CHAPTER 21

47 5 2
                                        

Hatred & Wealth

KAREN POV

"Sino po s'ya Ma?" Ulit na tanong nito.

"A-Ah. " Napalunok nalang ako dahil wala akong maisip na isambit na kahit na anong salita.

Sobrang lakas ng pintig ng dibdib ko sa hindi ko malamang pakiramdam.

Nang sa wakas ay naalis ko dito ang aking tingin ay nakahanap na ako ng sasabihin.

"Anong ginagawa mo dito? Sinabihan na kitang umalis na diba bat bumalik ka pa dito? " Saad ko dito habang tinititigan ito ng malamig ka pantay ng tingin nito sa akin.

" I'm not here for you, I'm here for our Daughter ." Malamig na sabi nito kaya napatawa ako ng pagak.

" Correction my Daughter Mr. Bautista baka nakakalimutan mo matagal ka nang hindi parte ng pamilya namin."

"Pamilya natin." Giit nito.

"Pamilya LANG namin PERIOD maraming salamat pala sa dugo mo pero Hindi ka na namin kailangan ulit makaka alis kana."

"Anak ko din sya may ambag ako sa buhay nya!" Sigaw nito.

Susumbat ulit sana ako ng mag salita si kalila.

"Hindi po kita kailangan Wala ka pong obligasyon dito ok na po ako makaka alis ka na po."

"A-anak -"

"I don't have a father I don't wish to have one. Hindi ka po namin kailangan sa buhay namin kinaya po namin ng anim na taon na kami lang ni mama at kakayanin pa po lalo namin kaya salamat nalang po. " Mahabang lintanya ni Kalila at nag talukbong na ito sa kumot.

I can feel that Adrian felt something strange that cause his heart to feel pain, regret and longing and it's visible and easy to see in his eyes. But he deserves it anyway.

" Makaka alis ka na Adrian please lang. " Mahinang sambit ko matapos ang mahabang katahimikan.

Wala itong nagawa kundi sumunod sa akin at umalis na at saktong pag bukas nito ng pinto ay ang pag pasok naman ni Esther.

" Si Adrian yun diba? " Kunot noonong tanong nito.

Tumango nalang ako dito bilang sagot at napapailing na tumingin naman kay Kalila na lumabas na sa kumot ngunit masama pa rin ang tingin sa pinto.

Nang mapansin siguro nito ang tingin ko sa kaniya ay lumingon na ito sa wakas sa direksyon namin.

"Anak ..." Tawag ko dito.

Umiwas ito ng tingin at yumuko.

"Ah Karen labas muna ako bibili lang ako ng makakain sa malapit. "Pag putol nito sa tensyong namumuo sa pagitan namin ni Kalila.

Tumango ako dito. Nang makalabas ito ng tuluyan ay napatingin ako kay kalila ng bigla itong nag salita.

"I hate him so bad." Saad nito habang naka tingin sa akin ng may mga namumuong mga luha sa kaniyang mga mata.

Nakaramdam ako ng sakit para Kay Adrian at hindi ko din alam na may ganito na palang kinikimkim na sama ng loob si kalila para sa Papa niya. Alam kong isa ako sa mga dahilan kung bakit may sama s'ya ng loob pero kung hindi kami lumayo at kung nanatili Ako o kami at hindi umalis ay may malaking posibilidad na mawala o makunan ako kay Kalila at hindi ko kakayaning mangyari yun kung sakali man.

"I hate him so much. Nang dahil sa kaniya nag hirap tayo he hurt you, us. I always got bullied at school because of him. Sana di na lang s'ya ang papa ko! " Umiiyak na Saad nito.

"Anak Please stop na ok don't blame him please. I know he got it bad but I am also at fault kase hindi ko pinaalam sa papa mo na merong Ikaw na nabuo."

"Mama don't blame yourself po please I'm sorry I just hate him so much. " Parang akong sinaksak sa puso.

Ako ba ang may gawa nito?

Hindi ko alam na may ganito na palang nararamdaman at dinidibdib ang anak ko .

Hanggang sa makatulog si Kalila ay sobrang occupied pa rin ng utak ko sa mga nangyayari at Isang tanong lang din ang na proseso ng utak ko.

Paano kami makaka alis dito sa sitwasyon na ito ngayon?

Hindi ko na namalayang nakatulog ako.

Nagising ako sa sinag ng araw kinusot kusot ko ang aking mata. Nang umayos ang paningin ko ay siyang pag bukas naman ng pinto at pag pasok ni Adrian dito sa loob.

"Ano na naman bang ginagawa mo dito." Tanong ko dito na may halong inis.

"Hindi ako susuko Karen gusto kong mapalapit ang loob sakin ng anak ko." Malumanay ngunit malamig na saad nito.

"Ayaw sayo ng anak ko di mo ba gets yun? Ibig sabihin di ka na niya kailangan sa buhay n'ya kaya umalis ka na." Hindi ko na napigilan ang pag lakas ng boses ko dala ng mga samo't saring emosyon na nabubuo sa aking kalooban.

"Ma " Napatingin ako kay kalila ng tawagin ako nito at nakatingin naman ito Kay Adrian na may pagsusumamo sa mukha nito at pagkasabik at panghihinayang.

"Sabi mo babawi ka? Wag po puro salita gawin n'yo po ." Saad nito pumikit ulit.

"O-oo babawi ako anak babawi ako sa Inyo ng mama ko."

"May sinasabi ka ? "Mataray na tanong ko dito at tinaasan ito ng kilay.

"Wala po master." Saad nito at dali-daling umalis muli.

Master mo mukha mo

_____________________________________________
@Prettymissdreamer

91 DAYS WITH MY HUSBAND [EDITING]Where stories live. Discover now