SHOT #1 CUPID'S TARGET

3 0 0
                                    

 
     "Ikaw na, nakakahiya kaya!!" Kanina pa nag-uusap ang dalawa na yan. Pabulong pero maingay pa rin. Ibinaba ko ang hawak na libro at tinignan sila.

"Ano ba yan? Nagbulongan pa kayong dalawa diyan!" Lumingon sila ng sabay sa akin, ilang segundo akong tinitigan at nagtinginan. Napakunot ang noo ko dahil ang creepy nila. Lalo na at sabay pa silang ngumisi. Mukhang alam ko na to. Ngising may masamang balak. "Sabihin niyo na, nangingilabot ako sa inyo." Pagkasabi ko noon, sabay silang tumayo at aligagang lumapit sa akin. Halos magtulakan pa, muntik pa akong mapangiwi.

Tinatamad sana akong magsalita pero kapag ganito silang dalawa walang makakapatigil sa kanila, lalo na kung hindi pa ako umawat.

"Favor naman Fey!" Saad ni Shane, malaki ang ngiti sa labi. Hindi ako nagsalita, sa halip nakatingin lamang ako sa kanya. Naghihintay.

"Nakikita mo ba ang gropo ng mga lalaki doon sa may gilid ng field?" Itinuro niya ang tinutukoy, kaya napasunod ako ng tingin doon. Mayroong limang kalalakihan ang nakatambay doon, sa tingin ko mga Sophomore ang mga ito.

"Tapos?" Walang gana kong saad, napahikab pa ako. May kinuha siyang sobre na nakaipit sa planner niya at iniabot sa akin. Tinitigan ko iyon.

'Love Letter?'

"Hindi yan akin okay, kung yan ang iniisip mo." Mabilis niyang saad na kinatawa ni Lessy. Tamad ko siyang tinignan, hindi kinuha ang iniaabot niya. "Sa kapatid ko yan, Gustong-gusto niya kasi si Gadiel, iyong pinakamatangkad doon sa lima, kita mo yun?"

Itinuro niya ulit ang tinutukoy, bahagya ko iyong sinulyapan at ibinalik kaagad sa kanya ang tingin.

"Ibigay ko raw, ayaw ko rin talaga kasi like ew! Ang baduy lang talaga, kung hindi ko lang talaga nasira ang tablet niya naku, pero anyway please Fey, Ikaw na lang pag-asa ko, kung hindi, kukunin niya sa akin ang phone ko, buhay ko yun alam niyo yan." Ang daldal naman. Daming sinabi.

"Bakit hindi ikaw Les? Sa pagkakaalam ko malakas loob mo?" Balik ko sa isa. Ngumiwi ito at winagayway ang kamay, tutol na tutol.

"Ayoko, baka may makakita pa sa akin diyan at isuplong ako kay Daryl ewan ko na lang, kaya pass." Inilipat ko ang tingin kay Shane. Ganoon din sana ang itatanong ko pero OA itong nagreak. Nanlaki ang mga mata.

"Ayoko rin, nakakahiya kaya atsaka alam niyo naman na mahina self-esteem ko lalo na kapag mga lalaki ang kaharap ko, like duh!" Ang arte naman. Bumungtonghininga ako. Kinuha sa kamay niya ang sobre. Tinignan ito, harap at likod. Maganda ang pagkakagawa, babaeng-babae. Si Selena ba naman ang gumawa, mas maarte pa yun kay Shane. Kikay.

"Hindi ito libre!" Ngumisi ako sa kanya at tinitigan siya. Umasim ang mukha niya.

"Ano ba yan? Para ka naman others, magkaibigan ba tayo o hindi?"

"Okay!" Inilapag ko ang sobre sa lamesa at kukunin ulit sana ang libro para magbasa pero mabilis niyang ipinatong ang kamay sa ibabaw ng libro ko.

"Sige na!! Ano ba gusto mo??" Sirang-sira ang mukha at labag pa sa loob na saad niya.

"Bayad na ako sa utang ko sayo!" Natigil ito panandalian at maya-maya lamang bumilog ang bibig nito at mga mata, natawa na naman si Lessy, ang epic ng mukha niya.

Napapikit ito ng mariin at nag inhale exhale para kalmahin ang sarili, para huwag na magreak pa. Alam niyang no choice siya.

"Sige na nga!" Sa kaliwa siya nakatingin, nakaiwas sa amin. Madilim ang mukha, alam ko na to, sinusumpa na nito ang kakambal sa isipan, sinisisi kung bakit napasubo siya. May binubulong-bulong pa siya pero hindi namin marinig.

ONE SHOTS Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum