Shot#15 - CUPID'S TWIST

0 0 0
                                    


MARY FEY CRUZ POV

      Binuksan ko ng mabagal ang aking mga mata. Napakabigat nito na pakiramdam ko napakatagal kong natulog at namamanhid na rin ang buong katawan ko. Ilang araw na ba akong nakaratay dito sa hospital? Anong araw na ba? Pinakiramdaman ko ang loob ko kung kalmado na ba ako? Alam ko noong mga nakaraan masyado akong aligaga, takot at di mapirmi. Takot na takot sa bagay na matagal ko ng kinalimutan, akala ko okay na ako pero bakit bumalik pa iyon? Okay na ako nitong mga nakaraang taon, nakakaya ko na ngang bumisitang mag isa sa libingan nina Lolo at Lola pero sa isang iglap bumalik ulit iyon.

Sa naiisip, muling nanginig ang kalamnan ko sa takot at pangamba. Pakiramdam ko binabalot ako ng lamig, kinagat ko ang labi ko at unti-unti muling namuo ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. Wala akong lakas sumigaw, o magmakaawa man lamang  kung sinuman ang nasa paligid ko. Ni hindi ko magawang lumingon sa takot na baka mayroon akong makitang hindi tama. Napa-paranoid ako. Maraming pumapasok sa isip ko na kung anu-anong bagay na lalong nagpapakilabot sa akin.

Nagtataas-baba ang dibdib ko at nanginginig ang mga kamay ko. Unti-unting lumalakas ang impit kong hikbi, unti-unting pinupuno ang kwarto. Napakatahimik. Natatakot ako lalo. Hinahanap ko na naman ang mga yakap niya, ang comfort niya. Hindi ko akalain na sa mga bisig niya mahahanap ko ang kaligtasan.

Ang taong hindi ko pinapansin at dinadaan-daanan lamang ay ang taong kakailanganin ko pala sa mga oras na ito. Kailangan ko siya. Natatakot ako. Gusto ko siyang makita, gusto kong yakapin niya ako. Gusto ko nasa paligid lang siya. Gustong-gusto ko.

Pumikit ako para tahimik lamang na umiyak.  Ngunit nagmulat muli ng maramdaman kong mayroong pumunas sa luha ko sa kanan. Nilingon ko ito, sa nanlalabong mga mata pilit ko siyang kinilala. Napapikit ako ng ikulong niya ang mga pisngi ko sa dalawa niyang mga palad.

"Shh!! Nandito na ako. Huwag ka ng matakot!" Pumitik ang puso ko sa narinig. Nakilala ko kung sino ang nagsalita. Dali-dali kong iminulat ang mata at siya na mismo nagpunas ng mga luha kong tumatabing sa mga mata ko. Nakagat ko ang labi ng tuloyang makita ang mukha niya. Nakangiti ito ng bahagya sa akin. Gulo-gulo ang buhok, nanliliit ang mga mata at mayroong marka pang kulay pula sa pisngi na nangangahulogan na galing ito sa pagtulog at nagising ko siya.

"Gadiel!" Halos ibulong ko iyon pero narinig niya kasi lumaki ang ngiti niya at dumukwang para halikan ako sa pisngi. Unti-unting gumaan ang pakiramdam ko. Pumikit ako at nanatiling ganoon tapos itinaas ang kamay para ipatong sa kamay niyang nasa mga pisngi ko.

"Nandito na ako Fey, ligtas kana. Hangga't gusto mong nandito ako kahit pala ayaw mo na nandito ako, hindi pa rin ako aalis. Mananatili ako sa tabi mo. Ako ang papahid sa luha mo, ako ang papawi sa takot mo, ako ang magpapakalma sa sistema mo. Hindi na ako papayag na lumayo ka pa sa akin." Napangiti ako ng bahagya at nagmulat. Naluluha na naman ako.

"Salamat Gadiel!"

Iyon lamang ang sinabi ko. Hindi ko kasi maisalin sa salita ang nararamdaman ko. Nalilito pa rin ako pero mayroong sumisilip na liwanag. Inaahon niya ako sa dilim, siya ang nagsisilbing ilaw ko. Umangat ako ng bahagya at pilit inabot ang labi niya na kinagulat niya. Nanlaki pa ang mga mata nito. Ngumiti ulit ako at pumikit.

"Kinomfirm ko lang kung totoo ba o hindi. Inaantok ako Gadiel, huwag mo akong iiwan, gusto kong paggising ko nandito ka pa rin sa tabi ko. Hawakan mo sana ang kamay ko ng mahigpit. Salamat." Pahina na iyon ng pahina pero alam kong naririnig niya pa rin iyon. Panay himas ng hinlalaki niya sa pisngi ko. Yun ang pakiramdam na kinatulogan ko. Ang sarap, pakiramdam ko sa napakahabang panahon ngayon lang ulit ako makakatulog ng ganito kakomportable at kasaya.

ONE SHOTS Where stories live. Discover now