CHAPTER 10

48 5 0
                                    

not good for her

KAREN POV

Nang maka alis si Eunice ay saktong pumasok si

Chad?

Anong ginagawa niya dito?

Nakasuot ito ng doctors robe alam Kong nakapagtapos ito sa kursong med pero hindi ko alam na doctor na sya at dito pa talaga sa pilipinas.

"So, how are you." Malamig ngunit mahahalata mong may halong pag aalalang tanong nito.

"Good.. Or not." Tipid pero may halong ilang na sagot ko dito.

Tumango ito at nag tanong ulit.

"base on your lab test your already 1 month pregnant.. I know it's too private to ask but who is it."

"who what?"

"Who is the father of that toddler inside you Karen sino!" Hindi ko inaasahan na pagtataasan nya ako ng boses.

"M-my husband Adrian." Sagot ko dito habang nakatagilid dito ng Higa.

Ayokong makita nya akong umiiyak, na nasa ganitong istado.

"The baby inside you almost die because of too much stress so.. Tell me it's because of him.... Right?" He still ask kahit halatang may alam na sya.

Hindi ako sumagot but I nod my head.
Napapikit ito na tila nahihirapan at nasapo ang ulo.

"I'll give you the list of vitamins and recommend you some milks for a pregnant woman like you."

"Thank you" Tipid Kong sagot dito habang pilit na umiiwas sa mata nito na tumingin.

"stay away from that man he is not good for you especially to your child."

Tapos na akong bigyan ng reseta ng nurse at pwede na din daw ako makalabas. Till now hindi ko padin nakikita si Chad after our conversation earlier.

As of now nag aayos nako dito sa restroom at ready to go na. Sabi kanina ay bayad na ang bills ko. I tried to ask who pay it but ayaw daw ipasabi kung sino kaya I don't have a choice.

Till now hindi parin ako makapaniwala na may buhay na sa loob ng sinapupunan ko. I still can't believe it.

Nang maka sakay sa kotse na binook ko online ay sinubukan ko ulit tawagan si Adrian but as always he did not answer it.

Nang maka uwi ay naabutan ko si manang na nag wawalis sa labas.

"Manang bakit nyo po ginagawa yan naku po hindi nyo na dapat yan ginagawa."

"Hayaan mo na ko dito iha mas hindi ako mapapakali kapag wala akong ginagawa. Sige na magpahinga ka na sa loob at tatapusin ko lang to at papasok na din ako sa loob." Saad nito sa akin ay winalis ang konting dumi na natitira.

"Nuko manag kayo na lang po ang pumasok na at ako na ang tatapos nito sige na." pakiusap ko dito at kinuha mula rito ang Walid at dust pan.

Mabilis kong tinapos ang paglilinis at pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko si Isabel at Manang sa kusina ay naka upo at nag uusap.

"Nandyan na pala kayo Ma'am Karen ano pong gusto ninyong ulam para sa hapunan. "

"Parang gusto ko nang Menudo at Achara Isabel, pwede nyo ba akong lutuan nun."

bigla kong naisip ang Menudo at Achara hindi ko alam kung bakit pero bigla talaga akong nag crave dun at ang malala gusto ko pagsabayin. Grabe parang nanunubig na agad ang bagang ko habang iniisip ko palang na kumakain na ako nun ng sabay

" Pwedeng pwede po Ma'am ikaw pa ba."

"Sige akyat na muna ako tawagin nyo nalang ako sa taas kapag mag hahain na para gabihan."

nang maka akyat ay dumeretso na ako sa aking silid at napag pasyahan na maligo muna.

Nang matapos sa banyo ay naisipan kong matulog muna.

Mamaya nalang siguro ako mamimili ng mga kailangan ko sa Watson.

"Ma'am gising na po mag hahapunan napo.''

Nagising ang diwa ko ng marinig ang boses ni Isabel. nang magising ang aking diwa ay tinignan ko muna ang oras at alas syete na ng gabi. Nang maka tayo mula sa pag kakahiga sa kama ay napatingin naman ako sa aking telepono at nakitang wala ni isang tawag o mensahe na galing kay Adrian. Bagsak ang balikat at tamad akong lumabas ng kwarto at pumunta ng kusina.

Nang makarating sa hapag ay nakapag hain na rin ng mga plato , kobyertos at baso.

"Manang Isabel sabayan nyo na akong kumain.

"Sige na iha mauna kana at may niluto din kaming para sa amin ni Isabel." Malumay na tanggi ni Manang sa alok ko iniwan na ako dito sa lamesa kasama si Isabel.

"Kamusta naman ang day off mo Isabel? " Tanong ko rito habang nagsisimula nanag kumain.

'' Masaya naman po Ma'am naka dalaw ako sa mga kapatid ko at nakapasyal din ulit kami ng magkakasama."

" Mabuti naman kung ganun. Nga pala kamusta naman si Belle balita ko nanalo siya sa school nila ng Quiz Bee. "

Isa si Belle sa mga naka tangap ng scholarship na donation ko sa lugar nila. Isa kase ako sa mga nag do-donate ng mga scholarships sa mga kabataang kapos at gustong makapag tapos ng pag aaral at mag karoon ng magandang trabaho at kinabukasan.

At sa mabuting kapalaran ay dun nakatira sila Isabel at ng kaniyang mga kapatid. Si Belle ang matalino katulad ni Isabel samantalang si Isidro naman ang bunso. Namatay kase ang ang kanila ng ama at Ina sa isang trahedya.

"Oo nga po Ma'am naku maraming salamat po talaga at hulog po kayo ng lang it sa amin. Kung hindi po dahil sa tulong ninyo ay baka wala pa ring trabaho at hindi na nag aaral ang mga kapatid ko utang na loob ko po talaga Yun sa inyo." Saad nito at Naka ngiti.

" Ano ka ba Isabel wag mo na akong pasalamatan at tsaka deserve naman ni Belle yun. Isa si Belle sa mga matatalinong Bata at alam Kong malayo ang mararating niya pag dating ng panahon. "

" Ay nga pala mag go-grocery ako bukas ma'am may gusto po ba kayong ipabili? " Tanong nito. Bigla Kong maisip na isabay nalang bukas sa pag go-grocery ang pag bili ko ng mga kailangan ko.

" Isabel pwede ba akong sumama bukas mag grocery may bibilin din kase ako. "

" Oo naman po Ma'am "

_________________________________
So Yun wala lang juntis na si Karen 🤰

91 DAYS WITH MY HUSBAND [EDITING]Where stories live. Discover now