Shot#11 MISDIRECTION

0 0 0
                                    


        "Ang sarap nito, balik tayo rito okay? Try naman natin yung iba pa nilang dishes."

"Hmm!"

Tumango siya sa akin habang ngumunguya pero nasa plato ang mga mata niya. Naibsan ang kakaibang pakiramdam na nadarama ko kanina bago pa man kami magkita. Pagkagising ko pa lang kaninang umaga ganoon na ang nararamdaman ko. Kinabahan ako at I overthink things. I thought so many things na pwedeng dahilan, until we met here and ate. Naibsan niya at ng pagkain ang nadaramang iyon.

"Saan na tayo?"

Magiliw kong saad habang ikinakabit ko ang aking seatbelt. Tapos na kami kumain, excited na ako kung saan niya na ako dadalhin sunod. He have this side na mahilig manorpresa and I like that side of him. Kahit alam kong sasabihin niyang secret nagtanong pa rin ako.

Malaki ang ngiti na nilingon ko siya at inayos ang sarili. Lumipas ang ilang sandali, unti-unting naglalaho ang malaking ngiti ko. There's something sa kanya na di ko maexplain.

"What's the problem Koah? You okay?"

Malambing kong saad sa kanya, hinimas ko ang braso niya. Diretso lamang ang tingin niya sa harap, hindi man lamang ako nilingon o kumurap man lamang. Dati na siyang seryosong tao, but today is different. His silence is creepy. It creeps the hell out of me.

"Let's stop this Francheska!"

Naumid ako, ilang segundo muna akong natulala at di maintindihan ang sinabi niya, pinoproseso ko pa iyon ng lumingon siya.

"Let's stop this Francheska!"

Inulit niya. Noong una natanga ako, ngayon naman nabobo na ako, naiintindihan ko pero ayokong mag dig deeper pa.

"Did you hear me Francheska?"

Saad niya, napakurap ako at napaayos ulit ng upo. Lumingon sa labas. Sa katahimikan sa loob ng kotse niya naririnig ko na ang unti-unting pagkabasag ng puso ko. Maaari palang mangyari iyon.

Gusto kong magtanong kung bakit pero wala akong karapatan.

"Francheska?"

Medyo diniinan niya ang pagtawag sa pangalan ko. Naiinip na sa matagal kong pananahimik.

"Okay!"

Parang robot na saad ko. Ilang minuto muna siyang nanahimik, na alam kong nakatingin siya sa akin, hinihintay pa ang sunod kong sasabihin or reaksyon man lamang, but I didn't.

Sa katahimikan kong ibinigay sa kanya hudyat na iyon para paandarin niya na ang kotse. Huling sakay, huling pagkakataon na ipagda-drive niya ako. Pakiramdam ko last supper ko iyon, huling kain na kasama siya. Kaya pala napakadami niyang inorder kanina, mas marami pa sa kinasanayan namin.

Ang bigat ng dibdib ko, nasa tabi ko lang siya pero habang lumilipas ang bawat sandali palayo siya ng palayo sa akin. Lumalabo ang paningin ko di dahil naiiyak ako kundi dahil pokus ako sa pag overthink, lumalagpas sa reyalidad at napupunta ako sa ibang mundo na ako lamang at ang sarili ko ang naroroon. Ang mundong nabuo ko mula ng makilala ko siya.

I was misdirected before I met him. Nakilala ko siya sa bar that time. I was wrecked and messed up. Walang direction ang buhay. Walang pangarap. Walang pamilya. Walang kahit ano. Ni wala akong kaibigan. Nandoon siya para uminom at lumimot. He was left, iniwan siya ng girlfriend niya, na plano niya na sanang hingin ang oo. He's also wrecked and messed up. Then, dahil sa kalasingan we both ended up naked under the blanket. I am not a bitch, never in my life na umuwi ako sa kahit saan kasama ang lalaki, it was the first time. Kaya nagulo ako lalo, natakot, halos mabaliw na ako. I'm not virgin but I'm not that kind of girl.

ONE SHOTS Where stories live. Discover now