Shot #8 SWEET CITRUS OF THADEUS

1 0 0
                                    


   "Oy City!"

Napalingon ako kay Karina. Mayroong kislap sa mga mata niya, noong magtagpo ang mga mata namin napakagat labi siya kaya nagsalubong ang dalawang kilay ko. Itinaas niya ng mabilisan ang kanan niyang kilay. Ngumuso ito at lumingon sa kanan niya. Nalito ako pero sinundan ko ang itinuturo ng nguso niya at mata, na sana pala hindi ko na lamang ginawa.

Gusto ko sanang iiwas ang mga mata ko sa kanya pero sa halip na gawin iyon, tinaasan ko siya ng kilay. Iyong tipong abot sa bubong ng library.

Ang seryoso niyang ekspresyon at matiim na titig ay napalitan ng maaliwalas pero maliit na ngiti. Pinag-ikotan ko siya ng mga mata at iniiwas na ang mata sa kanya. Si Karina naman ang tinitigan ko ng matalim, pigil ang tili nito dahil nasa library kami.

"Huwag kana magsalita at manahimik kana lang."

Matalim kong saad. Ibinalik ko sa ginagawa ang atensyon pero hindi na iyon buo. Ngayong aware na ako na nasa paligid siya at hindi lang iyon, aware akong nakatitig na naman siya sa akin. Heto naman ako, natuturete at natataranta, palihim lang naman.

It was Thadeus Perez. Well, crush ko siya noong junior high pa kami. It was the most embarrassing and memorable part of my junior high school. Dahil nga bata pa ako, marupok at naive, hayun todo habol ako, hindi naman sa halos lumuhod na ako, no way. It was just I was  expressing my feelings for him. I'm too vocal when it comes to my feelings for him. Alam sa buong campus iyon and the expected twist is, hindi naman niya ako nireject, but well, no response and alam din iyon sa buong campus.

I was so 'nene' that time. Hindi pa gaanong marunong mag ayos sa sarili. Hindi nga rin ako nag iipit man lang ng buhok, medyo maitim pa ako noon because I was a track and field athlete before kaya panay bilad ako sa araw. I don't mind being burned under the sun. Wala pa akong pakialam sa hitsura ko noon, kaya siguro deadma lang siya. Not even an inch, kahit kunti wala siyang response o pinakitang interest. He was also a basketball player back then. Popular, hindi man ace player at captain ball pero he's too good kaya marami nagkakagusto. Hindi lang naman yun ang kinagusto ko sa kanya. He was so gentle. I saw how he treated a lost cat. Kahit madumi kinuha niya iyon at kinarga, kinumotan ng uniform niya. I don't like cats but seeing him that moment, it was magical. I never knew he have a side for cats. Simula nga noon nagustohan ko na siya. Ang bilis, hindi lang yun basta crush, it was like, almost love. It not just infatuation, but more than that.

After Junior High Completion, nawala na lang ako bigla. Walang paalam, walang kahit ano. Lumipat ako sa Baguio, sa Tita ko. Doon ako nag aral ng Senior High School. I'm not an achiever, I don't even excelled, pero sapat na para makapasa. Hindi ako katalinohan pero when it comes to sports, hindi ako papatalo pero natigil ako maglaro, inalagaan ko rin kasi noon ang Lola ko, and sad to say she passed away 2 years ago.

Nasa 3rd year na ako sa college. I transferred back kasi lumipad papuntang ibang bansa si Tita kasama ang pamilya niya, pinag-e-stay ako sa bahay nila pero wala akong kasama at matagal na rin naman akong hindi umuuwi sa amin. Napag desisyonan kong bumalik na.

And I thought things would go smoothly kasi nga low profile ako at baguhan, not until the first day of the first semester started. I don't know na architecture din ang gusto niya. After 4 years we met again. Wala akong idea na he also love sketching and so on. Iyon lang ang pinagkapareho namin maliban sa pagiging atleta.

He's still a basketball varsity. This time Captain ball na siya. Mas sikat, mas kilala at mas maraming nagkakagusto. Hindi ko alam kung maniniwala ba talaga ako o talagang ayaw ko lang maniwala pero he never been in a relationship since high school. Kahit noon wala siyang pinormahan, hindi siya yung tipong pagkakamalan mong bakla kasi nga hindi pa nagkakagirlfriend, he's too good to be true.

ONE SHOTS Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz