Shot#18 S(TRES)S WAY

0 0 0
                                    


ENCHANTRESS CELIS POV

       Nakaawang lamang ang labi ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ako makapaniwala na isang palabas lamang iyon. Nadala ako at muntik pa akong tuloyang mahulog. Napakagaling niyang aktor. Napahanga niya ako.

"Sigurado ka bang palabas lang iyon? Sasaluhin naman kita kung sakaling nabighani ka nga ng aking kagandahan like how I break you and enchanted you?"

Ayoko sanang magtunog biro iyon pero basi sa naging kunot ng noo niya. Nabadtrip ata sa sinabi ko, akala ata nagbibiro talaga ako.

"Again, like I said it was just an act that my sister told me. I'll benefit a week of silence from her so I grab it and now that I saw Villanueva again, I hit two jacpot in a row."

Tumango tango ako kahit medyo malabo pa rin sa akin. Tinitigan ko siya ulit. Pakiramdam ko nakatitig ako sa kawalan. Hindi madilim pero parang walang hangganan ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Magkaiba talaga silang kulay ng mga mata ni Irish. Ang ganda ng kanya. Sayang naman kung palabas lang talaga iyon. Jackpot na rin sana ako sa kanya. Gwapo, malinis, mabango, mayaman at masarap siya sa paningin ko. Parang gusto ko na lang magkape at isawsaw siya roon habang kinakagat ang labi ko.

Grabe naman ang epekto niya sa akin. Ang dumi ko na tuloy mag isip. Ang sarap niya lang talaga kasi. Ang yummy, pano pa kaya kapag nakita ko na ang katawan niya. Napalunok ako.

Kumunot ulit ang noo nito at muling gumihit ang iritasyon roon. Pati pagkunot ng noo niya yummy pa rin. Mabuti na lang at nakokontrol ko ang sarili ko, baka kasi naglaway na ako or worst sinunggaban ko na siya kanina pa.

"What are you thinking?!" Matalim niyang saad. Suplado pero I love it. Lahat ata ng reaksyon niya ay gusto ko, pati ata siya gusto ko na. Kung siya lang naman, ay jusko, hindi na ako maghahanap pa ng iba. Susugal talaga ako ng malaki, maipanalo lamang ang laban na siya ang premyo. Nasa harap ko na ang malaking tropeyo, pano pa kaya ang sandata niya.

'Ow men!'

Napakagat labi ako na kinatalim lalo ng tingin niya sa akin.

"Sigurado kana? Ayaw mo sa akin? Kaya naman kitang palambutin!"

"What the hell?! Shut up!You sound like a maniac!! And I'm not really interested to you Miss!"

Ngumuso ako. Sabi na eh, ang dumi lang talaga pero anyway. Kung ayaw naman sa akin hindi ko naman pinipilit iyon. I always find a man that can pleasure my happiness and someone that can take care of me. I date to marry but sad to say, palagi na lang epic failed. Nagtataka nga rin ako, palagi ko naman napapatawa ang mga kaibigan ko at ang ibang tao but when it comes to my relationship, palagi na lang nila akong iniiwan because I'm what? Immatured. Siraulo pala sila eh. Hindi lang sila makasabay sa mga banat at jokes ko.

Aminado naman akong napaka straight forward ko at malaman magsalita pero well, I don't care anymore. Sabi ko nga kung ayaw nila sa akin, go lang. I maybe always find a man, date always but I don't beg dude. I'm a lady. I should be treated like a queen.

"Oo na, oo na. Tangging-tanggi ka sa akin. Sayang lang kasi but anyway thanks Ice, baka lamang sa ginawa mo tigilan na ako ni Albert. Sige na makakaalis kana marami pa akong kailangan gawin na orders. Ingat ka."

Kumaway pa ako sa kanya at ngumiti ng bahagya bago ko siya tinalikuran at simulan muli ang naantala kong trabaho.

Hay naku. Sayang talaga. Nanghihinayang ako.

"Ma'am kita ko yun. Sayang naman."

Umiling iling ako pero hindi ko siya tinignan, sa halip pinagpatuloy ko lamang ang ginagawa.

ONE SHOTS Where stories live. Discover now