Shot#10 DREAM AND PAIN

0 0 0
                                    

      
     "Kath!!!!" Agaran kong nailayo ang phone sa tenga dahil sa sigaw ni May. Napapikit pa ako at halos maihilamos ko ang palad sa mukha. Ang ingay niya pa rin.

"Ano ba May!!" Saway ko sa kanya. Tumawa lang ito sa kabilang linya. Napabuntong-hininga na lamang ako. Useless ang saway ko, ganyan na talaga yan, di yan magpapaawat.

"Oy ha! Sa makalawa na yung Reunion, kapag talaga hindi ka pumunta asahan mong kakalampagin namin bahay niyo, huwag ako Katherine!"

Napaikot ang mga mata ko. Pang ilang beses niya na akong tinawagan para paalalahanin lang yan at inaasahan ko na yan ngayon.

"Oo nga, ano ba, hindi naman ako talkshit alam mo yan!"

Depensa ko sa sarili. Alam niya yan. Yung mga nakaraang taon considered ang missing in action ko dahil wala ako sa bansa. Kakauwi ko lang noong isang linggo. Hindi na ako magre-renew ng kontrata ko sa Canada. I was a real state agent in Canada at sa loob ng limang taon doon ako namalagi after makagraduate. Push agad kasi may backer ako, ang ninong ko. Ayaw pa sana niya akong pakawalan pero wala siyang magagawa kasi sa Pilipinas ko pa rin gusto tumira.

"Pinapaalala ko lang ulit, 'kay? So bye mwa!"

Binaba niya kaagad pagkatapos. Napailing-iling na lamang ako sa ginawa niya. Akala niya ba tatakas ako? Alam niyang hindi, ang kulit lang talaga.

Mula pa noong umuwi ako hindi pa ako nakikipagkita sa kanila. Busy pa ako sa pag- asikaso ng mga bagay bagay. Tapos inaasikaso ko pa ang papalapit na blessing ng bahay na ipinatayo ko para sa amin. Hindi marangya pero konkreto. Tamang-tama para sa aming pamilya. Katas iyun ng limang taong paghihirap ko sa Canada. Ang saya lang na nakita kong may napuntahan ang perang pinaghirapan ko.

"Ate! Ano ba raw nasaan na raw yung ipapakilala mong afam sa amin?"

Isa pa ito. Tinignan ko ng matalim ang kapatid kong bunso. Ang kulit. Sinabi ko na kasing joke lang na may iuuwi akong afam sa bahay. Alam nila yun na joke lang pero iniinis pa rin nila ako sa kakahanap ng afam na yan.

"Ako Louis tigilan mo kung ayaw mong bawiin ko yang bago mong cellphone!"

"Aba!! Walang ganyanan ate, ganyan ba kapag tumatanda na, pikunin?"

Pinandilatan ko ito ng mga mata at hahampasin sana pero kumaripas agad ito ng takbo palayo habang tumatawa ng malakas. Rinig sa buong kabahayan.

"Lokong yun!!"

---

Kagat labi na mabagal akong naglalakad papalapit sa venue ng Reunion namin. Kanina pa panay tawag at text si May sa akin.  Akala ata hindi ako sisipot, sa katunayan maaga naman talaga akong dapat darating kaso nasiraan ang taxi na sinasakyan ko, doon pa sa parteng malimit dumaan ang mga sasakyan. Grabe ang hingi ng tawad sa akin ni manong driver. Sinabi ko lang na ayos lang yun naiintindihan ko, guilty lang ako sa part na halos mag-iisang oras na akong late.

Hindi akma ang kasuotan ko sa daan, nakasuot lang naman ako ng fitted long gown na silver, mabuti at 3 inches na stelito lang napili kong isuot. halos umabot 20 minutes din bago dumating ang taxi na kakilala ni manong. Tinawagan niya ito at inilipat ako. Hindi na nga ito nagpabayad pa kaya nagpsalamat na lamang ako kahit naaawa ako sa kanya na iiwan namin siya dun.

Sa kasamaang palad naipit pa kami sa traffic. Halos maihilamos ko sa mukha ang sariling palad  kaya ini-airplane mode ko na ang phone ko kasi panay kulit si May.

Ang sana halos labing-limang minuto lang na byahe naging lampas isang oras na.

Sa labas palang rinig ko na ang ingay sa loob, dito nila napili ulit sa school kasi nga dito kami nagtapos lahat. Tumigil ako at bumungtong hininga muna. Hindi ko alam kung anong mukhang ihaharap ko. Hindi lang kay May kung hindi sa iba pa.

ONE SHOTS Where stories live. Discover now