SHOT #3 ENCOUNTERS

1 0 0
                                    


 

  Tumigil ang bus na sinasakyan ko, mayroon sigurong sasakay. Hindi ako lumingon, sa labas lamang ako nakatingin, nagitla na lamang ako ng mayroong pabagsak na umupo sa tabi ko. Napalingon ako ng biglaan. Gulat na gulat pa rin.

Lalaki ito na nakasuot ng black cap, black jacket, nakayuko ito kaya hindi ko makita ang mukha niya, kinabahan ako kaya medyo umusod ako palapit pa sa bintana, dahil sa ginawa ko napatingin ito sa akin. Nagkatitigan kami.

Naputol lamang iyon noong tumigil ulit ang bus.

"Shit!"

Pagmumura niya, nataranta, parang uod. Mas kinabahan ako. Sumilip ito sa unahan at yumuko ulit. Madalian niyang hinubad ang jacket at sombrero, nagitla ulit ako ng lumingon ito sa akin. Ikinumot sa akin ang jacket at inilagay sa ulo ko ang sombrero. Nanigas ako. Hindi alam ang irereak, kinuha nito ang shade na nasa ulo ko, isinuot, iniakbay sa balikat ko ang braso niya, pinalapit ako sa kanya at umayos ng upo. Nagawa niya pang ihilig ang ulo ko sa balikat niya.
Mukha kaming magkasintahan.

"Makisakay kana lang!"

Madiin niyang bulong. Napakurap ako, nakakita ako ng mga paa sa baba, tumigil ito at parang nagtitingin-tingin, ang katabi ko naman ay idinantay ang bibig sa ulo ko at bahagya iyong hinalikan. Napalunok ako. Hinawakan din nito ang kamay kong nasa ibabaw ng bag ko, itinaas at iyon naman ang hinalikan.

Pakiramdam ko nangangamatis na ako, mainit na mainit na ang pisngi ko. Sasabog na rin ata ang dibdib ko dahil sa bilis ng tibok nito.

Ilang segundo pa nagsialis na sa harap namin ang mga lalaki, wala atang nakita o ito talagang katabi ko ang hanap nila pero dahil nakahanap siya ng paraan hindi siya nakilala.

Tumigil ulit ang bus, sa tingin ko nagsibaba na ang mga iyon, ilang metro pa bago niya ako binitawan. Umayos kami pareho ng upo. Kinuha niya ang jacket at isinuot iyon, Hindi ako makatingin sa kanya, hiyang-hiya ako. Kinuha niya rin ang sombrero sa ulo ko.

"Salamat!"

Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya iyon, nagkatinginan ulit kami, suot niya pa rin ang shade ko. Hinawakan niya iyon akala ko ibabalik niya pero ibinaba niya lamang iyon para makita ko ang mata niya.

"Akin na ito, salamat ulit."

Tumayo na ito at naglakad papunta sa harap, tumigil ang bus at umandar din maya-maya. Nakita ko pa siyang naglalakad, lumingon ito kaya muling nagtagpo ang mga mata namin hanggang sa bumilis na ang takbo ng bus.

Sa pagkakataong iyon, doon pa lamang ako nakahinga, bumuga ako ng hangin at kinalma ang sarili, napapikit pa ako. Nawala ang tapang ko roon ah.

Dalawang araw mula ng makarating ako rito sa Manila, sabado ngayon at papunta ako sa Cafe na pag-aari ni Tita. Nag-aadjust pa ako lalo na at masyadong malawak ang Manila sa akin. Sinabi na rin Tita kung paano makakapunta roon, kung paano sumakay. Hindi rin naman ako takot magcommute mag-isa, malakas ang loob ko at madali lang naman magtanong.

"Para!"

Naunahan akong magpara ng isang babae. Pinauna ko na itong magbaba bago ako sumunod. Tumingin ako sa kabilang kalsada, naroon na ang Cafe ni Tita. Maganda at catchy siya. Tinignan ko ang loob sa malaking salaming na pader nito, medyo maraming tao sa loob, karamihan mga kabataan. Patok nga ito sa kabataan lalo na at modernized at sa tingin ko mga anak mayaman ang mga ito.

Tumawid ako at nagtingin-tingin pa sa paligid bago pumasok. Sumalubong sa akin ang medyo malamig na atmospera sa loob. Inilibot ko ang paningin sa paligid, umaasang makikita ko si Tita, busy ang mga tao. Bumungtonghininga ako at lumapit sa counter. Dalawa ang naroon, babae at lalaki. Ang babae ay mayroong kausap kaya lumipat ako sa lalaki na nakayuko at mayroong pinagkakaabalahan. Mayroong isinusulat.

ONE SHOTS Where stories live. Discover now