayon at sinisigaw ko lahat ng hinanakit ng puso ko.
" Binigay ko naman lahat Adrian bakit si Aira parin ubos na ubos nako eh " Manghihinang napa upo ako sa damohan.
Bakit pa nga ba ako umasa na ako ang iniisip nya habang nag tatalik kami. Bakit ko nga ba inubos at binigay lahat sa kanya. Bakit hindi ako nag tira sa sarili ko.
Napaka tanga mo talaga Karen.
" Kung ubos na ubos kana hayaan mo kong punuin ka ulit." Dinig kong saad. Patingin ko ay nakaupo na rin ito sa tabi ko.
"C-Chad? Anong ginagawa mo rito? " Takang tanong ko.
"Hindi na importante kung bakit ako nandito basta iiyak mo lang lahat at pag tapos kana paguusap natin. Hmm alam mo naman na ayokong nakikita kang umiiyak eh. Sino ba nag pa iyak sayo at nandito ka sa private house natin? " mahabang tanong nito.
" I-it's no one. " I answered weakly and laid my head on its shoulder.
" Sige hindi na kita pipilitin na sagutin kung sino ang may gawa nito sayo pero bakit ka umiiyak? " Malumanay na tanong nito.
" Men are the reason I'm crying Chad" I said it softly enough for him to hear.
"What!!, nihindi nga kita pinapayagang makagat ng lamok o magkasugat sa binti tapos papaiyakin ka lang ng gagong lalaki ha Karen!!!?!"
" Can we please not talk about it Chad, please"
"Fine" Napipilitang pagsang-ayon nito sa hiling ko.
"Chad kung nagpakasal ka ba sa taong mahal mo kahit hindi ka nya mahal itatali mo parin ba sya sayo kahit ubos na ubos kana?" Mahinang tanong dito pero sapat na para marinig niya.
" Kung patuloy mong itatali Ang isang taong Wala namang pagmamahal Sayo, parehas kayong mauubos at masasaktan. So learn let go kahit mahal mo siya Karen . " Seryosong sambit nito habang nakatingin sa kalawakan.
"Mag Uumaga na Karen umuwi kana sa bahay mo. Delikado na at baka mapahamak kapa sa daan pag mas nagpagabi kapa dito. Or kung gusto mo dito kana muna matulog baka kase mapahamak ka pa eh. " Nagaalalang saad nito habang inaalalayan akong tumayo mula sa pagkakaupo.
" Sige dun nalang muna ako sa kwarto ko dito matutulog, Salamat Chad " mahinahang pasasalamat ko dito nang makarating kami sa tapat ng kwarto ko.
" Walang anuman, sige na mag pahinga kana para gumaan yung pakiramdam mo." Saad nito at pumasok sa kwarto nito na nasa tapat lang ng kwarto ko.
Pumasok na ako sa kwarto at umupo sa kama ko.
Alam kong may mahal kang iba Adrian hayaan mo kong unti-unti kang makalimutan ng puso ko at wala ang nararamdaman kong pagmamahal para sayo.
77 days Adrian 2 months and 2 weeks to go and I will set you free.
Kinabukas ay nagising ako sa Tama ng araw. Ginawa ko muna ang morning routine ko sa banyo bago lumabas. Nang makarating sa kusina ay nagulat ako ng makita kong nag luluto si Chad.
"I didn't know that you can cook na pala." I suddenly ask.
"Marami ka ng hindi alam sakin kaye. Alam mo naman na independent ako sa buhay Diba kaya kahit magkakasama parin kami ni Mom at Dad sa Alaska ay ako parin ang kumikilos para sa sarili ko." nakangiting tugon nito sa tanong ko.
"Talaga lang ah. Anong nangyari kay Mr. I don't do cooking thingy." I jokely said to him.
"Wala so how are you? Did you sleep well? Are you hungry?" sunod sunod nitong tanong sakin kaya napa tawa nalang ako ng mahina.
Still caring as ever Chad sana ikaw nalang sya.
________________________________
Sinipag ang author nyo ngayon mag update😅

YOU ARE READING
91 DAYS WITH MY HUSBAND [EDITING]
RandomI am Karen Juaneza-Bautista, and my husband Adrian Bautista does not love me, but I love him dearly to the point that even if he uses my body and hurts me physically and mentally, I endure it. But tao rin ako napapagod, that's why I decided to make...