Shot # 13 DREAM AND ESCAPE

1 0 0
                                    


RODNEY SEVERIO POV

              Hays. Ang boring. Akala ko maeenjoy ko ang semester break, Akala ko lang pala. Mag-isa lang ako ngayon dito sa bahay. Alam niyo ba kung nasaan ang pamilya ko? Ayun, nasa probinsya lahat, doon sila mananatili hanggang magpasukan. Ako? Ito nakatengga sa bahay, maraming inaasikaso na dapat hindi. Nagsisisi tuloy ako ngayon na tumakbo akong Vice President sa Supreme Student Council. Ang lagay eh, ako ang humahalili sa presidente namin kasi hayun siya nadengue kasi sumama sa tree planting ng mga kakagraduate palang na batch. Kinarer kasi tapos ngayon ipinasa lahat sa akin ang mga trabaho mabuti sana kung may suweldo ito. Nadagdagan ang pressure na pinapasan ko. Hays.

In the first place ayoko naman talagang sumali. Kasalanan niya to. Kasalanan ng babaeng iyon. Natigil ako dahil sumingit na naman siya sa pagmumuni-muni ko.

"Tsk!"

Inabot ko ang phone ko sa gilid ng kama ko. Nag check ng mga messages, updates and GCs lang naman.

"Tsk! Di man lang talaga ni-heart ang profile picture ko."

Nag scroll na rin ako, napakunot ang noo maya maya kasi mayroon akong napansin. Tiningala ko ang bubong at nag isip.

"May kulang. Ano yun?"

Kinamot ko ang sintido at natigil iyon agad ng mapagtanto iyon. Ibinalik ang tingin sa phone at nagscroll ulit, nirefresh para magsiabutan pa ang mga bagong post sa news feed ko pero wala talaga.

"Tsk!"

Bad trip na tumigil ako. Kasalanan niya na naman. Ang babaeng yun na naman. Dati rati kapag nag oonline ako mga shared post niya ang mga nakikita ko at talagang napakadami na akala mo kumikita siya roon, pero hindi kumokota na siya sa akin. Kuta na sa asar. Ngayon wala kahit isa, kahit makailang refresh ako walang lumabas.

"Tsk, napagod na rin sa wakas. Arte pa!"

Natigil ako kakapindot nung matagpuan ko ang sarili na nagtatype na ako ng pangalan niya at ang mas nakakagulat roon ay hindi ko siya ma search.

"Bakit?!"

Inis kong saad. Sinubukan ko ulit pero walang lumabas.

"Siraulo!"

Parang nakuha ko kung bakit. Nag log out ako ng madali sa personal kong account at inopen ang SSC account. Doon ko inulit ang ginawa ko at natagpuan kong active ang account niya at nakaonline pa nga siya.

Lalong nagsalubong ang dalawang kilay ko at naghurumentado.

"Tsk! Mabilaukan ka sana kung kumakain ka."

Ibinato ko ang phone sa kama ko at tumayo. Mabibigat ang mga paa na bumaba para uminom ng malamig na tubig. Kailangan ko ata iyon.

---

"Guys pasensya na talaga sainyo lalo na sayo Ney."

Nagawa niya pang magbow na akala mo prinsipe. Kaya marami magkakandarapa diyan eh, napakagentleman saka mabait. Kaya nga nananalo eh, sa katunayan ikatatlong termino niya yan. Graduating na rin at ako may dalawang taon pa.

"Ney!!"

Tawag ni Kiel ang SSC president namin. Wrap up na kami for today's work. Nilingon ko siya at nakita kong nagja-jog siya papunta sa akin.

"Bakit?"

Tinignan niya muna ako at napansin ko ang unti-unting pagsilip ng isang multong ngisi sa labi. Pang asar. Nangunot na naman ang noo ko.

"Ano ba?! Tigilan mo nga ako?! Ano kailangan mo?!"

Pasensya na pero sorry not sorry. Ganito talaga ako sa kanya. Sanay na siya sa akin. Sila pala. Lahat pala. Ako iyong tipo ng tao na maikli ang pasensya, straight forward at harsh magsalita, direct to the point. Ayokong binibitin ako.

ONE SHOTS Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum