Shot#17 GENUINELY

0 0 0
                                    


SEPTON LEGACION POV

       Wala akong ibang magawa kung hindi ang mapanganga at humanga. Heto na naman ako. Oo na, hulog na hulog na ako sa kanya. Nakakabakla man pakinggan pero hindi ko na ito mababawi. Ayoko na rin lokohin ang sarili ko na hanggang curious na lamang ito. Alam na nga ng lahat, ako pa kaya. Siya na lang pala ang hindi.

Weekend ngayon at nandito kami sa lugar ng isa naming kaklase. Dito napiling mag shoot kasi mayroon ditong mahabang tulay na malayo sa highway kaya pwede naming magamit. Panaka-naka ang dumaraang sasakyan pero dinarayo nga lang para kunan ng litrato. Okay na iyon saamin, isa na rin iyon sa magandang kuha na mayroong mga turista rito. Pinakiusapan na rin namin ang mga naroon na magsho-shoot kami at kailangan namin ang gitnang tulay.

It was a successful. Unang shoot palang. Akala ko nga mahihirapan kami kasi salubong pa rin ang mga kilay niya mula pa noong bumyahe kami, para bang labag sa loob niya pero wala siyang choice. Kahit na noong nakabihis na siya at inaayusan. Walang kangiti-ngiti pero muling tumibok ang puso ko ng mabilis ng maayusan siya, kahit nakabusangot ang ganda niya sa paningin ko. Bakit nasabi ni Asher na hindi siya pang rampa? Sinungaling siya. Ang ganda niya kaya, walang ayos man o meron.

Lalo nga akong nahulog at halos hindi ko na matanggal ang mga mata ko sa screen ng gamit kong laptop. Ako kasi ang mag-eedit ng video. At oo, nakaglue na ang mga mata ko roon. Ilang beses na akong binunggo sa balikat at inasar pero hindi ko sila inintindi patuloy lamang ako sa panonood sa kanya habang naglalakad sa mahabang tulay na malaki ang ngiti at mayroong buhay at kulay ang awra.

Ang galing niya. From busangot to diwata. Ang galing niya mag change mood. Parang hindi siya ang nakikita ko, parang ibang tao. Napalunok akong muli, nakarinig ako ng tawanan pero dinedma ko.

"Laway mo Sep!" Doon pa lamang ako nagreak at kinapa ang labi. Nilingon ko ang nagsabi nun at sinamaan ng tingin, natawa ito kasabay ng iba.

"Masyado kang obvious. Ready ka na ba sa reaksyon niya? Ikaw din, baka mapaaga ang pagiging broken hearted mo."

Kinabahan ako pero pinandilatan ko siya ng mga mata. Kinatawa iyon ng iba at lumakas ang mga tawa nila ng magpalinga-linga ako at hanapin siya, takot na baka narinig nito ang mga pinagsasabi nila. Nakahinga ako ng malalim ng makita itong nasa loob ng van at nakasalpak ang earphones sa tenga. Kumakain ito ng mag-isa at tahimik.

"Siraulo!" Lalo silang nagtawanan ng sabihin ko iyon. Pati ako nagulat sa sinabi ko. Naririnig ko lang iyon sa kanila, oo alam ko na alam nila na hindi ako ganoong tao, hindi ako bulgar magsalita. Inasar pa nila ako ng inasar pero binalik ko na ang tingin sa ginagawa at muling napunta sa mundong napakakulay na siya lamang ang nakikita ko.

Naisip ko bigla na siraulo na rin ako. Kung ano ano na ang naiisip ko.

--

"Okay already packed up!!" Malakas na saad ni Keanna. "Check niyo ulit ang paligid baka may naiwan kayo, ang mga katabi niyo baka maiwan."

Kanya-kanya na silang asikaso at sakay. Binagalan ko talaga sa pag aayos ng gamit ko kasi ayokong makipagsabayan sa kanila sa pagsakay. Sarado na ang isang van ng matapos ako, nasa labas pa ang tatlo na nag uusap-usap pa.

"Oh Sep sa likod kana, ayoko na roon nalula ako."

"Sige!" Walang pakialam kong saad. Iniapak ko na ang kanang paa sa loob ng van ng mapaatras ako agad. Medyo nanlaki ang mga mata ko at lumabas ulit. Nilingon ang tatlo, nahuli ko pa ang mga ngiti nila. "Siraulo kayo!" Natawa na naman sila.

"Paborito mo na yan word na yan Sep ah!" Pang aasar ni Tom. Ibubuka ko na sana ang bibig ko pero pinigil niya ako at tinulak tulak papasok. "Sige na, huwag na mag inarte. Binibigyan kana namin ng favor."

ONE SHOTS Where stories live. Discover now